"Yung bestfriend ko po,crush yung crush ko, eh nag sabi napo sakin yung crush ko na crush din nya ako at nanliligaw na po sya!!huhu!!gusto ko narin po syang sagutin kaso hindi pa po yun alam ng bestfriend ko!litong lito na po ako hindi ko po alam kung sasagutin ko na ba cya o hindi!!natatakot po ako bka magalit po si bestfriend!!"
BestGirlfriendEver's Advice
No offense po ha, pero may mali po kayo.
Diba po bestfriends kayo?
Kaya dapat po, umpisa pa lang na nalaman mo na crush niya ang crush mo e sinabi mo na po sa kanya na crush mo din ang lalaking crush ng bestfriend mo.
Pero dahil hindi niyo po nasabi sa kanya, mas lalo nang humirap ang situation kasi nanligaw na sayo ang crush mo. At inilihim mo pa.
So ang dapat niyo nalang pong gawin is magUsap kayo ng bestfriend mo.
Take Note: BESTFRIEND MO SIYA KAYA MAY KARAPATAN SIYANG MALAMAN ANG MGA GANOONG BAGAY.
HINDI MO SIYA BESTFRIEND KUNG NAGAGAWA MONG MAGTAGO AT MAGLIHIM SA KANYA.
Pero wag kang matakot :) Bestfriend mo siya kaya maiintindihan ka niya.
Hindi nga lang niya maiiwasan na MASAKTAN dahil sa nalaman niyang SUITOR MO NA ANG CRUSH DIN NIYA.
At isa pa na ikakasakit ng damdamin niya e yung nagawa mong magLihim sa kanya.
Kaya kinakailangan mo din humingi ng PASENSYA sa kanya dahil masiyado kang naging masikreto.
Sabihin mo din sa Manliligaw mo na may problema pa kayo ng bestfriend mo kaya kailangan niyo munang ayusin.
Advice ko lang na wag mo munang sagutin ang crush mo hanggat hindi niyo naaayos ng bestfriend niyo ang problema niyo. Okay?
Kasi pag sinagot mo agad ang crush mo. Madadagdagan ang sakit na nafefeel niya.Baka yon pa ang maging dahilan para hindi na kayo maging Bestfriends.
BINABASA MO ANG
Relatable Advice (Complete)
Romanzi rosa / ChickLitRead some of the situations of wattpad users and my advices for them.