Kim's POV
Pumunta na kami ni Mr.Stanger kung saan kami kukuha ng food. " Ummmm....Miss? Saan ba tayo kukuha ng makakain natin dito? Meron bang Market dito?" Tanong ni Mr.Stanger. Hahahah!!! Market daw? Hahahahah!! :-D "Hahahah!!! Market? Ni ako nga edh di alam ang itsura ng market na sinasabi mo! Hahahah!!! " Sagot ko sakanya. "Tssss....Eh saan nga tayo kukuha ng pagkain?" Tanong ulit niya na pikon na pikon na. Tsk! Pikon! "Edi sa mga puno at ilog! Duh!" Sagot ko sa tanong niya. Tsk. Aakyat na lang ako ng puno ng buko. kukuha lang ako ng mga.... Siguro 5 buko.
Mr.Stranger's POV
WOW! As in WOW! Grabeng galing naman netong babaeng toh!! Guys umakyat siya sa puno ng buko! Walang sanga yung punong yun guys! Kumukuha siya ng buko sabay ihahagis niya tapos kukunin ko tapos mag hahagis ulit siya tapos kukunin ko ulit. In short,ako taga bitbit. Grabe talaga guys ang galing niya umakyat ng puno! Parang unggoy! madami pa naman kaming ibang kinuha tulad ng saging,mangga,malunggay,talong, at ubas. Kumuha din kami ng tubig na maiinom ng tubig at nag igib din kami ng tubig panlaba niya at tubig panghugas. Nakakuha din kami ng Isda sa kabilang ilog. Nag lakad na kami pauwi. Medyo awkward pero okay lang.
Kim's POV
Nakabalik na kami sa kubo. Medyo nakakapagod pero keri lang. "Hoooh!! Nakakapagod!" Sabi ni Mr.Stranger. Duh! Napagod na siya nun? Eh wala nga siyang ginawa kundi manood sakin eh! Sinalo niya lang yung mga buko tapos nun ako din nag bitbit pauwi. Tsk! Duh! Ako dapat ang nagsasabing nakakapagod diba?! Hayaan na nga lang natin. Tutal nakakapagod nga naman mag lakad. "So? Anong gagawin mo diyan?" Tanong ni Mr.Stranger. "Lulutuin malamang!" Sagot ko naman. "I Know. What I mean is Marunong ka palang mag luto. Pero paano mo ngayon lulutuin?" Tanong na naman niya. tsk. "Watch and learn." Tanging sagot ko. So many questions kasi. Kinuskos ko ang dalawang kahoy hanggang sa umapoy ito.Nilagay ko ito sa may ilalim ng bao. Nilagyan ko ito ng Tubig at pinakuluan. after 5 minutes,nilagay ko na ang malunggay sabay nilagyan ko ito ng sibuyas bawang at luyang hinati ko. Pagkatapos ay hinalo koito gamit ang kawayan. Pagkatapos ay hinalo ko ito after that, nilagay ko doon ang isdang tinanggalan ng kaliskis at hinati ng tatlo. Hinalo ko ito at tinakpan ulit ng isa pang bao. After 3 Minutes nilagay ko din ang talong na hinati ko tapos hinalo ko ulit ito at tinkpan.
Sa Lamesa naman ay nilagay ko lahat ng prutas na nakuha ko. Hiniwa ko din yung buko. Medyo nahirapan ako kaya tinulungan ako ni Mr.Stanger dun. Pagkatapos ay kinayod ko ito gamit ang kawayan at ang juice nito ay nilagay ko sa baso. Ang baso ko kasi ay parang Alkansyang kawayan na hinati. Nilinisan ko na din yung bao upang maging karagdagang bowl. Nayon,tapos na ang luto ko.
"Tikman mo ang sinabawang isda na luto ko! Masarap yan at sigurado akong magugustuhan mo toh!'' Sabi ko sakanya. Sure naman talaga ako na magugustuhan nya yun eh. Masarap kaya ako mag luto. "Sure ka?" Tanong niya. "Oo naman! Bakit kasi di mo tikman diba?! Parsa di ka tanong ng tanong! duh!" Sabi ko. Kainis kasi. Nung tinikman niya,tuloy-tuloy na siya sa pagkain at hindi na namamansin. "Oh anong masasabi mo?" Tanong ko sakanya. "Okay lang. Masarap. Kaya lang,wala bang kanin?" Tanong niya. "HOY! Gubat toh hindi palayan! Duh!" Sabi ko. "Tss...Fine." Sabi niya. Maya-maya ay napaisip ako. Sanadali lang,bakit ako nakikipag usap ako sakanya gayong di ko naman siya kilala. "HOY! Sandali lang huh! Hindi ko alam bakit ako nakikipag usap sayo gayong di naman kita kilala? Sino ka ba?" Tanong ko. "Ako nga pala si Mark Justine C. Rivera. You can call me MJ. IKaw? anong pangalan mo?" Tanong niya. "Ako si Abbi Kim R. Perez. Kim na lang tawag mo." Sagot ko. "OKay.'' sagot niya.
*******************
Hi po! Hope you liked chapter 2!

YOU ARE READING
When forest girl turn to city girl [COMPLETED]
Подростковая литератураSiya si Abbi Kim R. Perez. Babaeng nakatira sa gubat. Ang weird noh? Akalain mo may tao pa palang nakatira sa gubat? Pero dahil sa isang lalaki,makakapunta siya sa lugar na ang tawag ay CITY. 😍