Kim's POV
Pag bukas ko Ay nakita ko ang isang Babae na napakaganda at tila 30 years old pataas na pero mukha siyang masungit.
“Bakit ang ta--” Nang mag sasalita na siya na akala niya isa ako sa napakaraming katulong nila pero pag tingin niya sa mukha ko napahinto siya.“Who are you? And what are you doing here in MY house?” Masungit na tanong niya.
“Ahh...Ako po ang kaibigan ni Mj.” Sabi ko sakanya.
“Ano ba bat ang tagal m-- Mom!?” Pag singit ni Mj. Mom daw? Mommy niya?
Lumapit Si Mj at niyakap ang mommy niya.
“Oh Mj! I miss you baby.” Sabi ng mommy ni Mj. Wow! Ang sweet naman nilang mag nanay. Sana buhay pa sa mama ngayon noh? Kaya lang Hindi na siya umabot eh. Birthday ko pa naman ngayon.
“I miss you too mom. Nga pala mom,Si Abbi Kim R. Perez A.K.A. Kim. Kaibigan ko po na pinatuloy ko dito. Sorry mom Hindi ako nakapag paalam sainyo. Sakanya ko po binigay ang Guest room number 7” Sabi ni Mj. Ahh.
“Oh? Dito mo pala siya pinatira?” Tanong ng mommy ni Mj.
“Yeah,like what I said.” Sabi ni Mj.
“Okay. Let's go inside.” Sabi ng mommy ni Mj.
Pag pasok namin dumiretso siya doon sa kwarto na nasa dulo na Hindi pinakita saakin ni Manang Belen dahil bawal daw.
Maya-maya Ay naserve na din lahat ng pag Kain na pinaluto ni Mj. Nakapangbahay na bihis na din ang mommy ni Mj. Ang sasarap ng pagkain! May Cake,Spaghetti, Macaroni, at yung iba? Di ko na Alam tawag dun. Pangmayamang pagkain na eh. Yung tatlong pagkain lang ang natandaan ko eh.
“Bakit madaming pagkain? Any Events?” Tanong ng mommy ni Mj.
“Ahh mom. Birthday po kasi ni Kim ngayon.” Sabi ni Mj.
“Oh? Ganun ba? Well,Happy Birthday Kim. Nga pala,my name is Maria Joana C. Rivera. Mj's mom as you hear while ago. You can call me Tita Joana. Sorry pala sa pagiging masungit ko kanina huh? Ganun lang talaga ako.” Sabi niya na agad nagbigay ng maamong ngiti.
“Ahh okay lang po yun Tita joana! Salamat po pala sa pag bati sa kaarawan ko.” Sagot ko sakanya.
“Nga pala since nasabi ko na Kay mom ang kwento mo kanina sa kwarto,Napagkasunduan namin na pagaralin ka ng 4th year high school para magkaklase tayo. But,para may Alam ka sa mga lessons since bakasyon pa,Mag papa tutor ka sa kaibigan ko.” Sabi ni Mj. Tutor? Ano ba yun?
“Uhm...Mj...Ano ba yung Tutor?” Tanong ko sakanya. Seriously? Ano yun?
“Tuturuan ka sa bahay para Hindi ka mahuli sa mga lessons.” Sabi ni Mj.
“Bukas mo makikilala ang mag tu-tutor sayo.” Sabi ulit ni Mj. Okay.
Kinabukasan...
“Tok,tok,tok! Kim! Let's eat breakfast! 8:30 na!” Sabi ni Mj habang kumakatok. Nakakarindi. Ang sarap sarap ng tulog ko dito sa malambot na Kama ko eh!
“Yeah! Maliligo muna ako” Sabi ko.
“Sunod ka na lang huh!” Sabi ni Mj.
“Okay.” Sabi ko at kinuha yung towel sa may Sabitan sa likod ng pinto ng kwarto ko. Pumasok ako sa C.R. patay! San ba dito yung Ilog? Ay Oo nga pala! Sabi ni Manang Belen doon daw sa bath tab maligo na parang ilog din daw yun! At meron din daw na shower. Bubuksan ko lang daw yun at may lalabas na tubig. Pero dahil sa First time pa lang ako gagamit ng shower, shower muna gagamitin ko. Sana marunong ako noh? Yung Sabin daw bubula na lang yun tapos ikukuskos ko sa katawan ko tapos yung syampo ba yun o shampoo? Bubuksan ko daw yung takip nun tapos pipisilin ko. Pag malumbas na kahit konti lang,ilagay ko daw sa buhok ko at kuskusin ko para kumalat. Ginawa ko nga lahat ng turo ni Manang Belen. At tapos na ako maligo. Nagbihis na naman ako ng pangbahay lang. Pagkatapos Ay bumababa na para mag break fast.
“Hi Kim! Ako nagluto niyan hija kaya kumain ka! Masarap yan.” Sabi ni Tita Joana.
“Ahh...Okay po. Ano pong tawag niyan?” Tanong ko Kay Tita Joana.
“It is Adobong Baboy. Don't worry masarap yan.” Sabi ni Tita Joana.
“Okay po.” Sabi ko. Nung tinikman ko,masarap nga! Hanggang sa kakasubo ko,natapos din ako. Kami ni Mj.
“Ahh Tita Joana,pwede ko po ba makita ang kwarto niyo?” Tanong ko Kay Tita Joana.
“Bakit? Mag nanakaw ka?” Sabi ni Tita Joana. Huh? Hindi ako magnanakaw noh!
“Ahh Tita Joana hindi ko po ugaling mag nakaw.” Sabi ko.
“Joke lang naman! Eto naman,naniwala kaagad! :-D” Sabi ni Tita Joana habang tumatawa. She looks like just Mj.
“Tara hija,let's go.” Sabi ni Tita Joana. Pag tingin ko sa kwarto,WOW!
“So,What do you think?” Sabi ni Tita Joana.“Ang Ganda po Tita!” Sabi ko. Totoo naman eh!
“Oh yeah I Know.” Sabi ni Tita Joana.
“Uhm..Tita pwede po ba sa kwarto po muna ako?” Tanong ko Kay Tita.
“Of course ” Sagot ni Tita.
Umalis ako at pumunta sa kwarto para mag pahinga. Nag cellphone muna ako. Tinuruan ako ni Mj gumamit ng Phone. Nag laro ako ng Tetris.
12:30pm
“Tok,tok, tok!” Isang katok ang narinig ko mula sa aking pinto.
“Sino yan?” Tanong ko.
“Si Mj toh! Kain na ng Lunch!” Sabi ni Mj.
Binuksan ko ang pinto sabay sarado tapos bumababa na kami ni Mj. May nakita akong isang lalaki na nakaupo sa lamesa. Di ko siya kilala. Pag upon namin sa lamesa,agad nag salita Si Mj.
“Okay Kim,this is my friend,'Nico Jade Flores Tuazon.' And he is also going to be your new tutor.” Mj said.
**********
Author na Dyosa: Hi guys! Please vote,comment and share! Guys Di uso ignore! 😂
YOU ARE READING
When forest girl turn to city girl [COMPLETED]
Teen FictionSiya si Abbi Kim R. Perez. Babaeng nakatira sa gubat. Ang weird noh? Akalain mo may tao pa palang nakatira sa gubat? Pero dahil sa isang lalaki,makakapunta siya sa lugar na ang tawag ay CITY. 😍