KABANATA 10

623 12 1
                                    

WAYNE...

BIGLANG sumilay ang isang napakagandang ngiti sa labi ko nang makita kong tumatawag sa cellphone ko si yvana. mukha yatang success ang plano na sinabi ni cathy sakin kanina. ang plano kasi ay sasabihin ni cathy kay yvana na aalis na 'ko at babalik na ng manila ngunit ang totoo ay hindi naman talaga.

nung una ayokong pumayag sa planong yun ni cathy dahil naisip ko, baka mas lalo lang hindi ako kausapin ni yvana kasi baka isipin nito. tutal aalis naman na ako. what's the point para habulin o kausapin pa niya ako.

ngunit nang dahil sa pagpupumilit na din ni cathy na gawin ang planong naisip niya at masiyado naman siyang convince na magwo-work nga yun. wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang at magtiwala na magki-click nga ang naisip ni cathy na plano. which is sa tingin ko. mukhang click nga talaga dahil heto ngayon si yvana tinatawagan ako sa telepono.

"yvana.."

sagot ko sa kabilang linya.

"wayne, nasaan ka? kailangan nating mag usap"

mukhang worried na tanong at saad ni yvana sakin ayon nalang sa tono ng boses nito. nang dahil naman dun. hindi ko uli maiwasan ang mapangiti.

"nandito ako ngayon sa kotse. nagmamaneho ako. im on my way to the airport---"

"ha, airport? ang sabi sakin ni cathy kanina mamayang hapon pa daw ang flight mo. bakit pupunta kana agad ng airport?"

parang natitilihang tanong ni yvana uli sa akin at ibig ko namang mapangiti lalo. ang totoo niyan nasa loob nga ako ng kotse ngayon. nasa baryo san manuel pa din, nagmamaneho ngunit nagpapaikot ikot lang ako sa kung saan saan habang hinihintay si yvana na kausapin niya ako. which is yun nga, kausap ko na si yvana ngayon.

sa isang banda, nagi-guilty din naman ako sa pagisinungaling namin dito ni cathy. pero kailangan talaga naming gawin yun ng kaibigan nito para makapag usap kami ni yvana.

"oo mamayang hapon pa ang flight ko kaso nagaalala kasi ako na baka abutan ako ng traffic sa daan o ng aberya. mabuti na yung maaga ako para sigurado. magiikot ikot nalang siguro ako sa airport habang naghihintay ng flight ko.. anyway, bakit ka tumawag? akala ko ba ayaw mo akong kausapin?"

kunway seryoso kong tanong sa huli kahit ang totoo ay napapangiti talaga ako dahil sa pagtawag ni yvana upang kausapin ako. narinig ko ang isang paghugot ng malalim na hininga ni yvana sa kabilang linya bago siya sumagot.

"hindi naman sa ayokong kausapin ka wayne. ano lang kasi.. uhmm.. okay ganito yun.. aaminin ko na, naiilang lang kasi ako sayo ngayon dahil doon sa sinabi mo sakin kagabi. at saka naiisip ko lang din. mas mabuti yung huwag nalang kitang i-entertain kasi nga paano kung niloloko mo lang ako? o di kaya naman, may girlfriend ka pala sa manila o asawa? saka parang ang hirap naman ng sitwasyon natin. nasa malayo ka. magkahiwalay tayo at---"

"look yvana, kung kinakailangang ipa-check mo pa ang status ko sa NSO para malaman kung may asawa nako o wala pa. puwes sasamahan pa kita.. sa maniwala ka sakin o sa hindi. ako na mismo ang nagsasabi sayo, wala akong asawa okay.. kahit girlfriend wala talaga, i swear.. alam mo naiintindihan kita kung bakit ka nagiisip sakin ng ganyan. kasi nga dalawang linggo pa lang simula nung magkita at magkakilala tayong dalawa. pero yvana, totoo yung sinabi ko sayo. kahit ako parang hindi din ako makapaniwala na masasabi ko ng agad agad sayo yung mga nasabi ko kasi nga parang ang bilis lang diba.. pero gusto talaga kita yvana and i realize that i am already in love with you since makita ko yung si julio na kakilala mo.. nagselos ako at parang gusto ko siyang upakan na ewan habang kausap mo siya.. yvana alam kong mahirap para sayo ang magtiwala agad sakin ngayon dahil kakakilala lang natin but please.. hindi mo ba talaga ako puwedeng pagbigyan, i mean bigyan ng chance para manligaw?"

Dahil Minahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon