KABANATA 1

1.6K 19 0
                                    

YVANA...

"Maraming salamat po nana sepa. malaking bagay po sakin ang mga papaya na 'to at marami-rami na din akong magagawang atsara nito"

natutuwa kong pasasalamat sa matandang ginang na kapitbahay ko. ang totoo niyan. medyo malayo ang bahay nila nana sepa sa bahay ko at mga labinlimang minutos ko ding nilalakad ang mula sa buhay ko sa bahay nilang mag-asawa.

kasama ni nana sepa ang asawa niyang si tatang ernesto. wala silang anak. kailanman hindi sila nabiyayaan ng anak dahil sa may problema daw sa matris si nana sepa. kung minsan hindi ko maiwasang maawa sa kanilang mag-asawa. naiisip ko kasi paano nalang kung ang isa sa kanila e mawala na?

parang ako.. nag-iisa ako ngayon sa bahay ko at hanggang ngayon hinihintay ko pa din yung lalakeng umiwan sakin pitong buwan na ang nakakaraan.

"abay oo naman yvana. marami-rami kana ngang magagawang atsara niyan at sana lang anak e makabenta ka ng madami para naman kahit paano may saysay ang iyong paghihirap na maglakad mula sa bahay mo papunta dito samin. alam mo ba kung minsan ay natatakot ako para sayo. paano ba naman? liblib ang iyong dinadaanan at walang masiyadong tao ang dumadaan papunta dito samin"

pahayag ng matanda at sang-ayon naman ako sa sinabi niya. tama si nana sepa. liblib nga ang aking dinadaanan papunta sa kanila. probinsiyang-probinsiya kasi ang lugar namin.. ang baryo ng san manuel. panay bukid, mapuno at ang mga bahay ay magkakalayo talaga.

"naku nana sepa sanay naman na ho ako at saka isa pa magandang exercise na din ang paglalakad diba. kumbaga nakapag-exercise na nga ako. may kikitain pa ako dahil sa mga papayang kinuha ko sa inyo"

nakangiting sagot ko at iiling-iling nalang sakin si nana sepa.

"o siya siya sige na nga lumarga kana at ng makarami ka ng atsara"

natatawang biro niya sakin at ako naman lumarga na nga palabas ng kubo nila.

"naku nana sepa kung sakaling madami nga akong maibebentang atsara. babalik ho uli ako dito. bibigyan ko ho kayo ng share ninyo at pati na din ng atsarang ginawa ko para naman kahit paano makabawi ako sa inyo ni tatang ernesto"

saad ko habang naglalakad na kami ni nana sepa palabas naman ng kaniyang bakuran.

"naku naman itong bata na to. yun na nga lang ang dagdag kita mo, ang pagtitinda ng atsara bukod sa pagtatahi e aabutan mo pa kami ng tatang ernesto mo. para papaya lang kung anu-ano na ang naiisip mo yvana"

"siyempre naman ho nana sepa! sa inyo galing itong mga papaya kaya dapat lang na bigyan ko din kayo ng share ninyo ni tatang ernesto diba?"

"hindi ko tatangapin yvana ang anumang share na sinasabi mong yan dahil una mas higit mong kailangan ang pera at pangalawa pinagpaguran mo yun"

giit pa din sakin ni nana sepa sabay tinapik niya ako sa aking balikat. hindi na nga ako nagpumilit pa sa matanda at kapagkuwan muli akong nagpaalam kay nana sepa para umuwi na. nang hindi pa man ako halos nakakalayo. tinawag ako ni nana sepa at sinabing may naalala daw siyang sasabihin sakin.

"nakalimutan kong sabihin sayo yvana. narinig ko sa radyo kanina na may paparating daw na bagyo ngayong gabi mismo. naiisip kita anak. dumito kana lang kaya muna sa amin ng tatang ernesto mo. nag-iisa kalang kasi doon sa kubo mo e"

mukhang nag-aalalang saad ni nana sepa sakin at ako naman napatingin sa kalangitang medyo dumidilim na nga dahil sa bagyong paparating.

"okay lang ho ako nana sepa. kaya ko ho ang sarili ko. diba nga nung mga nakakaraang buwan naman, nakaya ko ang mag-isa lang sa kubo nung bumabagyo ng ilang araw. huwag ho kayong mag aalala sakin. ayos lang ho ako at saka alam naman ninyong hindi ako puwedeng wala sa bahay ko palagi, baka kasi bigla siyang dumating, mahirap naman kung wala ako doon diba?..."

Dahil Minahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon