KABANATA 40

635 10 0
                                    

MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN...

YVANA...

Ngayon ang 31th Wedding anniversary ng mag asawang sina tita melinda at tito armando. ginanap ang naturang selebrasyon sa malawak na lawn ng bahay nila at ngayon nga ay abalang abala kaming lahat dito sa kusina dahil sa paghahanda ng mga pagkain at kakailanganin ng mga bisita ng mag asawa.

nung una ayaw pumayag ng mag asawa, maging si deryck na sa kusina lang ako at tutulong kina mama costanza para sa selebrasyon. ngunit iginiit at pinilit ko talaga sa kanilang tatlo na mas gusto ko ang tumulong nalang sa paghahanda kaysa ang sumali sa selebrasyon ng kanilang kasal. sinabi ko sa kanila na hindi naman sa ayokong makisalo sa kanilang selebrasyon. ipinaliwanag kong hindi lang talaga ako sanay at mahilig sa ganung engrandeng pagtitipon.

matapos ang napakahabang pakikiusap ko sa kanilang mag asawa pati na din kay deryck. sa bandang huli ay pumayag naman sila at heto nga kasama ako nina mama costanza at ng iba pang mga kasambahay sa paghahanda ng mga kakailanganin ng mga bisita pati na din ang panatilihing maayos at organisado ang naturang pagdidiwang.

"Yvanna, magpahinga kana lang muna kaya? kaninang umaga kapa kumikilos e. umakyat kana lang muna sa itaas at i-check mo si madeline"

sabi sakin ni mama costanza habang abala ako sa pagtatanggal ng mga wine glass sa malaking tray na nagamit na para hugasan.

"okay lang ho ako mama costanza. ka-kacheck ko nga lang po kanina kay madeline. ayos lang ho siya at tulog na tulog. saka hawak ko naman ho ang baby monitor niya. malalaman ko kung umiiyak siya o di kaya kapag nagising siya.. sige ho mama costanza dadalhin ko nalang muna ang mga ito sa labas at baka ho ubos na ang mga wine glass dun"

napapailing nalang sakin si mama costanza nang ako ay lumabas dala ang mga malinis ng wine glass na gagamitin ng mga bisita.

paglabas ko, habang naglalagay ako ng mga wine glass malapit sa isang buffet table na siya namang kukunin ng mga waiter para lagyan ng wine at ibibigay sa mga bisita. namamanghang napapasulyap din ako kay deryck na nasa medyo kalayuan at abalang nagbibigay ng kaniyang mensahe sa mga magulang.

napapaiyak naman ang mag asawa sa mensaheng sinasabi sa kanila ng anak hanggang sa may isang video ang nag-play sa malaking projector na nandun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

napapaiyak naman ang mag asawa sa mensaheng sinasabi sa kanila ng anak hanggang sa may isang video ang nag-play sa malaking projector na nandun. ipinakita sa video'ng yun ang mga mgakahalo halong video at larawan ng mag asawa na malamang si deryck ang may gawa nun upang gawing regalo o sorpresa para sa mga magulang.

panay naman ang tulo ng mga luha ni mrs. villafuerte habang pinapanood ang ginawang yun ni deryck para sa kanila at pagkatapos nga ng video na yun. isang masigabong palakpakan ang ginawa ng mga bisita.

nang matapos ang moment nilang yun. doon naman pumasok ang emcee ng naturang selebrasyon at sinabi nitong may isa pa daw na sorpresa para sa mag asawa. isang mahalagang mensahe din daw yun galing sa isang taong mahalaga sa buhay ng mag asawa. makalipas ang ilang sandali, nag-play na uli sa projector ang video o ang mensahe ng taong sinasabi ng emcee at yun lang naman ay walang iba kundi si wayne!

Dahil Minahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon