KABANATA 6

686 16 0
                                    

WAYNE...

"YVANA, salamat uli ha.."

wika ko habang naglalakad kami ni yvana papunta sa kinalalagyan ng kotse ko. pauwi na ako at mga halos tatlong oras din akong nanatili sa bahay nila.

"salamat naman saan?"

kunot noong tanong ni yvana sakin.

"una salamat sa meryenda at pangalawa, salamat dahil hindi kana galit sakin"

ngiti lang ang isinagot sakin ni yvana at bago pa man ako sumakay ng sasakyan may tinanong muna ako sa kaniya.

"yvana, puwede bang magtanong?" tanong ko.

"tungkol naman saan ang itatanong mo?"

"uhmm.. since, okay na tayo. siguro naman puwede na din tayong maging magkaibigan? is it possible yvana? puwede ba tayong maging magkaibigan?"

umaasa kong tanong dito at mataman namang napatitig sakin si yvana na para bang inaalam kung bakit ko ba hinihiling yun sa kaniya bago siya sumagot.

"maging magkaibigan? bakit mo naman gustong maging mag-kaibigan tayo?"

balik tanong sakin ni yvana sa halip na sagutin ang tanong ko.

"sabihin nalang natin na... para malaya akong nakikita ka, nakakausap at nakakasama ka?"

honest kong sagot at ewan ko ba kung bakit ganun nalang ang nadarama ko ngayon kay yvana?

"ha? bakit naman gusto mo akong makita, makausap at makasama?"

muling balik tanong ni yvana at napakagat labi naman ako sabay napapangiti dahil sa panay balik tanong lang sakin ni yvana.

muling balik tanong ni yvana at napakagat labi naman ako sabay napapangiti dahil sa panay balik tanong lang sakin ni yvana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"uhmm.. siguro dahil gusto kitang mas makilala pa lalo at sana bigyan mo din ako ng chance na makilala mo din ako. well, kung gusto mo ding itanong uli sakin kung bakit gusto kong magkakilala tayo ng mas higit pa.. yun ay dahil..."

hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin kay yvana dahil nag-aalangan ako na baka kung ano ang isipin niya sa sasabihin kong yun. ang gusto ko lang naman sanang sabihin sa kaniya e gusto ko siya. na sa halos tatlong araw mula nung nagkita kami at nagkakilala. pakiramdam ko may espesyal akong nadarama para sa kaniya.

ewan ko ba kung bakit ganun kabilis? basta ang alam ko gusto ko talaga siya.

ayokong matakot sakin si yvana dahil sa sasabihin kong yun. ayokong lumayo siya and besides mas maigi ang maging magkaibigan nalang muna kami para malaman ko kung ano ba talaga itong nadarama ko. kung simpleng paghanga lang ba o mas malalim pa dun?

"uhmm.. yvana ang sakin lang sana.. mas makakabuting huwag ko nalang munang sabihin sayo kung bakit gusto kong maging magkaibigan tayo. i think, this is not the right time or place para sabihin ko sayo yun but trust me..hindi ako masamang tao o masamang maging kaibigan.. please.. puwede ba tayong maging magkaibigan?"

Dahil Minahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon