KABANATA 30

592 9 0
                                    

YVANA...

Sa Dalawang araw na lumipas, nailipat na din sa maynila ang anak kong si madeline at ngayon nga katatapos lang ang operasyon na ginawa sa puso niya. nakahinga ako ng maluwag kahit paano nang sabihin ng mga doktor na ligtas na ang anak ko at panay ang pasasalamat ko sa mga ito dahil sa kanilang nagawa kay madeline. at siyempre pati na din sa pamilyang villafuerte. kung hindi din dahil sa kanila, malamang hanggang ngayon naghahanap pa din ako ng pera para sa pagpapagamot at operasyon ng anak ko.

"maraming maraming salamat po talaga mrs. villafuerte. kung hindi dahil sa inyo baka hanggang ngayon naghahanap pa din ako ng tulong para sa pagpapaopera at pagpapagamot ng anak ko. baka kung ano na nga din ang nangyari kay madeline kung wala kayo"

mangiyak ngiyak kong saad at pasasalamat sa mag asawa pag alis ng doktor na nag inporma samin na ligtas na nga ang anak ko.

ngumiti sakin ang mag asawa. nasa hitsura din nila ang kapanatagan na ayos na si madeline maging si deryck na nasa likod lang nila. nang magtama ang mga mata namin. nagpasalamat din naman ako sa kaniya at tipid ang ngiti na tumango nalang si deryck sakin.

 nagpasalamat din naman ako sa kaniya at tipid ang ngiti na tumango nalang si deryck sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

oo, may sama pa din ako ng loob sa kaniya dahil sa mga nagawa niya. pero kahit ganun, kailangan ko pa din namang pasalamatan si deryck dahil isa din siya sa nakagawa ng tulong sakin at dahilan kung bakit nakaligtas ang anak ko sa peligro.

"ano kaba naman yvana. ilang beses ba naming sasabihin sayo na wala yun. hindi naman ibang tao samin si baby madeline. kadugo din namin siya at mahal namin siya. hindi man nagampanan ni wayne ang kaniyang responsibilidad sa anak niya dahil wala na siya. nandito naman kami na pamilya niya para ituloy yun. yvana, mahal namin si madeline.. kaya kung ano man yung mga ginagawa namin para sa kaniya. yun ay dahil sa mahalaga siya samin"

ngumiti ako sa sinabing yun ni mrs. villafuerte at muli nalang din akong nagpasalamat sa mga naitulong nila. maya maya nagkayayaan na kami nitong pumunta ng ICU kung saan naroon ang anak kong kakaopera lang sa puso.

nang makarating kami sa ICU at makita ko ang baby ko. napaiyak uli ako dahil kay daming aparatos na kung anu ano ang nakakabit sa katawan niya.

"im sorry anak at kailangan mo pang pagdaanan ang ganito. pero alam mo, kahit paano panatag na ako ngayon dahil nasa maayos ka ng kalagayan at nakaligtas ka sa sakit mo. mahal na mahal kita. at ikakamatay lalo ng puso ko madeline kapag may masamang nangyari sayo. wala na satin ang tatay mo. hanggang ngayon masakit pa din sakin ang pagkawala niya. kaya kung pati ikaw mawawala sakin. baka hindi ko na kayanin. mababaliw na talaga ako sa sakit kapag nangyari yun"

umiiyak kong pahayag sa anak ko sabay hinalikan ko ang kamay nito.

panay naman ang hagod ni mrs. villafuerte sa aking likod habang nakatingin sakin ang mag ama.

 villafuerte sa aking likod habang nakatingin sakin ang mag ama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dahil Minahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon