KABANATA 21

638 14 0
                                    

MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO...

YVANA...

Kasalukuyan akong nasa kuwarto at nakatitig lang sa maliliit na mga damit ng baby namin ni wayne na si madeline nang siya ay pumasok sa kuwarto at katatapos lang niyang maligo.

hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nanganak na ako, may anak na kami ni wayne at yun nga, madeline ang ipinangalan namin ni wayne sa panganay na anak naming babae.

"mukhang tinititigan mo na naman yang mga damit ni madeline ha?"

puna ni wayne sakin at ngumiti naman ako sa kaniya.

"wala naman, namimis ko lang kasi ang baby natin.. naiisip ko din kung hanggang kailan pa kaya siya mananatili doon sa hospital? ang hirap ng ganito wayne. yun bang kahit sandali lang na mawawalay ako sa kaniya. matinding pangungulila na talaga ang nadarama ko sa kaniya. hindi lang yun. kahit na alam ko namang maaalagaan at mababantayan siya ng mga doktor sa hospital hindi ko pa din maiwasang mag alala para kay madeline.. siguro.. ganito lang talaga ang pakiramdam ng maging isang ina. yun bang kung maari kahit na saglit lang ayaw mahiwalay sa anak"

pahayag ko sabay humugot ako ng isang malalim na hininga. ipinagpatuloy ko ang pag aayos ng mga gamit ni madeline sa isang maliit na bag at dadalhin uli namin yun ni wayne bukas sa hospital para sa anak namin.

"im sorry..."

narining kong wika ni wayne sakin nang siya ay umupo sa gilid ng kama at matamang nakatingin sakin.

"sorry? sorry naman saan?"

tanong ko habang abala pa din ako sa pag aayos ng mga gamit ng anak namin ni wayne.

"kasi ng dahil sakin napaanak ka tuloy ng maaga.. kung hindi sana ako umalis nung time na yun. hindi sana mangyayari ito. hindi ka sana makakaramdam ng pangungulilang ganyan kay madeline. dapat ngayon nasa tiyan mo pa din siya at lalabas siya sa tamang panahon kaso.. lumabas siya ng wala sa oras dahil sakin"

pagsesentimyento ni wayne at itinigil ko naman ang pagaayos ng mga gamit ni madeline para harapin muna siya. umupo din ako malapit sa tabi niya.

"wayne, ano kaba. tapos na yun at nag usap na tayo tungkol doon diba? napagkasundaan na nating kakalimutan ang nangyaring yun"

saad ko sabay hinaplos ko ang kanang pisngi ni wayne.

"yah i know, napag usapan na nating ang tungkol doon yvana kaso hindi ko lang talaga maiwasan ang ma-guilty sa tuwing---"

"sssh.. wayne, sige na tama na. nakikiusap ako, kalimutan na natin ang tungkol sa nangyarig yun at ayoko ng may sisihan. alam mo imbes na magsisihan tayo o ano pa man. hindi ba mas mabuti kung ibaon na lang natin sa limot ang nangyaring yun dahil ang mahalaga. ligtas ako, ligtas ang anak nating si madeline at wala namang naging problema.. pasalamat nalang tayo na okay tayong tatlo. ipanalangin nalang natin na sana asap makalabas na din sa hospital ang anak natin"

muli kong pahayag kay wayne at pagpapaliwanag din sa kaniya.

"tama ka, siguro nga mas makakabuti na magpasalamat nalang tayo na walang masamang nangyari sa inyo ni madelline kaysa ang magsisihan. magpasalamat nalang tayo na heto pa din tayo. okay tayong tatlo"

nakakaintindi namang saad ni wayne at ngumiti ako sa kaniya.

"i love you wayne..."

buong pagmamahal kong wika kay wayne kapagkuwan sabay yumakap ako sa kaniya ng mahigpit at hinalikan ko siya sa pisngi.

"i love you too yvana.. sa maikling panahon na nagkakilala tayo, hindi naging hadlang yun para hindi mahulog agad ang loob ko sayo. mahal na mahal kita. mahal na mahal"

Dahil Minahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon