KABANATA 32

638 9 1
                                    

"MADELINE!"

hinhingal kong sambit ng ako ay magising. napanaginipan ko ang anak ko na may masama daw na nangyari sa kaniya. na hindi siya nakaligtas sa operasyon at....

"oh diyos ko..."

naiusal ko nalang at hindi ko kayang ituloy ang gustong sabihin ng isipan ko. mababaliw talaga ako kapag nangyari yun. nawala na sakin si wayne at hinding hindi ko kakayanin kung pati ang anak namin ay mawawala din sakin.

tinignan ko ang oras sa maliit na orasan na nasa bedside table. mag aalas otso na pala doon. mga halos pitong oras din akong nakatulog at nakapagpahinga.

bumangon na ako sa kama at muli kong inayos ang sarili ko saglit sa loob ng banyo. ngayon mismo babalik na ako ng hospital. kailangang bumalik na ako dun ngayon dahil kung hindi, baka mabaliw ako sa tensyong nadarama ko ngayon dahil sa panaginip ko kanina.

paglabas ko ng kuwarto, sumulyap ako sa gawing kanan at pati na din sa kaliwa. ano ba ito? nalilito ako. hindi ko na matandaan kung saan ba kami banda dumaan ni deryck kanina.

sa aking kalituhan kung saan, huminga ako ng malalim at napagdesisyunan kong tunguhin nalang ang gawing kaliwa. naglakad ako ng naglakad hanggang sa yun nga nakita ko ang hagdanan kung saan puwede akong bumaba. napangiti ako ng makita yun. mabuti naman, tama ang daan na tinungo ko.

habang bumababa na ako ng hagdan. nasalubong kong papaakyat naman si mama costanza.

"maam yvana gising kana pala.. kamusta ang tulog mo? nakapagpahinga ka naman ba ng maayos ha?"

tanong sakin ni mama costanza.

"opo mama costanza, kahit paano ho nakabawi din ako sa dalawang araw na pagod at pagpupuyat ko"

sagot ko at tumango tango naman ang matandang ginang sakin.

"ah mabuti naman kung ganun. o e ano nga pala ang kailangan mo? bakit hindi kana lang tumawag sa intercom para hindi kana bumaba pa. may gusto kaba, may iuutos ka?"

"ah w-wala ho. gusto ko lang po sanang umalis na, babalik na ho uli ako ng hospital at malamang kailangan na din ako ng anak ko dun. baka hinahanap na ho niya ako. saka para makauwi na din sina mr. and mrs. villafuerte. mahaba na din ho kasi yung time na nandun sila at nagbabantay, baka naiinip na din ho sila at kailangan na din nilang magpahinga"

pahayag ko at medyo parang nag alangan naman sakin ang matanda.

"naku huwag mo ng alalahanin sina senyora melinda at senyor armando. sabik na sabik ang mga yun sa kanilang apo kaya sigurado ako nag eenjoy pa ang dalawang yun sa pagbabantay sa anak ninyo ni wayne. pero kung gusto mo nga talagang umalis. huwag ka sakin magpaalam. kailangan mo ding magpaalam kay sir deryck dahil matindi ang habilin samin kanina na kung may kailangan ka e ibigay namin agad sayo o di kaya naman kung aalis ka daw sabihan mo siya"

"ho? nakakahiya naman kung gigisingin ko pa ho siya mama costanza. baka tulog pa po si deryck---"

"naku maam yvana. kanina pa gising si sir deryck. nasa kusina nga siya ngayon at ipinagluluto ka niya ng hapunan. para paggising mo daw nakapagluto na siya"

napamaang ako sa narinig kong yun sa matanda. seryoso? mas nauna pang nagising sakin si deryck at ngayon ay ipinagluluto pa niya ako? bakit naman?

"halika maam yvana at ihahatid kita sa kusina"

gusto ko sanang tumanggi sa sinabi ng matanda ngunit wala na akong nagawa ng hilain niya ako sa kamay ko papunta sa kusina. ang lawak talaga ng bahay ng pamilya villafuerte. kung saan pa kami naglakad ni mama costanza bago kami nakapunta sa kusinang sinasabi niya. nang makarating kami doon. hayun nga, nakita ko si deryck na abala sa kaniyang nilulutong hapunan.

Dahil Minahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon