KABANATA 34

626 11 0
                                    

YVANA...

Kasalukuyan akong nasa kusina at abala sa pagtutuyo ng mga platong pinagkainan at naligpit ko na, nang pumasok si deryck. ngayong nakikita ko uli siya. muli na namang bumilis ang nakakabaliw na pintig ng puso ko. bakit ba ganito nalang ang epekto sakin ngayon ni deryck? nang magtama ang mga mata namin. saglit kaming nagkatitigan nito at ako ang unang nagbawi.

"may kailangan ka?"

tanong ko nang hindi man lang siya sinusulyapan at habang patuloy pa din ako sa pagpupunas ng mga plato.

"uhhm.. kailangan ko ng red wine"

sagot ni deryck at nang sulyapan ko uli siya nakita kong mataman pa din siyang nakatingin sakin.

"ganun ba? sandali lang at ikukuhanan kita"

"huwag na, ako nalang. kaya ko naman e"

agap ni deryck nang akmang ikukuhanan ko nga siya ng red wine at baso.

"s-sige, ikaw ang bahala"

sabi ko nalang at nagpatuloy uli ako sa ginagawa ko na para bang wala lang sakin ang presensiyang yun ni deryck. diyos ko, kung alam lang sana ni deryck ang ginagawa niya sakin. para na akong mauubusan ng hangin ngayon dahil sa eratikong tibok ng puso ko.

"alam mo, hindi ka namin katulong dito para pagsilbihan mo kami ng pamilya ko. bakit mo ba ginagawa ito yvana? hindi naman kami naghahanap ng kapalit sa mga naitutulong namin sa inyo ni madeline diba and besides, ginagawa namin ito dahil para samin nina mama at papa. hindi na kayo iba ni madeline, samin"

"alam ko naman yun e. kaya lang mas gusto ko pa din yung kahit paano nasusuklian ko yung mga tulong na ginagawa niyo samin ni madeline ng pamilya mo. saka hindi talaga ako sanay ng walang ginagawa sa maghapon. katulad mo, hindi ba't ikaw din naman na ang nagsabi. hindi ka din sanay ng walang ginagawa sa maghapon"

pahayag ko nang sulyapan ko si deryck kahit pa man naiilang ako.

si deryck naman ay nagsalin sa wine glass ng red wine na kinuha nito bago siya sumagot.

"yup, nasabi ko nga yun sayo pero yvana----"

"deryck, kung ano man itong mga ginagawa ko para sa inyo ng pamilya mo. sa maniwala ka man sakin o sa hindi. masaya ako. masaya ako na kahit papaano nakakatulong ako sa mga gawaing bahay dito, bukod doon. masaya din ako sa mga kasambahay niyo dito na madali kong nakagaanan ng loob. alam mo, nakapagusap na kami tungkol dito ng mga magulang mo kaya kung maari sana. kung pipilitin mo uli ako na itigil itong ginagawa kong ito. nakikiusap ako.. sana hayaan mo nalang ako at pagbigyan mo ako sa gusto kong ito"

pakiusap ko kay deryck at siya naman sumimsim muna ng kaunting wine sa basong hawak niya.

"alright, kung yan talaga ang gusto mo then ano pa ba ang magagawa ko. anyway, im glad na kahit paano nasasanay kana din dito samin at nakakasundo mo ang lahat ng mga kasambahay namin dito"

sa wakas ay pag sang ayon ni deryck at lumapit siya sa tabi ko. agad naman akong naalarma sa ginawa niyang yun at pasimple akong lumayo. kinuha ko ang mga platong natuyo ko na at isinalin yun sa loob ng isang cabinet. yun ang ginawa kong dahilan para makalayo ako kay deryck. pakiramdam ko kasi para akong matutuliro lalo dahil sa sobrang pagkakalapit ng katawan namin sa isa't isa.

pagkatapos kong ilagay sa loob ng cabinet ang mga plato. pagpihit ko, nabangga naman ako sa matitipunong dibdib ni deryck. sa ilang segundo hindi ko magawang makapagsalita o ang makapagreact man lang sa nangyaring yun pati na din sa ginagawa ni deryck sakin.

mataman lang akong nakatingin sa kaniya habang tumatahip ang aking dibdib dahil sa pagkakalapit ng katawan namin sa isa't isa. humakbang ako paatras palayo kay deryck ngunit humakbang naman siya papalapit sakin hanggang sa mapasandal nalang ako sa cabinet. itinukod ni deryck ang isa niyang kamay sa cabinet habang ang isa naman ay ipinaikot niya sa aking baywang. sa ginawa nitong yun. doon ako naglakas loob na itulak siya dahil baka kung saan pa mapunta ang ginagawa niya.

Dahil Minahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon