KABANATA 3

837 13 0
                                    

YVANA...

MAKALIPAS ang halos walong oras kong pagta-trabaho ngayong araw na ito. pauwi na kami ni cathy at naglalakad na papunta sa hintayan ng tricycle nang makasalubong namin si wayne. medyo malayo pa ito samin ni cathy. nakaluhod siya ngayon habang may hawak itong isang malaking karatula na ang nakasulat ay

MISS. YVANA ISIDRO, PATAWARIN MO NA SANA AKO. BATI NA TAYO PLEASE...

inilibot ko ang aking tingin sa paligid at nakita ko ang mga taong naroon na nakamasid lang samin ni wayne at maging si cathy na umalis na pala sa tabi ko ay mukhang kinikilig din ang bruha dahil sa eksenang ginagawa ng wayne villafuerte na ito.

sa mga oras na ito, gusto ko ng lumubog sa kahihiyan dahil sa gingawang yun ng lalake. hindi pa ba sapat na nakapag-usap na kaming dalawa at kailangan pa niyang gawin yun sakin ngayon?

muli akong sumulyap sa paligid ko at kapagkuwan, mabibilis ang mga hakbang na lumapit ako sa lalakeng wala ng ibang ginawa ngayong araw na ito kundi perwisyuhin ako.

"tumayo ka nga diyan? ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha? gusto mo pa akong ipahiya sa mga kakilala ko at mga tao dito. hindi pa ba sapat yung ginawa mo sakin kanina at kailangan mo pang gawin ito?"

galit kong saad kay wayne sa mahinang boses ng ako ay makalapit sa kaniya.

tumayo si wayne mula sa kaniyang pagkakaluhod at ngayon ngang halos pantay na uli kami saka siya sumagot.

"ang gusto ko lang naman. patawarin mo na sana ako sa nagawa ko sayo kanina. im sorry hindi ko talaga sinasadya yung nangyari. please forgive me miss. yvana isidro. at para makabawi ako sayo. have a dinner with me, my treat"

"e ang kapal naman pala ng mukha mo noh. ano ang akala mo sakin masusuhulan mo ha? na kapag inilibre mo na ako ng dinner ibig sabihin burado na agad yung ginawa mo sakin kanina, ganun?"

"miss. yvana, hindi naman yun ang ibig kong sabihin. i just---"

"okay tama na. para matapos na ito at para tantanan mo na ako. okay fine pinapatawad na din kita sa nagawa mo sakin kanina mr. wayne villafuerte.. oh ayan ha napatawad na kita. satisfied?"

pagkatapos ng sinabi kong yun. walang sabi-sabing iniwan ko si wayne at sinundan naman niya ako.

"ano ba hindi ka ba talaga titigil? napatawad na kita ha? ano paba ang kailangan mo at hinahabol mo pa din ako?"

"kung talagang napatawad mo na nga ako. sumama ka sakin. samahan mo akong kumain ng dinner sa labas. kapag pumayag ka sa alok kong ito. doon lang ako maniniwala na napatawad mo na ako at pangako, tatantanan na talaga kita. mark my word. cross my heart, miss. yvana isidro"

nakangiti ng saad ni wayne sa huli sabay nag-cross sign ito sa dibdib at kumindat pa.

sa ginawang yun ni wayne hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko pero pakiramdam ko para bang nagsa-somersault ngayon ang puso ko dahil sa pagkindat nitong yun sakin. sa totoo lang naiinis ako sa mga lalakeng kumikindat sakin. para kasing iba ang pahiwatig nun. parang nama-manyakan ako. pero si wayne. iba ang hatid sakin ng ginawa niya. parang pakiramdam ko lumulundag ang puso ko ngayon sa tuwa dahil dun.

nang hindi pa din ako umiimik o sumasagot sa sinabi ni wayne. muli siyang lumuhod sa harapan ko at muli ko din siyang pinakiusapan na tumayo.

"no, hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ako napapatawad miss. yvana isidro"

"bakit ba importanteng impotante para sayo ang mapatawad kita ha?"

nauubusan na ng pasensiya kong tanong dito.

"siguro dahil ayokong may taong galit sakin lalo na ang isang babaeng katulad mo"

seryoso ang mukhang sagot ni wayne habang nakatingala siya sakin at sa hitsura niyang yun at sa klase ng pagtitig niya sakin e para na ba akong matutunaw.

Dahil Minahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon