KABANATA 9

568 13 0
                                    

WAYNE...

"CATHY, please pakisabi naman kay yvana na gusto ko lang talaga siyang makausap. kahit sandaling sandali lang okay na sakin"

nakikiusap kong saad sa kaibigan ni yvana at ngayon nga, nasa labas ako ng building ng pinagtratrabahuan nila naghihintay at umaasang kakausapin ako ni yvana.

mga isang oras na din akong nandito ngunit kahit anong gawin ko ayaw talaga akong harapin ni yvana. ni sagot man lang sa mga tawag at text ko ay wala din dahil sa nangyari samin kagabi sa perya.

"alam mo wayne nahihilo na talaga ako sa inyong dalawa. gusto mong kausapin si yvana tapos kapag pupuntahan ko naman siya doon sa loob para makiusap na harapin ka nga niya. ayaw din niya. sabihin mo na kasi sakin ang totoo. ano ba talaga ang nangyari at ayaw kang harapin ni yvana? may nangyari bang hindi maganda sa inyo kagabi? may nasabi kaba sa kaniya na ayaw niya o nagawa kasi kahit pinipilit ko din siyang sabihin sakin kung ano ba ang nangyari sa inyong dalawa at nagkakaganito kayo ngayon, ayaw din niyang magsalita. ayaw niyang umamin"

mahabang lintanyang pahayag ni cathy at ako naman ay humugot nalang ng isang malalim na hininga dahil sa ayaw akong harapin ni yvana.

sinasabi ko na nga ba. magagalit si yvana uli sakin once na aminin ko sa kaniyang mahal ko siya. kahit ako naman hindi ko din talaga ini-expect na sa dalawang linggo mula ng magkakilala kami ni yvana e minahal ko siya agad. na-realize kong mahal ko na nga talaga siya dahil sa julio na kakilala niya.

"wayne, sabihin mo na sakin ang totoo? ano ba talaga kasi ang nangyari sa inyo ni yvana?"

untag sakin ni cathy dahil sa biglaang pananahimik ko.

"ano kasi e.. uhmmm.. wala ba talagang naiku-kuwento sayo si yvana kung ano ang nangyari samin kagabi?"

wala sa sariling napakamot sa ulo si cathy dahil sa tanong kong yun at humugot din ito ng isang malalim na hininga bago sumagot.

"alam mo ikaw kung hindi ka lang guwapo. nakutus-kutusan na kita. tatanungin ba kita ng tatanungin tungkol sa nangyari sa inyo ni yvana kung alam ko na? nakakaloka ka alam mo ba yun? kayong dalawa ni yvana nakakabaliw talaga. sabihin mo na kasi kung ano ba ang ginawa mo dun sa kabigan ko para alam ko. hindi yung ganito. clueless ako sa mga nangyayari sa inyo"

isang malalim na paghinga uli ang pinakawalan ko at mataman muna akong tumingin kay cathy bago ko napagdesisyunang sabihin na nga lang dito ang dahilan ng nangyayari samin ngayon ni yvana. nang akmang magsasalita na sana ako.. muling nagsalita si cathy..

"teka lang ha. wait! im sorry wayne pero naiisip ko lang ha.. hindi kaya ang dahilan kung bakit ka ayaw kausapin ni yvana e dahil pinagtangkaan mo siyang..... halayin? umamin ka wayne sabihin mo yung totoo?"

"of course not! bakit ko naman gagawin yun? itong mukha kong 'to cathy, mukhang rapist?"

mariin kong tanggi at hindi ako makapaniwala na maiisip ni cathy sakin yun.

"pasensiya na, chill lang. wala na kasi akong maisip na dahilan kung bakit ba ayaw kang kausapin ni yvana e.. sabihin mo na kasi. ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni yvana sa perya kagabi?"

pahayag ni cathy at ako naman ay napapailing nalang sa kaniya.

"alam mo sasabihin ko na nga dapat sayo kanina kaso inunahan mo naman ako at naisip mo pang tinangka kong halayin si yvana kaya niya ako nilalayuan ngayon"

"sorry na, e wala lang talaga kasi akong maisip na mas malalim na dahilan kung bakit ka niya muling iniiwasan ngayon. sige na nga sabihin mo na kasi. hindi na tayo matapos tapos dito e. alam mo mapapagalitan na ako nung boss namin kapag nakita niya akong nakikipagtsismisan sayo kaysa ang dapat e nagtratrabaho ako ngayon"

Dahil Minahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon