KABANATA 25

623 12 2
                                    

DERYCK...

"YVANA, nandito na ako"

wika ko nang ako ay makabalik ng kubo galing ng bayan. nakita ko namang nasa sala si yvana. prenteng nakaupo lang doon at ibig kong magtaka sa seryosong mukha niya. sa hitsura nitong yun, hindi ko maintindihan pero parang ibig kong kabahan.

"Im sorry kung ngayon lang ako nakarating, hindi kasi makadaan ang sasakyan ko papalabas ng palengke dahil sa mga vendors na nagkalat saka mga nage-pedicab, anyway nandito na ang mga pinabibili mo sakin"

patuloy ko nang hindi pa din umiimik si yvana.

maya maya ngumisi si yvana sabay tumayo at lumapit sakin.

"okay lang, matiyaga naman akong maghintay e kahit pa gaano katagal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"okay lang, matiyaga naman akong maghintay e kahit pa gaano katagal. basta alam kong babalikan ako nung taong hinihintay ko.... DERYCK..."

nagulat ako sa pagbanggit ni yvana sa pangalan ko.

paano nito nalaman na ako si deryck?

marahas na isinaksak sakin ni yvana sa dibdib ko ang isang papel at nang tignan ko yun. nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napamaang ako dahil litrato namin yun ni wayne kasama ng pinsan naming si lorraine. kuha yun sa isang disco pub kung saan ginanap ang 25 birthday party ng pinsan namin.

"so ano deryck, nagulat ka? ikaw si deryck diba?"

tumatahip ang dibdib sa galit na tanong ni yvana at kitang kita ko sa hitsura nito ngayon na para bang anumang oras ay sasabog siya.

"yvana.. uhmmm.. im sorry..."

tanging nasabi ko lang dahil sa kaba at ang sumunod nalang nun ay ang maigting na pagsampal sakin ni yvana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

tanging nasabi ko lang dahil sa kaba at ang sumunod nalang nun ay ang maigting na pagsampal sakin ni yvana.

"sorry?! ang kapal ng mukha mo para gawin sakin ito? pinaglaruan mo ako at pinaniwala mo ako na ikaw si wayne! hindi mo alam kung gaano katindi ang galit nadarama ko ngayon dito sa puso ko para sayo dahil sa ginawa mo!"

"yvana---"

muli ay sinampal niya ako nang akmang hahawakan ko siya sa kaniyang braso.

"huwag mo akong hawakan! huwag na huwag mo akong hahawakan kung ayaw mong sampalin kita ng paulit ulit!"

Dahil Minahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon