KABANATA 35

615 11 0
                                    

DERYCK..

"Deryck, a-anong ginagawa mo dito?"

gulat at parang kinakabahan ang hitsura na tanong ni yvana sakin.

"nagpunta ako dito para makipagusap sana sayo pero... narinig kong kinakausap mo si madeline kaya naghintay ako and... yun nga, narinig ko ang lahat ng mga sinabi mo"

pag amin ko sa kaniya sa huli at hindi malaman sa hitsura ni yvana kung maiinis ba siya, maiilang, mahihiya o ang kinakabahan.

huminga ng malalim si yvana at pagkatapos nun inilagay muna niya sa kuna si madeline bago siya nagsalita.

"kung ano man yung mga narinig mo kanina deryck, kalimutan mo na yun"

walang emosyong sabi sakin ni yvana sabay nilampasan niya ako para lumabas ng kuwarto. sinundan ko naman si yvana at sa may hallway hinarang ko siya.

"puwede ba deryck paraanin mo nga ako"

pakiusap nito ngunit hindi ko siya pinagbigyan.

"narinig ko ang lahat ng mga sinabi mo kanina yvana. narinig kong mahal mo na din ako kaya bakit kailangan mo pa ding iwasan ako ha? bakit? dahil ba sa natatakot ka na kung ano man yung nangyari sa inyo ni wayne e ganun na din ang mangyayari satin? yvana mahal kita. bakit hindi mo subukan ang magmahal uli ng iba? please bigyan mo sana ako ng pagkakataon na mahalin ka----"

"deryck nakikiusap ako paraanin mo ako---"

"no! kailangan nating mag usap. hindi kita pakakawalan ngayong gabi hangga't hindi tayo nag uusap tungkol sa mga narinig ko sayo kanina"

giit ko kay yvana at hindi ko talaga siya hinayaang makawala sakin ngayon.

"deryck narinig mo na kung ano yung mga narinig mo sakin kanina. ano pa ba ang gusto mo?"

parang nauubusan na ng pasensiyang sabi ni yvana sakin.

"ang gusto ko lang naman sabihin mo uli sakin yun ngayon ng harapan. na mahal mo din ako... yvana, mahal na mahal kita. kapag pumayag ka at hinayaan mo akong mahalin ka. hindi ako mangangako sayo na hindi kana masasaktan kailanman kasi sa isang relasyon kapag nagmamahal ka hindi mo talaga maiiwasan ang masaktan din kung minsan. pero yvana ito lang ang sasabihin ko sayo. kung hahayaan mo ako na mahalin ka at hahayaan mo din ang sarili mo na mahalin din ako. kahit pa anong mangyari hinding hindi kita iiwanan at hinding hindi tayo maghihiwalay kahit kailan. tanging kamatayan lang ang makakapagpahiwalay sating dalawa "

pahayag ko sabay lumapit ako kay yvana at kinulong ko ang magkabilaang pisngi nito sa pamamagitan ng mga palad ko.

"shhh.. bakit ka umiiyak?"

tanong ko nang makita kong umiiyak na uli si yvana at marahang pinalis naman nito ang mga kamay kong nakahawak sa pisngi niya.

tanong ko nang makita kong umiiyak na uli si yvana at marahang pinalis naman nito ang mga kamay kong nakahawak sa pisngi niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"nakikiusap ako sayo deryck. huwag kang mangako sakin. huwag mo akong pangakuan ng mga kung anu ano dahil ayoko na. ayoko ng masaktan at umasa pa"

"pero bakit yvana? bakit hindi mo hayaan ang puso mo na sumugal uli ngayon at hayaan na magmahal uli ng iba. na mahalin mo din ako?"

Dahil Minahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon