Prologue continuation...

8 2 5
                                    

Sa kabila ng malalim na pag-iisip ko kanina.Hindi ko namalayan na umiiyak na si Karen at Reynalyn gayundin ang ilang fans na Team labas na tulad namin.Ang ibang fans panay sigaw,Nagiingay at ang iba ay dinadaan nalang sa joke yung feels nila na makapasok.

"Manong papasukin mo na kami!"

"Ilabas nyo asawa namin!"

"Manong guard pakisako si Baekhyun huhu"

"Tito papasukin mo nako!"

"Kuya parang awa mo na samin papasukin mo kami sa loob huhu"

Lalo akong napanghinaan ng loob ngayon na nakikita ko ang dalawang kaibigan ko na umiiyak sa kagustuhan nila na makita ang EXO.Naiiyak din ako sa kadahilanan na nakikita ko ang aking sarili sa mga kaibugan at sa mga fangirl na desperadang makapasok sa loob ng concert ground.Nangalahati na ang concert pero wala parin nangyayari sa Team Labas.Mag aaya na sana akong umuwi nang may narinig kaming sumigaw .Napatungun lahat ng fangirls at mistulang namagnet ng kusa ang nga tenga nila ..

"GUYS MAY NAKAPASOK DUN SA KABILANG GATE DALI!!" sigaw nya na ikanataranta ng lahat.

"Tara na guys pasok na tayo hoo!!" sigaw ng iba.Kaya nagsisuguran narin ang iba para makapasok lang.

"Eto na yung chance natin mga bes"masayang sabi ni Reynalyn na natigil na sa pag-iyak.Masana man at illegal ang gagawin namin siguro naman di narin masama ang sumuway sa batas hihi..

"Wa kayo maingay guys baka may makarinig satin" sabi ng fangirl na nakahanap ng pinto papasok sa concert.Ang strategy na ginawa namin ay paunti-unti muna ang pasok para walang makakahalata sa amin.

Marami kami na gusto makapasok.Halos siksikan na nga.Anuman ulit mo sabihan na wag magtulakan hindi talaga iyon masusunod kung pare-parehas kaming atat makapasok.Sa sobrang tulakan nahiwalay na ako kay Reynalyn at Karen kaya bumitaw nalang rin ako dahik natapakan na nung iba yung paa ko.Siguro susunod nalang ako sa pagpasok.Gumilid nalang muna ako sa kumpol na EXOL.Humanap ako ng pwesto na makakahanap ako ng hangin.Makakapasok pa naman ako diba? Pinagmasdan ko muna saglit ang mga EXOL na nagtutulakan sa pasukan.Natigil ang atensyon ko sa mga fans nang may narinig ako.

"Hija bakit di ka pa pumasok? Sinasayang mo ang pagkakataon.." napatingin ako sa matandang lalaki na may hawak ba tungkod bilang suporta sa kanyang paglalakad.

"Lolo ano pong ginagawa nyo dito? Dis oras na po ng gabi ah?" sabi ko.Inalalayan ko sya.

Sa nakikita ko.Mukhan naman hindi sya pulubi.Maayos ang pananamit ni Lolo pero nakakapagtaka bakit nasa ganitong lugar ang tulad nyang lolo na?

"Eh hija sinamahan ko yung apo ko dito sa konsert" napakunot ang noo sa sagot ni Lolo..Slight na gigil yung bangs ko kahit wala ako nun!

Uusok ata ang ilong ko dito! Walanghiya naman yung apo ni lolo.Sinong matinong apo ang paghihintayin ang lolo nyang nanghihina na at dapat ay nagpapahinga sa ganitong oras? gosh stress nyo si ako!

Behind Silver OceansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon