Behind Silver Oceans
Written by ChengChengAllOverYou*this story is dedicated to you,Enjoy!
***
Biglaan ang schedule ng EXO ngayong araw,Bigla nalang kasi tumawag sa akin ang sekretaryang si Ms.Lee na may pupuntahan daw ang EXO kinabukasan.Kaya eto ang aga nila nagising dahil isa isa ko silang binulabog sa mga kwarto nila.Harujuskoo may dala nakong kaldero pero ngayon ko lang nalaman na ang hirap pala gisingin ni Kai sa pagtulog.Tinapik tapik ko na sya at kinurot pero di parin nagising.Akala ko nga wala ng buhay pero humihinga pa naman sya.Kinalembang ko na yung kaldero na nakuha ko sa Kusina para magising sya hoo! Pero at the end si Kyungsoo lang pala ang makakapagpagising sa kanya.
Kaisoo feels hahaha..
Lumakad ako papunta ng sala at nakasimangot sakin si Baekhyun hawak hawak ang tenga nya.
"Hehehe sorry?"nagpeace sign ako sa kanya at OMG.
Woww! Inirapan ako ng ate nyo Baekhyun.Naku!
"Ang sakit kaya sa tenga!" Singhal nya sakin.
"Sorry ka pang nalalaman" sabi ni Baekhyun.Sinaway naman sya ni Chanyeol na tumigil na.
"Ayaw nyo nun may Human alarm clock tayo" masayang masaya na sabi ni Chen.
"Kaya naman namin magising ng kami lang" simangot ni Baekhyun.
"Oo nga pala Saan mo nakuha ang malaking kaldero?"tanong ni Lay.
"Oo nga no?" Sabi rin ni Luhan.
Napakamot ako sa ulo.
"Dun sa taas ng drawer sa kusina"sagot ko.
"Wah meron pala dun?" Gulat na sabi ni Kyungsoo.Nakuu wag sana magluto to sa kaldero na iyon huhu.
"Bakit may balak ka iluto?" Tanong ni Kai kay Kyungsoo.
"Oo sana magpapaspaghetti ako sa orphanage pag may time" napangiwi ako.
"Poor kids" usal ni Kris sa gilid.
"Wag na kantahan mo nalang sila" sabi ko.Napatingin naman sakin si Kyungsoo na takang taka.Ngumisi si Kris at nagpipigil ng tawa si Kai sa gilid.Kawawang kyungsoo wala syang kaalam alam na kinasusuklaman na ang luto nya.Kaya siguro panay aya sa resto tong mga to keysa sa dorm nila na may malaking kusina.
"Andyan na yung sundo natin,Dalhin nyo na yung mga dapat dalhin" si Junmyeon na kakagaling lang sa labas.
Agad naman sila nagsikilos at kanya kanyang dala ng bag,Dinala ko naman yung mga bagay na importante na madalas nilang makalimutan sa sobrang kamamadali sa mga sitwasyon na biglaan tulad ngayon.
"Welcome back EXO" Nakangiting bati samin ni Ms.Lee na nakaabang sa entrance ng Sm building.Sumunod kami sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang studio na mukhang bagong pintura palang.
"Bat tayo andito?"tanong ni Baekhyun sa gitna ng katahimikan.
Mayamaya pa ay pumasok si Manager hyung,Tumingin sya sakin at nagbuntong hininga.
"Buti nakarating kayo rito,Salamat Ms.Lee" nagbow naman si Ms.Lee.
Bumaling si Manager hyung sa 12 na lalaki.
"I already made my decision" pagkasabi nun ni Manager hyung agad na inatake ako ng kaba.
Magdedebut ang EXO plsss?
"Anong desisyon hyung?"tanong ni Lay na walang ideya.
"Oo nga bat parang ang seryoso? Anong meron?" Tanong ni Jongdae.Hindi naman umimik si Junmyeon at Kris.

BINABASA MO ANG
Behind Silver Oceans
FanfictionSamahan natin si Chelsea sa pambihirang travel sa ibang panahon bilang Heeseul.Ano kaya ang mangyayari sa isang pangkaraniwan na fangirl kung makakasama nya ang iniidolo nya sa malapitan? Ano ang magiging papel nya sa grupo na pinangalanan na EXO?