Chapter 8: OT12

16 2 0
                                        

Behind Silver Oceans
Written by ChengChengAllOverYou

*Kindly do not plagiarize.

****

"Junghee-ssi dalian mo dyan"sigaw ko mula sa kwarto.

Busy kami sa pag-aalsabalutan ng mga gamit namin,Pumayag kasi si Manager hyung na isama ko ang cute kong kapatid,Nung una akala ko magiging madali lang lahat,Nung una akala ko magtatatalon sa tuwa si Junghee dahil lilipat kami sa dorm,Pero mukhang labag sa loob nya ang paglipat namin,Saka ko lang naalala na kaya pala ayaw nya umalis sa bahay na ito dahil nandito ang mga memories ng mga magulang namin.

"Junghee-ssi kahit naman umalis tayo dito hindi ibig sabihin nun ay kakalimutan na natin sila,Kasi saan man tayo magpunta,Ang mahalaga nananatili sila dito"Itinuro ko ang puso nya.Umiiyak sya nang sabihin ko iyon.Sa huli napapayag ko din.

"Eonnie wala na bang atrasan to?"nakasimangot na sabi nya.

"Diba nag usap na tayo.Ok na diba?"mahinahon kong paalala.Tumango naman sya at dinala ang bag nya na may mga gamit sa kama ko.

"At saka hindi naman tayo siguro magtatagal dun no! Pag weekends dito tayo sa bahay,Ok ba yun?"nakangiti kong tanong sa kanya.Lumapad naman ang ngiti nya at yinakap ako.

Haysss mahal ko tong kapatid ko.Bata parin talaga sya..Marami pa syang kailangan maintindihan sa mundo.Kaya di ko sya iiwan kahit anong mangyari.

Mga ilang linggo narin magmula na magsink in sa akin ang lahat,Na kailangan kong magpakatatag at mag adjust bilang Heeseul.Nasasanay na ako sa kaugalian ng mga tao dito sa Korea,Pati sa klima nakakapag adjust narin ako,Maging sa pagkain nila na halos puro spicy.Base naman sa pag oobserba ko,Walang pinagkaiba ang Korean sa mga Filipino,Parehas na Famialiarized kaya madali ako makibagay sa mga matatanda dito.Yun nga lang di ko talaga maintihan kung bakit sa lahat ng Fangirl ako pa? Ako pa napili para ibigay ang pagkakataon na makapiling ang mga idol ko.

Choosy ka pa ba Chelsea ay este Heeseul? Ayan na si Kriseu oh ikaw nalang ang kulang hihihi harut!

"Ate andyan na yung sundo natin!"

Agad naman na akong tumayo para salubungin kung sino man iyon.

"Junghee-ssi sino magsusundo?"tanong ko.

"Gwapo sya eonnie pero mas lamang ako"napanganga na lang ako sa sinabi ng kapatid ko.

Kailan ba to naging mahangin? Naku!

Binuksan ko na ang pinto at agad na dumako ang tingin ko sa sasakyan na nasa gate.

"Ano paghihintayin mo pa ako? Naiinip na ako!" Reklamo nitong tanda na to!

Oo si Lolo nyo Junmyeon.

Prenteng nakaupo sa likudan at parang labag pa sa loob nya na ipasundo kami,Napabaling naman ako sa driver nya na nakashade,Para itong robot na hindi gumagalaw.

"Buhay pa ba yan?"tanong kay Suho.Nangunot naman ang noo. "Natural tss"sungit ah!

"Ayus mukha nga Junmyeon! Alam ko naman na napilitan ka lang sunduin kami,Ayos mukha sige ka tatanda ka nyan"natatawa kong sabi sa kanya.

"Tingin mo gusto ko din na tumira ka sa dorm namin? Tss"sabi nito.

Aba! Suntukan nalang oh!

"Syempre hinde! Eh asan ba kasi yung tagasundo nyo?"tanong ko.

"Ginamit ng staff ng SNSD"bored nitong sabi.Walanh kwenta kausapap amp!

"Biyernes santo yang mukha mo edi sana hindi nalang ikaw nagsundo"sabi ko sa kanya.

Behind Silver OceansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon