Chapter 11

6 3 0
                                        

Behind Silver Oceans
Written by ChengChengAllOverYou

***

Sumalubong ang ingay ni Baekhyun ng umagang iyon,Gising na ang EXO dahil kailangan nila na maaga magising.Ang ibang miyembro na gaya ni Kris at Lay ay halatang lumulutang pa.

"Antok pako"sabi ni Jongdae.

"Wala na tayong matinong tulog"sabi ni Lay.

"Oo nga eh may eyebugs tuloy ako"reklamo ni Tao.

"Hahaha may eyebugs ka naman na kahit di ka puyat"sabi ni Luhan.

"Buti pa ako pogi padin"ngiting ngiti si Sehun.

"Bulol naman!"sabi ni Baekhyun.

"Lulu away ako ni Baek oh" sabi ni Sehun kay Luhan..

Awww Hunhan shipper ako❤

Napahikab rin ako at pinagmamasdan lang sila na nag iingay sa sala.Pumunta agad ako sa kusina at nakita ko duon si Kyungsoo na naka apron at ready na magluto.

"Goodmorning"nginitian nya ako.

"Goodmorning din,Ayos ba ang tulog mo?"tanong ko kay Kyungsoo..Mukha kasing goodmood sya dahil excited sya sa lulutuin nya.

"Nakatulog naman kahit konti pero bitin"sagot ni Kyungsoo.

"Tulungan na kita,Ano bang lulutuin mo?" Napatingin sya agad sakin.

"Di ko nga alam eh" sabi nya na alanganin.

Ngumiti ako..Hmmm namiss ko na ang sinangag na Filipino style,Buti nalang marunong ako manuod kay Mama sa twing nagluluto sya.

"Ako na muna"sabi ko at inagaw sa kanya ang spatula sanhi para mahaplos ko ang kamay nya na hindi sinasadya,Bahagya syang naalarma sa paghawak ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko dahil mukhang di sya komportable.

"H-huh W-wala ang lamig ng kamay mo" naiilang nyang sabi kaya ginive up nya narin sakin yung spatula.

"Anong lulutuin mo?"tanong nya.

"Filipino Fried rice"proud kong sabi.

Nanlaki ang mata nya sa pagkamangha.

"Paano mo nalaman yung ganun,Di ka naman Filipino ah?" Sabi nya sakin.

Kung alam mo lang Kyungsoo,Kung alam mo lang...

Isa akong Filipina na humahanga sa inyo..

"Napanuod ko sa Youtube,Oo ganun na nga"sabi ko at nakumbinsi naman sya.

"Sige excited nako matikman yang Filipino rice nayan,Firsttime to kung tutuusin"nakangiti nyang sabi sakin.

By looking at Kyungsoo,He's quiet kapag kasama nya ang ibang members pero napakafriendly nya,He is someone who can cook na perfect for a husband material,Ang swerte ng magiging girlfriend o future wife ni Kyungsoo.

"Ikaw ang judge"natatawa kong sabi.

Sinimulan ko na ihanda yung ingredients,Mabuti nalang may kanin dito sa rice cooker,Sana kasya sa kanila ito.

Sinimulan ko na igisa ang bawang.

"Hmmm ano yung mabango?" Pumasok sa kusina si Baekhyun sumunod si Chanyeol.

"Ano yan heeseul-ssi? Ambango ng niluluto mo?" Sabi ni Chanyeol.Bale si Kyungsoo,Chanyeol at Baekhyun ang nanunuod sakin.

"Naglalaway nako"sabi ni Baekhyun.

Behind Silver OceansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon