Chapter 12

6 2 0
                                    

Behind Silver Oceans
Written by ChengChengAllOveYou

***

Huminga ako ng malalim kasabay ng pagkilos ng aking mga paa papunta sa kanya,Marahan ko syang tinabihan,Tahimik sya at tila ba may malalim na iniisip.Suminghap ako para maramdaman nya ang aking presensya,Sinulyapan nya ako saglit at tumingin na naman sa kawalan.

"Anong ginagawa mo dito,Kris?"tanong ko.Nagawa ko parin na tanungin sya kahit alam ko ang dahilan ng pananahimik nya.

"Tsk. As if kung makakatulong ka"suplado nyang sabi sakin.Napangiti ako.

Kris is Kris as always..

"Paano kung makatulong ako?"nakangiti kong sabi sa kanya.Inis syang tumingin sakin.

"Tss as if naman na magagawa mo" sabi nya sakin.

"Oo naman no!"determinado kong sagot kahit alam ko na parang pinapaalis nya na ako.

"Dont need"sabi nito.

Hindi pala style ng isang Kris ang manghingi ng tulong tsk.

"I can help,I promise"sabi ko.Hoo sana pumayag ka naman oh.

"Tsk." Yun lang?

"Sige bahala ka nga dyan hmp!" Sabi ko at tumayo na.

Walang kwenta kausap si Kris promise,Sasakan ng suplado at lamig -_-

"Magpapasalamat ka sakin!" Inirapan ko sya at sinamaan nya ako ng tingin kaya naman tumakbo ako papasok sa dorm.Pagkabalik ko nag iingay padin ang ibang miyembro at syempre kabilang na duon ang chanbaek.Natigil sila nang makita ako.

"Heeseul-ssi bakit pansin ko lagi kaming nasa dorm ngayon?" Nakapout na sabi ni Baekhyun.

"Oo nga! Wala ba kaming schedule?" Tanong ni Sehun.

"Hindi pa tumawag sayo si Manager hyung?" Takang tanong ni Lay.

Umiling ako dahil hindi ko naman alam kung bakit.At kung sabihin ko man ay wala nakong karapatan dun dahil si Junmyeon at Kris ang dapat magsabi sa kanila na may problema.

"Pasensya na di ko din alam kung bakit" sabi ko kaya nadismaya sila at tamad na nanuod ng TV.

Kawawa naman tong mga to,Hindi nila alam na may problema na ang dalawang leader nila.Ano ba kasi ang tumatakbo sa utak ni Manager hyung tsk.

"Sinabi ko sa inyo,Maari icancel ang debut nyo"nabigla ako sa narinig ko kay Manager Hyung.Kaharap nya at kausap si Suho at Kris.Nandito lamang ako at nakasilip sa pinto ng opisina.

"Give us a chance hyung"mahina na sabi ni Suho.

"What did we do?" Malamig na tanong ni Kris.

"Hindi pumapatok ang teaser nyo" simpleng sagot ni Manager hyung.

*Blag*

Nagulat ako ng ibagsak ni Kris ang dalawang kamay nya sa table ni Manager.

"Then sabihin nyo kung ano ang gagawin,Its your problem not us,Kami ang talent kaya dapat kayo ang umisip ng strategy" dismayado at galit ang boses ni Kris.

"And its fucking a teaser only..not the music video!" Dagdag ni Kris.

Bahagya akong lumayo sa pinto dahil lalabas sya.Naiwan si Suho na nakaharap kay Manager hyung.
Matalim na nakatingin si Manager hyung kay Suho.

"Whats with him and his attitude!" Dismayado na sabi nito.

"Sorry hyung,It just that pagod lang yung tao" pagdadahilan ni Suho.

Behind Silver OceansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon