Behind Silver Oceans
Written by ChengChengAllOverYou***
"Behind Silver Oceans,There is so much realization that reality is better than dreams..."
PARK HEE SEUL
KOREAN
Star Museum ENTERTAINMENTMatapos kong basahin ang lahat ng dokumento ko.Nalaman ko na ang apelyido ko ay Park at isa akong pure Korean,Kapatid ko si Junghee at kapwa kami ulila.Namatay ang papa namin sa isang car accident at si Mama naman ay nagsuicise dahil sa deppresion na dinanas nito sa pagkawala ni Papa kung kaya't ako na lamang ang ang nag-iisang pamilya ni Junghee.Nalaman ko rin na katrabaho at kaibigan ko sina Eunjung at Yeolhan sa isang sikat na kompanya dito sa Korea.
Ang Star Museum Entertainment..
Ako si Chelsea,At para sakin ito ang entertainment na kung saan nagmula ang huling banda na hinahangaan ko sa aking huling alaala bilang normal na tagahanga.Hindi ako makapaniwala na isang Heeseul ay nagtatrabaho sa ganitong uri at sikat na kompanya sa Korea.Hindi kapani paniwala..
"Ang totoo nyan dati kang script writer sa ibang kompanya,Nasisante ka sa di makatarungan na dahilan kaya sinalo ka ng Star Museum dahil mahusay ka naman" sabi ni Eunjung.Napatango naman ako na wala sa aking sarili.
"Kung ganoon,Ano ang trabaho ko?" Tanong ko kay Eunjung.
"Actually assistant ka ni Manager hyung pero huling sabi mo sakin may special task ka raw eh" sagot nito sakin.
Napabuntonghininga ako.Anlabo naman pala! Paano ako makakapaghanda nito kung ni wala akong ideya kung ano ang trabaho ko? Hayss..
"Siguro may kinalaman sa mga trainee"sabi ni Eunjung habang minamanicure ang sarili nya sa sala.Kung ganoon pala may tyansa akong makita ang ilang artista sa Sment? *0*
"Sinong mga trainee?" Nangunot ang aking noo.
"Di ko pa alam eh! Magdedebut na daw basta yon." Sabi ni Eunjung at ipinagpatuloy ang ginagawa nya.
Magdedebut? Ibig sabihin pwedeng girlband/boyband o soloist ang tinutukoy ni Eunjung?
**Kinabukasan sinabihan agad ako ni Eunjung-ssi na pumasok na.Strimto daw kasi si Manager hyung na tinutukoy nila Yeolhan.At dahil nga may bagong banda na magdedebut under Star Museum malamang ay magiging busy at multitasking ang lahat.
"Ganito pala kalaki ito" isip isip ko nang pumasok na ako sa Star Museum.Sobrang laki pala ng studio ng kompanya sa malapita.Marahil nagmumukha lang maliit iyon sa video ng mga dance practice na napapanuod ko.
Sinabihan ako ni Eunjung-ssi na magsuot ng maayos na damit na akma para sa kompanya na papasukan ko.Nag-alala sya n baka daw yung dating sense of fashion ko ay nakalimutan ko din.Kaya eto ako ngayon nakasuot ng yellow na blouse at jeans na bagay sa sapatos ko.Simole lang pero maayos naman siguro tignan lalo na't suot suot ko ang I.D ni Heeseul.Wala nakong pake kung sabihan ako ni Eunjung na nakalimutan ko narim ang fashiom fashion ni Heeseul! ABA! Hindi ako si Heeseul at wala akong alam dyan! Kaya nagdamit ako sa taste ni Chelsea,Simple and effortless haha.
Maraming bumati sa aking pangalan nung pumasok ako,Ang iba naman ay ikinamusta ako,Ganito pala! Ganito pala kasarap ang pakiramdam magtrabaho sa sikat na kompanya sa Korea.Kahit na mahirap mag-adjust dahil di ako sanay na Heeseul na ang tawag sa akin.
"Ms Park hinihintay kayo ni Manager hyung sa taas"sabi ng isang staff.Tumango naman ako at umakyat gamit ang elevator.Sosya diba!
Aminado na kinakabahan ako sapagkat ni wala man lang akong ideya o maalala man lang kung ano nga ba ang trabaho ko.Mamaya pala janitor lang ako dito :3
![](https://img.wattpad.com/cover/109646057-288-k543186.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind Silver Oceans
FanfictionSamahan natin si Chelsea sa pambihirang travel sa ibang panahon bilang Heeseul.Ano kaya ang mangyayari sa isang pangkaraniwan na fangirl kung makakasama nya ang iniidolo nya sa malapitan? Ano ang magiging papel nya sa grupo na pinangalanan na EXO?