Chapter 1:She such a transformer~

15 2 6
                                    

"Behind Silver Oceans,There's only one. A 1% as destiny called it"

"Heeseul-ssi Okay ka lang ba?"

"Gising na rin sya"

"Haay Salamat naman nagkamalay-tao narin sya hoo!"

"WAAAHHH!!!" Sigaw ko.

"Waeyo?!"

"Kabingin naman tong babaeng to!"

Nagising ako mula sa malalim na pagkakahimlay.Ang buong akala ko ay di na matatapos ang walang hanggan na pagkahulog ko sa isang panaginip.Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon.Teka nasaan ba ako?

"Heeseul-ssi maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Sino sya? Omoo mukha syang Koreano O_o.Saka sino si Heeseul?

"Koreano ka koya?" Curious kong tanong.Nagtawanan naman yung koreano at koreana na nakadungaw din pala sakin.

"Heeseul-ssi haha kailan ka pa naging joker?" Tanong nung isang babaeng koreana.Bakit puro korean ang nakikita ko.

HINDI KAYA?

JUSKOO LORD! ALAM KO PONG ADIK AKO SA KDRAMA AT NALAMON NAKO NITO PERO BAKIT GANITO ANG HALLUCINATION KO HUHUHU

"Saka eonnie korean naman talaga ako"inosenteng sagot ng lalaking koreano na tinanong ko.

"Nasaan ako? Bat naiintindihan ko kayo?" Naguguluhan kong tanong.

"Nasa ospital ka Heeseul-ssi.Nahimatay ka kanina sa studio" sabi ng isang koreana.Teka? Puro talaga sila Korean! Bat naiintindihan ko sila huhuhu..Hanunanyare?

"Aigoo Yare tayo kay Manager neto" sabi ng isang lalaki.

MANAGER? Sino yun?

"Manager? Sinong Manager?" Naguguluhan ako sa pinagsasabi nila.

"Wahhhh noona may amnesia ka ba?!" Nagpapanic na tanong nung lalaking una kong tinanong.

"Amnesia? Baka kayo ang meron! Teka sino ba kayo?!" Tanong ko.Nalaglag ang panga nila at di makapaniwala sa tanong ko.

"Mas makakabuti kung makapagpahinga ka muna ng maigi" sabi nung koreana at pinaayos ako ng higa.Bakit ako nasa hospital? Anong nangyari at napadpad ako dito?

Bakit ganuon? Bakit parang may naiwan ako? Bakit pakiramdam ko naging bago muli ako?! Bakit pakiramdam ko muli akong isinilang? Bakit korean sila at naiintindihan ko sila? Sa tuwing nagsasalita ako.Korean ang lumalabas sa bibig ko.At pag nagsasalita sila Korean rin pero tagalog ang pagkakaintindi ko pag nagsalita sila?!!!!

"Mabuti pa papuntahin nyo si Junghee-ssi dito" dinig ko na sabi ng koreana.

ANONG GINAGAWA KO DITO?

ANONG NANGYARI?

BAKIT KO SILA NAIINTINDIHAN?

BAKIT GANITO ANG PAKIRAMDAM KO?

"Oh ayan na pala yung kapatid mo"sabi sa akin ng koreana.Napatingin ako sa pinto nang may dumating na batang koreano.Singkit ang mga mata nito ay kung tatanchahin ay nasa elementary na ang kanyang gulang.Lumapit ito sa akin na nag-aalala.

"Ate ano bang nangyari sayo :("malungkot na sabi nito.

"Sino ka?" Tanong na kumawala sa bibig ko.Nabigla naman sya sa tanong ko.Mistulang paiyak na ang cute na paslit na tinawag akong Ate.

"Si Junghee yan Heeseul.Kapatid mo" napatingin ako sa kanila at nagulat ako sa aking nalaman.

KAPATID?!!! Kailan pa ako nagkaroon ng nakakabatang kapatid na lalaki? Sa pagkakatanda ko ako ang bunso sa anim kong mga kapatid at wala nang iba pa.Sino si Heeseul? Bakit tinatawag nila akong Heeseul? Di ako si Heeseul oyyy!! Ako si Chelsea!!! Pilit kong inalala ang lahay ng nangyayari pero sumakit lamang ng bahagya ang ulo ko.

Behind Silver OceansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon