Chapter SixDemi
--
"'Yan na ang sinasabi ko sa'yo eh. Tingnan mo nagsisi ka tuloy." Pukaw ni Chae sa akin nang sabihin ko sa kanya kung ano 'yung kinakalungkot ko.
"Iyon na nga eh, ang tanga tanga ko!" Iyak ko, napalumbaba na lamang ako't paulit-ulit na bumuntong hininga. Ano kaya ang pwede kong gawin para bumalik si Vernonie ko? Kasi ayoko siyang mapunta sa iba.
Ayokong may ibang lumalandi sa kanya, gusto ko ako lang.
"Buti alam mo. So anong plano mo?" Tanong sa akin ni Chae, kumuha muna ako ng isang piraso ng piattos saka iyon sinubo. Kung sana kaya lang mapunan ng pagkain ang nararamdaman ko para kay Vernon eh, hindi naman kasi iyon sapat.
"Katulad pa rin ng dati. Kukulitin ko siya, baka bumigay ulit." Nakangusong sambit ko. Bumuntong hininga na lamamg si Chae at tinapik ang balikat ko.
"Support kita d'yan kaibigan." Anito at nilapitan ako para i-comfort. Buti na lang at may kaibigan akong katulad niya.
Haist ano naman kayang technique ang gagawin ko? What if kung palagi ko siyang ilibre ng lunch? Bigyan ng love letters? Kantahan? Sayawan? Haist! Gagawin ko nga lahat para magkagusto na siya sa akin para ligawan na niya ako.
Maya-maya pa ay tumunog na ang bell, hudyat na time na. Nagpaalam na kami ni Chae sa isa't isa since magkaiba kami ng klase, tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Sinakbit ko na sa balikat ang bag ko at nagsimula nang maglakad.
Habang naglalakad hindi ko pa rin lubos maisip na pinakawalan ko ang pinakaimportanteng tao sa akin. Haist ano ba kasing pumasok sa kokote ko nung araw na 'yon?
Sana may time machine para pwede kong ibalik 'yung araw na 'yon para hindi ko nasabi 'yung bagay na 'yon. Kung bakit kasi napakademanding kong tao eh! Dapat hindi ko na lang pinansin 'yung suot niya.
Dapat inisip ko na lang na kahit ganoon ang suot niya gwapo pa rin siya sa paningin ko. Ano ba naman kasi ang ginawa ko? Aish basta gagawa ako ng paraan.
This time hindi na lang basta ako pagbibigyan ni Vernon. Magugustuhan na rin niya ako, at pagkatapos no'n magiging kami at magmamahalan kami habang buhay.
'Di ba ang saya? Kaya dapat ibuhos ko lahat ng effort ko sa kanya. Kailangan niyang makita at maramdaman ang naglalagablab na pagmamahal ko sa kanya para in that way makikita niya ang worth ko sa buhay niya.
Ang galing ko talaga. Hmp!
"Aha fighting!"
"Demi?"
Agad kong binaba ang kamao ko't nilingon ang tumawag sa akin.
"'Di ba classmate tayo?"
Si Krisha lang pala, oo classmate kami.
"Oo haha." Sabi ko na lamang. Ngumiti siya sa akin at tumango. "Sabay na tayo." Alok niya sa akin, tumango na lamang ako, parehas din lang naman kami ng dadaanan.
Habang naglalakad naramdaman ko ka agad 'yung pagiging awkward namin sa isa't isa. Well kilala ko naman siya kasi schoolmate ko siya nung highschool and girlfriend siya ni Junhui, isa sa tropa ni Vernon pero hindi kami friends eh.
"Uhm.. 'Di sa tsismosa ako ha? Usap-usapan kasi na kayo raw ni Vernon?" Tanong niya sa akin. Hindi raw sa tsismosa siya, okay. Hahaha. Ah oo nga pala, hindi 'yon usap-usapan. Kami talaga at nagbreak na kami, huling-huli na siya sa balita.
"Break na kami eh." Sagot ko sa kanya. Nagtaka ako bigla nung huminto siya sa paglalakad at mariin akong tiningnan. Kumunot ang noo ko, bakit ganyan siya makatingin? May ginawa ba ako?
"B-bakit?"
"Bakit kayo nagbreak?" Napahawak siya sa ulo niya't ginulo ang buhok niya at para pa siyang nababaliw. Ang ipinagtataka ko lang ay, bakit parang napakabigdeal yata ng break namin sa kanya. Ewan eh.
"Ano naman kung nagbreak kami? Saka makikipagbalikan ako sa kanya." Pagkasabi ko niyon ay parang kabute na sumilay ang ngiti sa labi niya.
"Tama. Tama makipagbalikan ka sa kanya." Mas lalong kumunot ang noo ko. Okay? Anong meron? Bakit parang ang OA niya yata?
Kahit nawi-weirduhan ako sa kanya ay tumango na lamang ako. Sobrang weird talaga.
--
Sana magustuhan ito ni Vernonie ko. Sariling luto ko ito para sa kanya, kung pwede lang lagyan ng gayuma itong pagkain para mapadali na lang ang plano ko eh.
Sumakay na ako sa kotse at nagpahatid na kay papa sa school.
"Para naman kanino 'yan anak?" Tanong sa akin, tinutukoy 'yung spaghetti na niluto ko para kay Vernon. Tipid akong ngumiti sa kanya, sasabihin ko ba kay papa? Baka magalit eh, huwag na lang.
"Lunch po namin ito ni Chae." Pagsisinungaling ko sa kanya, tumango si papa. Nang makarating kami sa school ay agad na akong nagpaalam kay papa at lumabas na ng kotse dala-dala ang tupperware kung saan nakalagay 'yung spaghetti.
Dumiretso ako sa cafeteria. Naabutan ko si mamang mabait sa akin, papakiusapan ko siya na baka pwedeng iinit niya itong spaghetti mamaya before lunch tapos kukunin ko sa kanya mamaya at ibibigay kay Vernon ko.
"Good morning ganda!" Bati sa akin ni mamang mabait. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
"Okay lang po ba kung iwan ko po muna sa inyo 'to? Tapos po ipa-init niyo ito bago maglunch? Babayaran ko po kayo promise." Natawa na lamang si mamang mabait sa akin. Sana pumayag siya, close naman kami eh. Saka mabait naman ako.
"Okay lang ganda, huwag mo na akong bayaran. Hala sige, iwan mo na 'yan dito." Aniya, napatalon ako sa tuwa. Buti na lang may tao pang katulad ni mamang mabait. Bago ako umalis ay nagpasalamat ako sa kanya at tumakbo papunta sa unang klase ko.
Pagkapasok ko sa classroom ay nilabas ko ka agad ang nakatagong stationary paper sa bag ko.
Yep I am going to write a love letter, para naman kiligin siya mamaya at ganahan siyang kainin ang spaghetti ko 'di ba? First step pa lang 'yan pero feeling ko mahuhulog ka agad siya sa akin.
Haist.. Konting pa-cute lang sa kanya mamaya bibigay na siya sa akin. Maganda naman ako eh, I know he can't resist me hehe
++
9:01 PM || 05/21/17
BINABASA MO ANG
★ [2] Chasing Chwe Hansol || Vernon [SEVENTEEN]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ "I want to blame you for hurting me, but then I remember that I was the one who chose to love you." ⇨[SEVENTEEN SERIES #2] ⇨Written in Filipino ⇨[Chwe Vernon ×× Kim Dahyun] ⇨Date Started: April 29, 2017 ⇨Date Finished: May 28...