Chapter ElevenDemi
--
Una sa lahat, hindi ko alam kung anong nakain ng hilaw na 'to at inaaya akong magkape. 'Yung DAPAT na desisyon ko ay tumanggi dahil nga iyon naman ang DAPAT na desisyon sa taong nag mo-move on.
Kaso ang hirap tumanggi dahil second day pa lang ng pagmo-move on ko, kumbaga nasa first level pa lang ako. Bakit kasi ngayon lang? Dapat noon pa nung okay pa, kaso pakshit siya eh, bakit ngayon? Ngayon kung kailan narealize ko na hindi kami pwede? Ayoko.
"Busy ako, iba na lang alukin mo." Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at tinalikuran siya, habang naglalakad palayo sa kanya bigla akong nakaramdam ng panghihinayang. Umiling na lamang ako, hindi ko dapat 'yon pinanghihinayangan! It's actually a right decision for a person whose moving on like me!
Napahawak na lamang ako sa strap ng bag ko at binilisan ang paglalakad.
Sana naman habulin niya ako.
Aish takte! I'm completely insane! Kainis siya, bakit gano'n siya? Naiinis ako. Bakit kung kailan ready na akong pakawalan siya saka siya aakto ng ganoon?! Hindi niya ba alam na nagmo-move on na ak---
"I can't see that you're busy. Huwag kang mag-alala treat ko." Nakangiting sambit niya. Pasimple kong naikuyom ang kamao ko, pwede ko ba siyang suntukin? Nakakainis siya.
"I'm tired. Gusto ko ng umuwi, is that already enough reason for you to stop bugging me?" May himig ng iritasyon ang boses ko na ikinabusangot niya. Naglaho ang ngiti sa labi niya at napakamot sa ulo niya.
"S-sorry, gusto ko lang naman na makabawi sa'yo eh." Sabi niya. Pinagtaasan ko siya ng kanang kilay, makabawi? 'Yon lang? Huwag na baka umasa pa ulit ako. Mas okay pa 'yung banggitin niya 'yung salitang sorry.
"Forgiven, hindi mo na kailangan pang bumawi. Bye! See you around." Agad akong umalis sa harap niya at tumakbo palayo sa kanya para hindi na niya ako mahabol pa at kulitin.
Ganito pala 'yung feeling ng may nangungulit sa'yo. Ganito kaya 'yung nararamdaman niya noon sa akin kapag kinukulit ko siya? Well I already understand, kaya pala inis na inis siya sa akin. Nakakahiya mga pinaggagawa ko noon.
Nang makarating ako sa bahay nagulat ako nang may makita akong nakitang nakahain na maraming pagkain sa kusina namin. Nagtataka akong tumingin kay manang na naghahanda ng plato.
Para saan 'yan? Birthday ko ba? Ahh.. Nope? Ah baka birthday ni manang! Si manang talaga, sana sinabi niya at ako na sana ang naghanda para sa kanya para hindi siya 'yung naghanda para sa sarili niya.
"Birthday mo manang? Naku ang sasarap naman!" Agad akong umupo sa karaniwan na inuupuan ko sa hapag-kainan.
"Hindi ko birthday hija. 'Yung bisita mo ang nagbigay nito." Kumunot ang noo ko, bisita? I'm not expecting any visitor today at saka si Chae lang naman ang pinapapunta ko dito. Hindi ko naman siya niyaya.
"Sino po? Saka asan siya?" Tanong ko. Lumingon lingon ako sa palagid hanggang sa napansin kong pumihit paikot ang pinto ng CR na medyo malapit sa kusina namin. Nang bumukas iyon ay bumungad doon si Vernon na nakangiti.
Mas lalong kumunot ang noo ko. Seriously? Siya ang naghanda ng mga ito? Nakakainis naman siya! Gutom pa man din ako! Ayoko ng kainin 'yang mga 'yan kahit ginutom niya ako. Kainis siya!
"Hmmm! Sarap ng pagkain. Mind to join me? Kakain kami ni manang. Gusto mo?" Tila pa nang-aasar na alok niya sa akin. Hindi ako sadista pero mukhang manununtok ako ng wala sa oras. Kanina pa ako kating-kati na suntukin siya eh.
"Ang kulit mo rin ano?" Iritang sabi ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at naupo sa katapat na upuan ko. Kumuha siya ng chicken at nilagay niya iyon sa platong nasa harap niya. Napangiwi na lamang ako, galing siya sa CR tapos hindi man lang siya maghuhugas. Eww.
"Hindi ka man lang ba maghuhugas?" Nandidiring sabi ko.
"Naghugas na ako sa CR niyo kanina. Hindi naman ako dugyot." Sabi nito at nilantakan ang chicken sa harap ko. Napatingin ako kay manang na nakangiti lamang sa amin. Seryoso siya? Kakain talaga siya sa harap ko? Iinggitin niya talaga ako? Aba hanep siya ah?
"Sinabi ko naman sa'yo na hindi mo na kailangang bumawi 'di ba? Bakit nagpadala ka pa ng mga pagkain dito?"
"Bakit? Sinabi ko bang pangbawi itong pagkain na nakahain sa harap sa iyo?"Kumunot ang noo ko, hindi pala para sa akin bakit nandito siya? Bakit dito siya kumakain ng mga pagkain niya?! Aba't hindi naman niya bahay ito ah? Mukha bang kainan itong bahay namin?
Pasalamat talaga siya at nasa hapagkainan kami at hindi ko siya masisigawan at masusuntok.
"Eh bakit ka nandito? Bahay mo 'to? Feel na feel mo pa, makaalis na nga." Huminto siya sa pagkain at tiningnan ako. Tatayo na sana ako kaso naramdaman kong pumulupot 'yung paa niya sa isang binti ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya kaya napaupo ako't inalis ang paa niya.
"Ano bang ginagawa mo?" Iritang sambit ko.
"Joke lang naman 'yon. Para sa inyo talaga ni manang itong pagkain." Anito. Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit na, hindi ako kakain, si manang. Siya ang kailangang kumain.
"Ikaw na lang po manang."
"Mamaya na ako hija. Saglit lang may lilinisin pa pala ako sa taas." Hindi ko na pinigilan pa si manang na umalis sa kusina. Nanatili lang kaming tahimik ni Vernon, hindi na rin siya kumakain.
Ewan ko ba pero napansin kong nagbago 'yung expression niya nung umalis si manang.
"Ayoko ng ganito ang pakikitungo mo sa akin Demi."
What?
"Alam kong dahil sa akin kaya ka nasasaktan. Sorry, iyon lang kasi ang naisip ko nung mga araw na 'yon para tumigil ka na sa pangungulit sa akin. Sorry kasalanan ko."
Nanatili akong nakatingin sa kanya. He's blaming himself, and I'm feeling guilt right now. I don't want him to blame himself kasi hindi naman siya 'yung nagpumilit eh, hindi siya 'yung nangulit at hindi siya 'yung naghabol.
Ginawa niya lang 'yon para tumigil ako, alam kong hindi niya 'yon sinasadya. Kaso iniisip niya ng dahil doon nagbago ako, hindi iyon 'yon.
Kaya umiiwas ako sa kanya kasi napagtanto ko lang naman na hindi kami pwede.Na hindi niya ako masusuklian. Napabuntong hininga ako.
"I want to blame you for hurting me, but then I remember I was the one who chose to love you."
++
2:06 PM || 05/26/17
Kinikilig ako kay Cole Sprouse shems ❤
BINABASA MO ANG
★ [2] Chasing Chwe Hansol || Vernon [SEVENTEEN]
Fanfic✔ C O M P L E T E D ✔ "I want to blame you for hurting me, but then I remember that I was the one who chose to love you." ⇨[SEVENTEEN SERIES #2] ⇨Written in Filipino ⇨[Chwe Vernon ×× Kim Dahyun] ⇨Date Started: April 29, 2017 ⇨Date Finished: May 28...