Chapter ThreeDemi
--
"So kumalat na nga. Sinasabi ko na nga ba." Sabi ni Chae nang mabalitaan niyang kumalat na nga 'yung nasa isip niya no'n. Napabuntong hininga na lamang ako, binabawi ko na pala 'yung sinabi ko na sana nga kumalat 'to.
Because I can't handle it anymore. Paano kung magsalita si Vernon at sabihin niyang rumor lang 'yung kumakalat? Tapos iisipin ng karamihan na desperada ako, na feelingera ako. Ganoon ba?
Gusto ko sanang pakiusapan 'yung hilaw na 'yon eh, kaso baka isipin na naman niya na obsessed ako sa kanya.
"Sana huwag magsalita 'yung hilaw na 'yon. Sana hayaan niya na lang na ganito." Sabi ko. Sana nga talaga kasi malaking problema ang magiging problema ko kung hindi niya tinikom bibig niya, jusko naman kasi 'yung Sarah na 'yon. Sino ba kasing nagsabi na ikalat niya 'yon ha?
Hahanapin ko talaga ang babaeng 'yon. Kainis siya eh.
"Hoy!" Nagulat na lamang kami ni Chae nang biglang sumulpot sa harap namin si Seungkwan at Dino. Nilapag nila ang tray ng pagkain nila sa harap namin.
"Dito muna kami, saka gusto kong malaman kung totoo 'yung kumakalat." Untag ni Seungkwan, napalunok ako. Ano ba naman 'yan, dadagdag pa talaga 'tong bestfriend niya? Aish.
"Oo nga! Kailan pa kayo ni hyung ha?" Taas-babang kilay na tanong sa akin ni Dino. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Pwede ba? Huwag niyo nga muna akong tanungin niyan, ka-stress eh." Sabi ko na lang para maiwasan kung ano mang itatanong nila sa akin.
"Teka nga kasi Demi! Ang gulo eh! Paano ka naging girlfriend ni Hansol? Eh hindi ka naman gusto no'n, halos masuka na nga 'yon kapag naririnig niya pangalan mo." Straight forward na revelation ni Seungkwan sa akin. Nanlaki ang mata ko't napaawang ang bibig. Gano'n ba siya sa akin?
Aba't napakaganda ko para pandirihan niya ha? Ang choosy niya naman kung ganoon!
"Grabe naman! Mukha ba akong tae kung pandirihan niya? Asan ba siya at kakausapin ko nga!" Naiirita na talaga ako sa lalaking 'yon. Wala siyang karapatang tratuhin ako ng ganoon.
Ang unfair kasi! Ina-appreciate ko siya tapos siya kung ituring niya ako parang tae? Aba't walang hiya talaga!
"Chill. Ganyan ba talaga kayong magshota?" Ani Dino. Magshota? Ano siya jejemon? Shota is not a right term ano!
"Hindi kami magshota." Pagkasabi ko niyon ay may naupo sa tabi ko pagtingin ko sa gilid ko halos mag hugis puso ang mata ko nang tumambad sa akin ang nakangiting gwapong mukha ni Vernon sa akin.
Tila ba nawala 'yung inis ko sa kanya nang dahil sa ngiting nakaguhit sa labi niya at ang mala-genuine na titig ang ipinupukol niya sa akin.
"Uhm.. Since kanina pa ako out of place dito. Baka kailangan ko ng umalis." Pipigilan ko pa sana si Chae kasi alam ko naman na kaya lang siya aalis kasi gusto niya kaming magkaroon ni Vernon ng "babe time", pero s'yempre joke lang 'yon.
"Kayo ba hindi rin kayo aalis na dalawa?" Tanong ni Vernon sa dalawang nakaupo sa harap namin. Teka bakit parang gusto talaga ng babe ko ang masolo ako? Ano totohanan na ba ito? Charot!
"Ah so kayo ngang dalawa?" Patango-tango pa si Dino habang nakatingin sa aming dalawa ni Vernon.
"Obvious ba Dino? Eh gusto na nga niya tayong umalis. Tara na, saka na lang natin sila i-interrogate." Tumayo na 'yung dalawa at umalis na. Nang kami na lang ni Vernon ang natira, ni isa sa amin walang nagsalita.
Teka? Bakit kaya siya nagpunta dito? Kakausapin na naman niya ako tungkol doon? Oo na magsasalita na ako, sasabihin ko na sa madla na hindi naman talaga kami.
"Aaminin ko na sa kanila na hindi talaga kita boy--"
"Gusto kitang maging girlfriend." Napakunot ang noo ko at the same time lihim na kinilig sa sinabi niya. Wait? Sinabi niya bang gusto niya akong maging girlfriend? Sinasabi ko na nga ba at may lihim na pagtingin ang lalaking ito sa akin eh.
"Ano kamo?" Malapad na ngiti ang sumilay sa labi ko, pinagtaasan niya ako ng kilay at umiling. "Kailangan pa bang ulitin?" Reklamo niya.
"Aba't s'yempre! Hindi ko masyadong narinig eh." Pagsisinungaling ko kahit mas klaro pa sa sinag ng araw ang narinig ko mula sa kanya.
Bahagya niya pang ginulo ang buhok niya at humarap sa akin.
"Sabi ko gusto kitang maging girlfriend Demi Kim." Aniya, feeling ko nasunog ang magkabilang pisnge nang sabihin niya iyon, paniguradong namumula na ako ngayon at hindi ako nahihiyang ipakita iyon sa kanya, sabi kasi ni Chae mas gumaganda raw ako kapag red ang cheeks ko.
Kaya baka kapag nakita ni Vernon na namumula ako magandahan siya sa akin at ma-in love sa akin ng todo. Gusto ko 'yon.
"Kilig na kilig ka naman." Untag niya.
"S'yempre boyfriend na kita for real. Alam mo naman na crush na crush kita." Sagot ko sa kanya, napailing na lamang siya't sinapo ang noo.
"Sabi na eh, patay na patay ka talaga sa akin." Bulong niya. Nawala ang ngiti sa labi ko, patay na patay? Sino? Ako? Sa kanya? Duh ang sinabi ko lang naman crush na crush ko siya ah?
"Baliw, obsess tapos ngayon patay na patay sa'yo? Crush lang kita! Feeling nito porket showy lang ako sa nararamdaman ko para sa iyo! Aish makaalis na nga!" Ayan na naman naiinis na naman ako sa kanya. Hindi niya alam ang nararamdaman ko para sabihin niyang baliw na obsess na patay na patay ako sa kanya.
Jusko hindi ako ganoon magkagusto sa isang lalaki ha! I'm just showing it, masama na bang magparamdam? Masama na bang maging vocal sa nararamdaman ko ngayon?
"Oo na sorry na. Hindi ka na baliw, obsess o patay na patay sa akin. Huwag ka ngang umalis." Hinila niya ang kamay ko pababa para makaupo ulit ako inuupuan ko kanina.
"Ang cute nila mag-away, relationship goals sila." Narinig kong bulong ng isang babae sa katabing table namin. Kanina pa pala kami pinapanood ng karamihan dito sa cafeteria.
"Relationship goals daw tayo." Kinikilig na sambit ko sa kanya. Makahulugan lang akong pinagmasdan ni Vernon sabay taas ng kaliwang kilay niya.
"Tsk. Bipolar, kani-kanina lang naiinis tapos ngayon kinikilig." Aniya.
Nagulat pa ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin palabas ng cafeteria, napangiti na lamang ako sa kilig na nararamdaman.
I can't believe this is all happening.
++
4:36 PM || 04/30/17
BINABASA MO ANG
★ [2] Chasing Chwe Hansol || Vernon [SEVENTEEN]
Fiksi Penggemar✔ C O M P L E T E D ✔ "I want to blame you for hurting me, but then I remember that I was the one who chose to love you." ⇨[SEVENTEEN SERIES #2] ⇨Written in Filipino ⇨[Chwe Vernon ×× Kim Dahyun] ⇨Date Started: April 29, 2017 ⇨Date Finished: May 28...