‡ Epilogue ‡

234 12 2
                                    


Epilogue

Vernon

--

"Argh! Demi hanggang kailan mo ba ako papahirapan ng ganito. Alam mo ba kung gaano nakakamatay itong pinapagawa mo sa akin?" Humalakhak lamang sa likod ko ang babaeng 'yon saka niya tinapik ang balikat ko.

"You've got to learn new things sweet. Kailangan mong matutong maglaba okay? It's for your own good na rin lang naman eh. Paano kung mag-asawa na tayo tapos magkasakit ako tapos kailangan mong gawin lahat ng gawaing bahay?"

I mocked the way she talks, hindi naman niya nakikita eh. Dahil sa panggigil ay kinusot kusot ko ng mariin ang damit niya, pasalamat siya at mahal ko siya kasi kung hindi baka minartilyo ko na ulo niya sa inis. Hays.

Lord ba't ba ganito ang babaeng 'to? Gusto ko ng magsisi na siya pa ang pinili ko. Hays talaga.

"You know what Vernon? Kahit nakatalikod ka alam kong mina-mock mo ako. Akala mo hindi ko alam ha? Tsk.. Kaasar 'to. Huwag mo akong kakausapin." Nagtatampo niyang sabi, kumunot ang noo ko't napalingon sa kanya, wala na siya sa likuran ko.

Bakit na naman nagtatampo ang babaeng 'yon? Nakakainis na ha? Isa pa talaga at makakatikim na siya sa akin. Matapos kong labhan ang marurumi niyang damit ay agad ko iyong sinampay at pinuntahan si Demi sa kwarto niya.

Naabutan ko siyang nakahiga ng patagilid habang nakahalukipkip. Nagtatampo talaga.

"Demi." Kumunot lalo ang noo niya't tumalikod ng higa sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. Kaso winaksi niya ang kamay ko't nagtalukbong ng kumot.

"Sinabi ko na nga sa'yo na huwag mo akong kausapin eh!" She said under her blanket. Napasapo ako sa aking noo, sabi ko magagalit ako sa kanya pero bakit parang natatakot pa akong magalit sa kanya.

Napaka-unpredictable kasi ng mga babae ngayon lalo na sa babaeng 'to.

"Look I'm sorry, nagsisisi na ako sa ginawa ko." Sabi ko. Hindi siya sumagot kaya't napabuntong hininga na lamang ako.

"Ice cream, pizza, or fries?" I don't have choice now. Bumalikwas siya ng bangon and as usual abot tenga na naman ang ngiti niya. Nakarinig lang ng pagkain haist, buti hindi siya tumataba.

"Totoo?" Paninigurado niya.

"Yes." Walang ganang sagot ko, mapapasubo na naman ako nito. "Ice cream, pizza, or fries? Pili na." Dugtong ko.

"Lahat! Tara na!"

Anong tiyan ba ang meron siya? Ibang klase.

--

Nakapalumbaba ako habang pinapanood ko siyang lumamon sa harap ko. Wala akong ibang magawa kung hindi ang tingnan lang siya, nagugutom na nga ako at gusto ko na rin sanang kumain kaso ayaw niyang ipamigay 'yung binili ko para sa kanya.

'Di ba napakahusay niya? Ako ang gumastos tapos pagbabawalan niya akong kumain. Ayoko na! Gusto ko ng mamatay. Sumandal ako sa upuan at pinikit ko ang mata ko, matutulog na lamang ako.

Makakatulog na sana ako nang marinig ko ang malakas na dighay niya. Kunot noo ko siyang tiningnan, babae ba siya? Hindi man lang mahiya sa akin. Hindi man lang niya inisip na baka maturn off ako sa kanya?

"Hmm... Sarap. I want more." Napailing na lamang ako sa  pagkabalintuna. She's so unbelievable.

"Sige wait bibili ulit ako." Sabi ko pero nagulat ako nang palabas na ako ng bahay nila ay tumalon siya sa likuran ko, pinulupot niya ang paa niya sa bewang ko at dinikit ang labi niya sa aking leeg.

Muntik na akong manlabot ng gawin niya 'yon, buti na lang at naalala kong nakadagan pala sa likod ko ang babaeng 'to at naiwasan kong matumba.

"Thank you sweet! Kaya mahal na mahal kita eh. You know what? It's been 5 months since you started courting me kaya hmm.." Sasagutin na ba niya ako?

Teka? Bakit ako kinakabahan sa susunod niyang sasabihin? Sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi ko't napailing. Nababakla na ako.

"Tayo na po. Sinasagot na po kita." Pagkasabi niya no'n ay hinawakan ko siya sa paa niya para suportahan siya at hindi malaglag. Dahil sa tuwang nararamdaman ko ay tumalon talon ako sa labas ng bahay nila habang buhat buhat ko ang babaeng sobrang mahal ko.

Finally I can say that she's mine.

"KAMI NAAAA!"

++

7:44 PM || 05/28/17

The end ang saya saya ko hehe :)

★ [2] Chasing Chwe Hansol || Vernon [SEVENTEEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon