Chapter 5: Regrets

178 14 1
                                    


Chapter Five

Demi

--

"ANO?! BREAK NA KAYO?!" Agad kong pinanlikahan ng mata si Chae. Ang lakas ng boses eh, naikuwento ko kasi sa kanya na break na kami ni Vernon for real, na tumagal lang ng isang araw 'yung relasyon namin.

Wala lang naman sa akin 'yon since feeling ko din naman na hindi gusto ni Vernon na i-girlfriend ako ng gano'n gano'n na lang. Hindi naman kasi ako bobo o tanga para hindi mapansin na naiirita sa akin 'yung taong 'yon.

Pero ewan ko ba, abnormal yata ako at gustong gusto ko na gano'n ang nararamdaman niya sa akin.

"Ingay nito oh. Oo nga break na nga kami." Ulit ko sa kanya. Nilapit ni Chae sa akin ang upuan niya.

"Bakit ka naman kasi nakipagbreak ka agad? Malay mo 'yon na 'yung chance na makilala ka niyang mabuti tapos tuluyan na siyang ma-in love sa'yo." Wika niya. Nagkibit balikat na lamang ako, oo nga gusto kong maging boyfriend si Birnun, s'yempre.

Sino ba naman kasi na ayaw maging boyfriend o girlfriend ang crush mo 'di ba? Kaso nga hindi ko feel 'yon ngayon, kasi nga napilitan lang siya na i-girlfriend ako. Alangan naman na magpakasanto ako.

Committed nga sa isa't isa pero wala namang love. Parang gago lang kung iisipin, nagboyfriend pa 'ko kung gano'n lang.

"Haist kahit na." Sagot ko sa kanya, basta okay lang sa akin na break na kami, saka wala naman akong dapat pagsisihan kasi isang araw lang naman ang tinagal ng relasyon namin. Buti sana kung umabot kami ng 10 years, kasi talagang magsisisi ako no'n.

"Sayang 'yon eh. Pagkakataon mo na 'yon. Para sana habang kayo, gumagawa ka ng paraan para mahulog siya sa'yo. Gano'n sana ginawa mo, gano'n sana 'yung inisip mo Demi." May halong panghihinayang na wika niya sa akin. Ako naman 'tong parang binato ng malaking bato sa ulo nang mapagtanto ko na sana nga 'yon na lang ang ginawa ko.

May point din naman si Chae eh. Kaso nga lang feeling ko hindi pa ito ang tamang panahon para maging boyfriend ko siya. Naniniwala naman ako kay tadhana eh, siya na bahala sa amin.

"Kahit na nga ano, kung kami talaga ni Vernon, kami talaga ang magkakatuluyan." Punong puno ng kompiyansang sagot ko sa kanya. Wala naman akong dapat ipag-alala eh.

"Bahala ka Demi, kapag kumalat na break na kayo ni Vernon mas marami ng babae ang lalapit sa kanya." Pagbabanta niya. Agad namang nawala 'yung ngiting nakaguhit sa labi ko.

Mas maraming babae? Hmp! Kung kaya nilang agawin sa akin ang Birnun ko!
Magkakamatayan kami ng kung sino man ang mangahas na agawin sa akin ang babe ko.

--

Haist kung bakit ba naman ngayon pa gustong lumabas nitong solid substance na 'to. Nakakainis! Ano bang kinain ko?! Dali-dali akong nagpunta sa girl's CR at kung sinu-swerte nga naman walang tao! Dumiretso ka agad ako sa first cubicle at inangat ko ang Palda ko.

Habang naglalabas ng solid substance sa C.R nakarinig ako ng takong. Girl's entering the comfort room, hindi ko sana papansinin kaso narinig ko ang pangalan ng baby Vernon ko eh. Bakit nila pinag-uusapan ang baby ko?!

"Demi is such a fool for breaking up with Vernon. Like Vernon is so gwapo and has everything we like about men!"

"Yeah right she's so tanga talaga!"

"Girls okay lang 'yon! Atleast pwede na nating ma-angkin si Vernon! We can flirt with him na!"

Tila ba nag-init ang pisnge ko sa inis. I want to know those girls who just called me stupid! Hindi ako nakipag-break kay Vernon para tawaging tanga! May tamang panahon para sa amin! Baka sila ang stupid!

Mabilis kong nilinisan ang pang-upo ko ng tissue at ni-flash ang toilet. Dali-dali akong lumabas ng cubicle at tinapunan ng masamang tingin ang tatlong babae na pinag-uusapan ako.

"Sino 'yung tinawag niyong tanga? For your information girls Vernon is STILL my property. Nakipagbreak ako sa kanya for some reason! Try to flirt with my baby, and I'll kill you." Pagbabanta ko sa kanila. Hindi naman sila nakapagsalita kaya dumiretso na ako sa sink para maghugas ng kamay.

Nang matapos ako ay winisikan ko silang tatlo saka ako umalis. Makita ko lang ang pagmumukha ng mga 'yon makakatikim talaga sila ng suntok ng isang tanga. Tanga pala ha? O sige magkakasubukan kami! Subukan lang talaga nila sasapakin ko sila.

Yamot na yamot akong pumasok ng classroom at saktong nakita kong nagtatawanan ang grupo nila Vernon sa harapan. Tumigil sila nang makita ako na kahit ang iba ko pang kaklase sa klaseng iyon ay tumigil rin. Ewan ko ba sa kanila, ang ganda ko lang siguro. Kaso wala akong balak maging masaya ngayon kasi parang nagsisisi na ako na nakipagbreak ako sa kanya ng gano'n gano'n na lamang.

Hindi ko kaya na may umaaligid na katulad ng mga babae sa C.R sa Birnun ko.

Tumigil ako sa harap nila at tiningnan ang wrist watch ko. May 10 minutes pa bago ang klase.

"Usap tayo sa labas bilis!" Hinawakan ko ang braso ni Vernon at hinila siya palabas ng classroom, buti na lang at nagpahila siya kung hindi pahirapan kami ngayon. Nang makalabas kami ay katulad ng dati ay sinamaan niya ako ng tingin.

"Ano na naman ba? 'Di ba break na tayo?" Puno ng iritasyong wika niya. Pinamewang ko siya 'yon na nga ang dahilan kung bakit ko siya hinila dito eh!

"Sorry na! Nagsisisi na akong nakipaghiwalay sa'yo. Balikan mo na ako." Nagsusumamong sambit ko sa kanya, pinagdikit ko pa ang palad ko para magmakaawa sa kanya.

Pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Bakit ba ganito siya sa akin?! Pagbigyan niya naman sana ako kahit ngayon lang. Lagi na lang niya akong ginaganito.

"Demi, makinig kang mabuti. Hindi naman talaga kita gusto eh, ginawa ko lang 'yon para pagbigyan ka. Kaya hindi, hindi ako makikipagbalikan sa'yo." Para siyang santo na sinasabi iyon sa akin. Kumunot ang noo ko't napa-cross arms. Pinagbigyan niya lang ako. Oo alam ko 'yon, hindi ako manhid, pero sana pagbigyan niya ulit ako.

"Edi pagbigyan mo ulit ako. Hindi ko pa nararamdaman maging boyfriend ka eh. Sige na Vernon please! Nagsisisi na talaga ako, sige na please." Ngumuso ako sa kanya, pangpa-cute lang para maawa siya sa akin.

"Haist ang kulit. Ayoko nga, bahala ka na nga d'yan." Hindi ko na napigilang pumasok sa loob ng classroom si Vernon. Kadalasan kapag nire-reject ako ng lalaking 'yon, hindi naman ako masyadong triggered. Pero ngayon? Parang bumagsak hanggang sa floor ang balikat ko.

Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng matanggihan ng hinahangaan mong lalaki. Masakit.

++

12:37 AM || 05/7/17

★ [2] Chasing Chwe Hansol || Vernon [SEVENTEEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon