Chapter TenDemi
--
"Demi si Vernon nasa kabilang table."
"Demi si Vernon nakatingin sa'yo."
"Demi si Vernon may kalandiang babae."
"Demi si Vernon nag-iisa."
"Demi..."
"Chae tigil na please?" Nasapo ko na lamang ang noo ko. Ano naman ngayon kung nasa kabilang table lang siya? Kung nakatingin siya sa akin? Kung may kalandian siya? At kung nag-iisa siya? Wala na akong pakialam.
"B..akit? Hindi mo na gusto si Vernon?" Tanong niya sa akin. Gusto ko sanang sagutin ng oo eh, kaso hindi lang gano'n kadaling mag unlove ng taong mahal mo. Buti sana kung kasing dali lang na mag-unfriend sa facebook, pero hindi eh.
"Nagpa-practice pa lang naman ako." Sagot ko sa kanya. Kunot noo niya akong tinitigan. "Bakit? May nangyari bang hindi ko alam? Anong nangyari?" Tanong niya sa akin. Nagkibit-balikat na lamang ako, it's better kung hindi niya malalaman kung anong nangyari sa amin ni Vernon nung Saturday.
Magkaibigan kasi sila at kapag sinabi ko na nagawa akong itulak ni Vernon baka masira pa pagkakaibigan nila. Kilala ko si Chae eh, mahal ako niyan at hindi niya gustong sinasaktan ako.
"Wala napagtanto ko na lang na he's not worth it. Kung hindi niya ako gusto okay lang. Ayoko ng ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya." Kibit balikat kong sabi sa kanya. Mukhang na-convince ko naman siya sa sagot ko kasi hindi na siya nagtanong pa.
"Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon Demi. Kasi may part sa akin na gusto ko kayong dalawa ang magkatuluyan, pero may part din sa akin na gusto ko ng tumigil ka sa kakahabol sa kanya." Usal niya. Dumukot na lamang ako ng chips at kinain iyon.
Alam ko naman 'yon, sinusuportahan niya nga ako sa lahat ng kagagahan ko kay Vernon eh, minsan din ay pinapaalala niya sa akin 'yung reality tungkol sa amin ni Vernon.
"Hayaan mo na lang 'yan. Atleast kahit papaano hindi na ako mapapagod sa kakahabol 'di ba? Oo nga pala kumusta si Wonwoo?" Tanong ko para maiba ang pinag-uusapan namin. Balita ko kasi nahulog siya sa hagdan ng bahay nila last last week. Ngayon ko lang naisipang kamustahin.
"Seriously? Ngayon mo lang talaga kakamustahin ang lagay ng kuya ko? Okay na siya ngayon as you can see." Bumaling siya sa dulo ng cafeteria kung saan nakaupo ang grupo nila. Hindi na ako lumingon pa.
Ayokong makita si Vernon eh. Mahirap na baka magback to zero ako.
"Ayaw mo talagang tumingin sa kanila 'no?" Ani Chae, natawa na lamang ako.
"Eh mahirap mag move on kung makikita ko siya eh." Sabi ko na lamang.
"Sabagay."
--
Pagkatapos ng last class ko for this day ay agad akong lumabas ng classroom. Kating-kati na ang katawan ko na humilata sa kama ko, nakakapagod kasing makipagtaguan or should I say iwasan si Vernon.
Kapag nakikita ko siyang nasa malapit lang I would probably go to another place, kapag nakakasalubong ko naman sinusubukan ko ang best ko na umakto na parang hindi ko siya kilala at kapag nagkakataon na magkaparehas kami ng direction, s'yempre ako na ang mag-a-adjust. Sa kabila na lang ako dadaan kahit long cut pa.
Para tuloy akong timang kapag iniisip ko 'yon. Pero kahit na gano'n atleast nakakalayo ako sa kanya.
Naglalakad ako sa maingay na hallway ng school. Maraming estudyante sa gilid na nakatambay, 'yung iba naghihintay para sa susunod na klase nila, 'yung iba wala lang.
Habang naglalakad napadako ang tingin ko sa babaeng student hindi kalayuan sa kinatatayuan ko, may hawak siyang paperbag na may design na puso. Kung titingnan she looks like she's waiting for someone.
Ewan ko ba pero na-intriga ako at tumigil sa paglalakad. I watch her play with her foot, naaalala ko lang 'yung highschool days ko sa kanya. Madalas akong tambay sa labas ng classroom nila Vernon nung 3rd year kami, madalas akong may hawak na paper bag na may laman na kung ano-ano.
Pagkain, damit, sapatos, notebook, papel, ballpen. Kahit ano na pwede kong ibigay kay Vernon. Nung mga panahon na 'yon hindi pa ako takot sa rejection niya, nung panahon na 'yon parang balewala lang 'yung mga "no" niya sa akin. Wala akong pakialam kung tutuosin, wala akong problema sa kanya in fact ang saya-saya ko pa na gano'n ang ginagawa niya sa akin.
Para akong tanga 'di ba?
Kaso ngayon, nagbago ang ihip ng hangin. Nabuksan 'yung mga mata ko, tuluyan nang nakaramdam ang puso ko. Hindi na ako tulad ng dati na okay lang sa akin na ginagano'n niya lang feelings ko, ngayon hindi na ako manhid at nasasaktan na.
Nakaka-miss tuloy 'yung dating ako. Nakaka-miss magkagusto sa baliw na hilaw na 'yon, nakaka-miss lahat at naiinis ako sa sarili ko kasi pinaabot ko pa ito sa ganitong punto. 'Yung puntong kailangan ko ng marealize na tama na. Dapat noon pa lang narealize ko na para hindi masyadong masakit.
Napabuntong hininga na lamang ako nang makita kong dumating na 'yung hinihintay niya. Isang lalaki, kasama nito ang mga kaibigan niya at nung tumapat sa babaeng iyon ang mga lalaki ay hinawakan niya ang braso nung lalaki.
S'yempre tumigil ito sa paglalakad at nagtataka niyang tiningnan 'yung babae. Ilang segundo lang ay inabot nung babae ang paper bag sa lalaki at agad din namang tinanggap saka ito mabilis na umalis kasama ang mga kaibigan nito.
Muli akong napabuntong hininga nang itapon nung lalaki 'yung paper bag sa basurahan na nadaanan nila at sa kamalas-malasan nakita iyon nung babae. I'm sure she's definitely hurt.
Parang ako lang yata 'yung babaeng 'yon. Sana balang araw mabuksan na niya 'yung mga mata niya sa reality na hindi rin siya magugustuhan ng lalaking iyon.
Ang drama ko tuloy, nakaligtaan ko na tuloy na namimiss ko na ang kama ko. Kailangan ko ng umuwi, aalis na sana ako sa puwesto ko ng biglang may malamig na kamay ang pumulupot sa braso ko.
Napatingin ako sa kamay na iyon at base pa lang sa kutis niyon ay kilala ko na agad ang may ari niyon.
"Gusto mo magkape saglit?"
++
3:51 AM || 05/26/17
Just so you know it's my appa's birthday. Yieee.. Last 5 chapters na lang hehe
BINABASA MO ANG
★ [2] Chasing Chwe Hansol || Vernon [SEVENTEEN]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ "I want to blame you for hurting me, but then I remember that I was the one who chose to love you." ⇨[SEVENTEEN SERIES #2] ⇨Written in Filipino ⇨[Chwe Vernon ×× Kim Dahyun] ⇨Date Started: April 29, 2017 ⇨Date Finished: May 28...