Chapter TwelveDemi
--
What did I just said? Napayakap ako ng mahigpit sa unan ko sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko. Kaasar eh paulit-ulit 'yung huling sinabi ko sa kanya sa utak ko. It is totally cringe-worthy! Kumusta naman 'yon 'di ba? I should have kept that on my mind.
Hindi tuloy ako makatulog ngayon. Bahala na lang bukas, hindi porket okay na kami ni Vernon hindi ko na siya iiwasan. Iiwasan ko pa rin siya kasi ang main goal ko naman eh ang mag-move on sa kanya.
Saka may rason naman ako para umiwas sa kanya 'di ba?
Ah oo tama 'yon, kaya matutulog na ako. Kinabukasan maaga akong pumasok sa school para i-meet si Chae sa cafeteria. Dahil maaga, wala pang masyadong tao kaya maaliwalas ang paligid at napakatahimik.
Nakita ko sa dulo si Chae, may mga pancake, cheesecake, cupcake sa harap niya habang may sinusulat sa libro. So ito ang dahilan kung bakit niya ako gustong i-meet?
Agad akong lumapit sa kanya.
"Papatulong ka ano?" Bungad ko sa kanya, nahihiya siyang tumango sa akin. Umupo ako sa tapat niya at kinuha ang libro nang mabasa ko kung ano iyon ay kinuha ko ang ballpen at nagsimulang sagutan ang mga tanong.
"Pinanood mo ba 'yung movie na 'to?" Tanong ko sa kanya. Nahihiya ulit siyang umiling.
"Ni-search ko nga eh, pero di ko gets. Buti alam mo! Thank you talaga." Aniya, tumango na lamang ako at kumuha ng isang cheesecake. Habang sinasagutan ko 'yun kung ano-ano ang kinukwento sa akin ni Chae.
Buti nga at nakaka-concentrate pa ako sa pagsagot ng essay niya eh.
"Oo nga pala sabi ni kuya Wonwoo pumunta si Vernon sa inyo." Napahinto ako sa pagsusulat at umangat ang tingin ko sa kanya. Mariin na lamang akong pumikit, nakalimutan ko na 'yung nangyari kahapon eh. Sana hindi na lang niya nalaman.
"Nagdala siya ng maraming pagkain sa bahay para magsorry sa akin. Okay na kami actually." Walang ganang sabi ko sa kanya.
"Ooh? Sige sorry kung nabanggit ko pa." Mahinahon niyang sambit. Nginitian ko na lamang siya, hindi naman niya kasalanan eh.
"Okay lang pero sana hindi na natin siya pag-usapan." Sabi ko. Tumango siya.
Nag-iba na siya ng topic at pinagpatuloy ko ang pagsasagot. Nang matapos ay kanya-kanya ulit kami ng pasok sa first class namin.
Nang makarating ako sa classroom ay mariin akong bumuntong hininga. Kaklase ko si Vernon sa klaseng ito. First time kong hihilingin na sana absent sana siya ngayong araw.
Kahit ngayon lang.
Nawindang na lamang ako nang biglang may umakbay sa akin. Nanlaki ang mata ko nang magtama ang mata namin ni Vernon na nakangisi sa akin. What does he think he's doing?
"Hindi ka pa papasok?" Tanong nito sa akin. Agad ko namang inalis ang kamay niya sa balikat ko.
"Papasok pa lang." Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad akong pumasok sa loob. Umupo ako sa kadalasang upuan ko, nagtaka ako nang mapansin na naglalakad patungo sa akin si Vernon.
Wait? Huwag niyang sabihing dito siya sa tabi ko uupo?
"Hi seatmate." Bati niya sabay taas baba pa ng kilay niya, nasapo ko na lamang ang noo ko. Ngayon sabihin niyo sa akin, paano ako makakapagmove on niyan?!
"'Di ka naman umuupo dito dati ah? Balik ka na doon sa dati mong pwesto." Utos ko sa kanya ngunit umiling lamang siya ng nakangisi.
"Ayoko, gusto ko dito. Gusto ko malapit sa'yo." Pasimple kong kinagat ang ibabang labi ko nang hindi niya napapansin, muntik na akong ngumiti. Pakshet siya.
"Haist ewan ko sa'yo." Tinalikuran ko siya ng upo buti na lang at hindi na nangulit.
--
Vernon
Pagkatapos ng klase ay napansin kong mabilis na umalis sa tabi ko si Demi, nakita ko na lang siya na nakikipagsiksikan sa mga classmate naming palabas ng classroom.
Bumuntong hininga ako't napasandal sa upuan ko. Tingnan mo ang ginawa mong gago ka, iniwasan ka na tuloy. Kinuha ko ang backpack ko't sinakbit sa likod ko at nagmadaling lumabas ng room. Nilibot ko ang tingin ko sa hallway pero hindi ko na siya nakita pa.
Inis kong ginulo ang buhok ko. Nakakaasar!
Nagpunta ako sa gym para kitain 'yung mga kaibigan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung kinakailangan magpapatulong ulit ako sa kanila. Bahala na kung makatanggap ako ng suntok o kahit na anong masasakit na salita galing sa kanila.
Basta kailangan ko ng tulong sa kanila.
Nang makarating ako doon ay tumaas muna ako sa bleachers sa pinakataas saka ko tinext si Seungkwan at Hoshi pati na rin si Krisha. Hindi na muna ako papasok sa susunod na klase nawalan ako ng gana, naiinis kasi ako.
Maya-maya pa ay dumating na si Krisha kasama si Jun. Pinagtaasan ko ng kilay 'yung dalawa, si Krisha lang ang tinext ko. Bakit kasama pati siya?
"Anong kailangan mo sa girlfriend ko ha?" May halong pagbabanta na tanong sa akin ni Jun.
"Tsk.. Gago 'to. Kakausapin ko lang."
"Bro bakit mo kami pinapunta dito?!" Napatingin ako kay Seungkwan at Hoshi na papaakyat. Sinenyasan ko na bilisan nila, saglit lang naman 'to eh.
"So ano nga? Bilisan mo at may klase pa kami." Ani Hoshi.
Irita akong napakamot sa noo ko. Hindi ba sila pwedeng lumiban muna ng klase? Kahit ngayong period lang.
"Mamaya na kayo pumasok. Importante 'to." Sabi ko.
"Ano? Tungkol na naman kay Demi? Eh ba't kasi hindi ka pa umamin?" -Jun
"Oo eh." Nahihiyang sagot ko. Kung aamin naman ako baka mabigla ko si Demi. Alam ko naman kung bakit siya umiiwas sa akin eh, baka isipin niya na pinagtitripan ko lang siya kahit hindi naman.
"Oh so ano nga?" -Krisha
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Umiiwas na siya." Hindi ko naman alam na dadating 'yung araw na 'to. Hindi pa ako handa sa ganito.
"'Yan kasi. Papakatorpe kasi."
"Oh edi umamin ka na nga." Ulit ni Jun. Sinamaan ko siya ng tingin, hindi nga 'yon pwede.
"Ganito na lang, kung ayaw mong umamin sa kanya, magpakita ka ng motibo sa kanya. Feeling ko nagmomove on na 'yon sa'yo kaya habang maaga pa paguluhin mo ang utak niya. Tapos kapag nagtanong siya doon ka na umamin."
++
12:46 AM || 05/27/17
BINABASA MO ANG
★ [2] Chasing Chwe Hansol || Vernon [SEVENTEEN]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ "I want to blame you for hurting me, but then I remember that I was the one who chose to love you." ⇨[SEVENTEEN SERIES #2] ⇨Written in Filipino ⇨[Chwe Vernon ×× Kim Dahyun] ⇨Date Started: April 29, 2017 ⇨Date Finished: May 28...