Chapter 7: Weird

139 10 1
                                    


Chapter Seven

Demi

--

"Manong mabait napainit niyo na po?" Tanong ko sa kanya. Nagcut pa ako ng classes para sa sa pagkain na ito, malapit na rin lang naman ang lunch kaya habang maaga makuha ko na at mai-abot ko kay Vernonie ko ito.

"Ito na oh ganda." Inabot sa akin ni Manong Mabait ang tupperware na may laman ng spaghetti. Nagpasalamat ako sa kanya at inabangan ko ang pagdating ng grupo nila Vernon sa puwestong iyon.

Maya-maya pa ay tumunog na ang bell hudyat na oras na para sa lunch. Bumaling ako sa entrance ng cafeteria at sakto, nakita ko silang papasok. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa umupo na sila sa karaniwang puwesto nila.

Bago ako magtungo sa kanila ay paulit-ulit akong huminga ng malalim. Hindi ko gets kung bakit pero kinakabahan ako ng sobra sa gagawin ko. Hindi ko naman 'to nararamdaman noon eh, ngayon lang talaga. Weird right? Bahala na nga.

Ngayon pa ba ako magba-back out? I've been doing this for years bakit ngayon pa ako kinabahan ng ganito? Weird talaga.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong nakatayo sa harap ni Vernon. He was looking at me wondering.

"Bakit?" Tanong niya sa akin. Narinig ko ang mabilis na pagrigodon ng puso ko and pakiramdam ko nagiging jelly ace na rin ang tuhod ko. Ano mang oras ay babagsak na ako.

Nilapag ko ang tupperware sa harap niya and without any word agad akong umalis sa harap niya, hindi ko matiis feeling ko kasi babagsak ako sa sobrang panlalambot ng tuhod ko.

Agad akong naupo sa bakanteng upuan at hinilot ang tuhod ko. Ano bang nangyayari dito?

"What's happening to you ha? Bakit parang narayuma ka yata?" Hinilot ko ulit ang tuhod ko, bakit ba ang weird naman yata! Una kinakabahan ako ngayon nangatog ang tuhod ko sa harap niya. Takte eh 'no?

"Hey." Napaangat ang tingin ko. Nanlaki ang mata ko't agad na nag-iwas ng tingin sa kanya. Bakit ba nahihiya ako sa kanya ngayon? Nakakainis eh. Hindi ganito 'to noon!

"Oh?" I said trying to be calm in front of him. Nagulat ako nang ilapag niya sa harap ko ang tupperware na binigay ko sa kanya. Bakit niya binabalik sa akin ito?

"Why? Ayaw mo ba? Hindi ko naman 'yan nilagyan ng gayuma." Umiling siya at akma na sanang aalis pero mabilis kong nahagip ang braso niya. No he can't do this to me. Niluto ko 'to para sa kanya, nag-cut ako ng classes para sa pagkain na 'to para sa kanya tapos ibabalik niya lang?

"Hindi ko kakainin 'yan Demi." Aniya, para akong tinusok ng kutsilyo sa dibdib nang sabihin niya 'yon. Oh tapos nasasaktan na ako sa sinabi niya. I usually laugh or set this aside pero ngayon nasasaktan ako.

Hanep naman.

"J-just please get it. I-itapon mo kung gusto mo basta huwag mong ibabalik sa akin." Sabi ko nang hindi siya tinitingnan sa mata, pakshet nasasaktan ako eh. I hate this feeling. Naiiyak tuloy ako.

Kinuha ko ang tupperware at binigay ulit iyon kay Vernon. Gladly he took it at pagkatapos no'n ay agad akong tumayo at naglakad palayo sa kanya. Nararamdaman ko na kasi ang pamumuo ng luha ko.

This is bad.

--

Pagkatapos mangyari iyon prinactice ko talaga na hindi mangyari iyon ulit sa pamamagitan ng pagbibigay kay Vernon ng pagkain araw araw tuwing lunch. Pero hindi ko talaga makalma ang sarili ko kapag kinakabahan na ako, tinatago ko na lang iyon by being jolly in front of him, katulad ng dati.

Buti na lang at hindi napapansin ang kakaibang nangyayari sa akin. Swear kapag nagtanong sila ng tungkol dito, hindi ko alam kung anong isasagot sa kanila.

Dala-dala ko naman ngayon ang fries ng Mcdo. Tinamad kasi ako kaninang magluto eh kaya nag-order na lang ako ng fries, alam ko naman na paborito niya ito eh kaya hinding hindi niya ako matatanggihan. He will never do that.

"Uy fries! Pahingi naman niyan!" Dudukot na sana si Hoshi ng isa kaso mabilis ko itong nailayo sa kanya. Hindi siya pwedeng kumain nito kasi para lang naman 'to kay Vernon ko eh, papayag lang ako kapag sinabi niya.

"Damot!" Nakangusong reklamo niya, hindi ko na lang siya pinansin at nilagay ang isang large fries sa harap niya. Katulad ng parati niyang ginagawa ay pinamimigay niya lang iyon sa mga kaibigan niya at aaminin kong nasasaktan ako sa ginagawa niyang 'yon. Tinatago ko na lang para hindi niya mahalata besides alam niya na sanay na ako sa pangba-busted niya sa akin.

Ang kaso lang kasi ngayon, hindi na ako manhid at nasasaktan na ako and yet I just wanted to continue this. Sa huli makukuha ko rin naman ang gusto ko 'di ba? Vernon will fall for me rin 'di ba? Paghihirapan ko ito hanggang makuha ko ulit siya and this time I will make sure that it is worth the chase.

He will like me the way I like him, I won't give up. I will definitely pursue my dream and he is my dream.

"Salamat talaga kaibigan!" Tuwang tuwa namang sambit ni Hoshi, nirolyohan ko siya ng mata. Nasayang na naman ang pera ko haist. Hanggang kailan kaya niya ako tatanggihan?

"Demi mag-usap nga tayo sandali." Tumayo si Vernon at hinila ako palayo sa mga kaibigan niya. Nang makarating kami sa parte ng cafeteria na walang masyadong tao ay doon niya ako binitawan at hinarap.

Nang tingnan niya ako sa mata, wala akong ibang nakitang expression sa mukha niya kung hindi ang iritasyon.

"Will please stop?" He frankly said. Literal na bumagsak ang balikat ko, and I was more hurt now. He's asking me to stop.

"Bakit? Ayaw mo ba? You get free foods everyday without wasting your money." Nakangiting sabi ko. No I mean scratch that--forced smile.

Sinapo niya ang kanyang noo at mariing umiling. I can clearly see irritation in his expression at mas lalong sumasakit ang puso ko. Huminga na lamang ako ng malalim, come on Dems you can manage this right? Sanay ka ng masungitan ni Vernon dapat kaya mong i-handle 'to.

"It's not that Demi. Ginagawa mo ba 'to para balikan ka? No, hindi na mangyayari 'yon kasi hindi naman kita gusto eh. I don't like you please mind that." After that he left me leaving my mouth hanging.

Namalayan ko na lamang na tuloy-tuloy na pala ang pagpatak ng luha sa mata ko. This is crazy.

++

1:25 AM || 05/23/17

★ [2] Chasing Chwe Hansol || Vernon [SEVENTEEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon