Chapter 8: Thoughts

148 13 2
                                    


Chapter Eight

Demi

--

Saturday ngayon at wala kaming pasok. Gusto ko sanang bisitahin si Vernon sa kanila kaso bigla kong naalala 'yung mga nangyari kahapon. It's still fresh, pakiramdam ko nadaplisan 'yung puso ko sa mga katagang binitawan niya kahapon.

I don't like you please mind that.

Yes I know, from the very start. Simula nung una kaming nagkita, alam ko na hindi niya ako gusto. Kung paano niya ako tingnan noon alam ko na kasi wala akong nakitang kahit anong appreciation sa mga mata niya. And guess what? Iyon ang pinaka unang dahilan kung bakit ako na-curious sa kanya.

First time na may nang-snob sa kagandahan ko. Starting from curiosity I found myself liking him for that reason, challenge kasi iyon. Simula nung highschool ako I can easily get the guy I like pero nung siya na 'yung nagustuhan ko para siyang malaking bato na ang hirap hilahin palapit sa akin.

Gusto ko siya pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko siya makuha-kuha.

And now we're in college, hirap pa rin talaga ako sa kanya. That is why I keep on chasing him, hindi ko na pinansin pa 'yung pride ko para sa kanya. Mukha akong desperada? Low class ako? I don't care, basta makuha ko lang si Vernon okay na ako.

And now hindi ko alam kung anong nangyayari pero unti-unti akong nagkakaroon ng delakadesa sa sarili. Nahihiya na tuloy akong iharap sa kanya ang mukha ko.

Noon wala naman akong pake sa ganito, wala akong paki sa iniisip ng tao sa akin at sa kung ano ang tingin sa akin ni Vernon, ngayon tila ba nagbago ang ihip ng hangin kasi nakaramdam ako bigla ng hiya.

So this is the feeling. Grabe ang panget sa pakiramdam.

Hayyy... Napatingin ako sa paper bag na nakalagay sa harap ko. Should I give this to him? Binili ko 'to kahapon after class kasi baka sa bagay na 'to lumambot ang puso niya at bawiin niya ang sinabi niya kahapon sa akin.

It's a hawaiian shirt, mahilig siya sa ganitong damit. I remember nung pumunta ako sa bahay nila noon, nakita ko 'yung closet niya noon na punong puno ng ganitong shirt kaya baka kahit papaano kapag binigay ko sa kanya 'to biglang lumambot ang puso niya.

I'm so genius right? Tama pupunta na ako sa kanila. Lumabas na ako ng bahay bitbit ang paperbag, kinuha ko ang bike sa garahe at agad na sumakay roon. Hindi naman gano'n kalayo ang bahay nila sa amin, kaya kaya pa rin naman ng bike ko iyon.

Habang nagba-bike nakita ko ang grupo ni Sarah, Sarah is her name from what I remember. They were looking at me, hindi ko sana sila papansinin pero iba kasi ang tingin sa akin nung babaeng 'yon.

Hindi ko na lang sila pinansin pa but one of them just threw a coke in can! Tumama iyon sa pisnge ko kaya natumba ang bike na sinasakyan ko. Kasabay na pagtumba ay ang pagtama ng binti ko sa semento.

To think na nakashorts ako. Nakadagan na sa akin ang bike ko at nakaramdam ako ng hapdi sa binti, nung tiningnan ko hindi lang gasgas ang inabot ko. May sugat na at ang malala pa ay dumudugo na. Agad akong umalis sa bike ko at nagfocus sa sugat na tinamo ko.

Mga baliw na mga babaeng 'yon! Para saan naman 'tong ginawa nila sa akin? For sure this is all about Vernon, sinasabi ko na nga ba't may gusto ang Sarah na 'yon sa kanya eh.

"Masakit ba?" Umangat ang tingin ko sa babaeng nagtanong niyon. Imbes na sagutin ay inikutan ko na lamang siya ng mata. Bwisit, napaka nonsense ng tanong niya. May sugat bang hindi masakit? Ang hina naman ng utak ni Sarah.

"'Yan ang napapala ng pathetic na gaya mo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay humalakhak siya kasama ng mga kaibigan niya.

"Desperada, hindi ko alam kung bakit ka nagustuhan ni Vernon eh. Mestisa ka lang, hindi ka maganda. Siguro nilandi mo lang kaya pumatol siya sa'yo." Dagdag pa nito. Kung hindi lang ganito ang sitwasyon ko baka kanina ko pa siya sinampal sa mukha eh. Hindi na lang ako sumagot sa kanya.

"Wait what is this?" Nanlaki ang mata ko nang kunin niya ang paperbag na para kay Vernon. Akma ko sanang aagawin sa kanya pero agad niyang nailayo sa akin. Hayop na babaeng 'to.

"Akin na nga 'yan! Hindi 'yan para sa'yo!" Sigaw ko sa kanya. Sinubukan kong tumayo pero 'yung isang kaibigan niya tinulak ulit ako paupo. Wala na akong nagawa nung binuksan ni Sarah ang paper bag at nilabas ang shirt.

"Wow hawaiian shirt! Para kay Vernon ba 'to?"

"Akin na nga sabi 'yan eh!" Sigaw ko sa kanya pero ngumisi lang siya.

Tuso talaga ang babaeng 'to kapag ako nakatayo dito bubugbugin ko talaga ang pagmumukha niya.

"Anong nangyayari dito?" Sa hindi kalayuan nakita ko si Seungkwan at Hoshi, nakapangbahay lang sila tapos may hawak silang junk food at pepsi. Nagmamadali namang binalik ni Sarah ang damit sa paper bag at binato sa akin pabalik iyon.

Nang makalapit sila ay tila nagbago ang personalidad nila. From bitchy to pabebe.

"Ah tinutulungan lang namin siya." Sabi ni Sarah at nilahad sa akin ang kamay niya. Sinenyasan ako ng isa niyang kaibigan na sumunod kay Sarah pero nginisian ko lamang siya. Sinong lolokohin nila? Sila Seungkwan? Ako? Pakshit pala sila eh.

"Oo nga, we were just helping her, bigla kasi siyang natumba eh."

"Hindi kasi yata siya marunong mag-ingat."

Tumingin sa akin si Hoshi, I know sa tingin palang niya tinatanong na niya ako kung totoo ba 'yung sinasabi ng mga 'to.

Mariin akong umiling sa kanya at tinabig ang kamay ni Sarah na nakalahad sa akin.

"Bitch, stop pretending." Sabi ko, naglaho ang fake smile sa labi ni Sarah at napalitan ito ng kunot noo.

"Pretending? Ikaw na nga tinutulungan ikaw pa ang magagalit. What are you?"

Napailing na lamang ako't tumayo. "You just threw a can on me para matumba ako, you just called me pathetic and desperada and now na binabaliktad mo ang kwento, paanong hindi ako magagalit?" Pananartiko ko sa kanya. Bumaling ako sa direksyon nila Hoshi at Seungkwan na parehong nakangisi. I can say that they are amazed from what they are watching. Wala pa yata silang balak na tulungan ako.

"Liar!" Sigaw niya sa akin.

"Liar? Akala niyo ba hindi namin nakita ni Hoshi ang ginawa niyo sa babaeng 'to? Nagkakamali kayo girls." Untag ni Seungkwan.

"At makakarating ito ngayon na kay Vernon dahil sinaktan niyo ang kaisa-isang babaeng pinapahalagahan niya bukod sa nanay niya." Banta naman ni Hoshi.

Nagsihintakutan ang mga babae kaya agad silang umalis sa harap namin ng gano'n gano'n na lang. Natawa't napailing na lamang ako hindi lang dahil sa reaction nila pati na rin sa sinabi ni Hoshi.

Talaga bang ako ay ka-isa-isahang babae na pinapahalagahan niya bukod sa nanay niya? Naaah.. That's super duper hilarious.

"Saan ka ba? Hatid ka na namin."

"Doon lang sa bahay ng kaibigan niyo."

++

5:02 AM || 05/24/17

A/n: what a cruel world we have. *sigh* I'm slowly losing hope. Peace will not be possible already.

★ [2] Chasing Chwe Hansol || Vernon [SEVENTEEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon