Chapter FifteenDemi
--
5 minutes...
15 minutes...
30 minutes...
Hindi na ako pumasok sa sumunod na klase ko. Hanggang ngayon nagtatalo pa rin ang isip ko kung sisiputin ko ba si Vernon sa taas o huwag na lang. Kasi kung pupuntahan ko siya, parang sinasabi ko na payag ako.
Kapag hindi malaki ang panghihinayangan ko. 30 minutes na ang nakalipas, naghihintay pa kaya 'yung hilaw na iyon? Siguro hindi na. Napabuntong hininga na naman ulit ako at napaisip.
Sige ganito, pupuntahan ko siya sa taas ngayon, kapag nakita ko siya, bibigyan ko siya ng second chance, kapag hindi ko naman siya nakita, it means wala talaga kaming pag-asang dalawa ni Vernon.
Oh sige, ganoon na lamang ang gagawin ko at dapat lang na pasalamatan ako ng taong 'yon at hindi ko na tinuloy ang pagmo-move on sa kanya.
Tumakbo ka agad ako sa elevator buti na lang at saktong nagbukas ito at ako lang ang taong sasakay. Salamat naman at solo ko ang elevator, mag-iisip pa kasi ako ng sasabihin ko sa kanya.
Nakailang practice na ako sa sasabihin ko pero ni isa man lang sa na-practice ko ay wala akong nagustuhan. Haist, just go with the flow na lang basta gano'n na lang.
Nang makarating ako sa top floor ng school ay agad akong lumabas ng elevator at napatingin sa pinto kung saan papunta ang rooftop. Napakatahimik ng paligid kaya ramdam na ramdam ko na nagwawala sa loob ng katawan ko ang puso ko.
Nang makalapit ako sa pinto, dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto. Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko, nakatayo lang naman sa dulo si Vernon at mukhang may balak pang tumalon! Teka magpapakamatay ba siya?
Gusto ko siyang sigawan para bumaba siya doon kaso baka magulat at bigla siyang mahulog! Gago talaga siya! Hindi ito ang inaasahan ko sa kanya ah?!
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nung nasa likod na niya ako saka ko hinawakan ang kamay niya sabay hila ko sa kanya pababa. Nang bumagsak siya sa semento ay saka ko siya pinagsusuntok sa balikat!
Gago siya! Gago! Gago! Ayaw ko sa lahat eh 'yung pinag-aalala ako! Kung balak niyang tumalon sana hindi niya ako tinawag dito para ma-wittness ko ang pagkamatay niya!
"Aray tama na! A-aray! Demi!" Patuloy ko pa rin siyang sinasaktan hanggang sa namalayan ko na lamang na naiiyak na pala ako. Paano na lang kung nawala nga siya? Paano kung tumalon siya d'yan?
Hindi ko kaya 'yon!
"Huwag mo akong ginagago Vernon! Hindi nakakatuwa!" Sigaw ko sa kanya saka ako napaupo sa semento. Niyakap ko ang tuhod ko't sinubsob ko roon ang mukha ko, ang iyakin ko talaga!
"Sorry na Demi, h-hindi naman kita ginagago eh. Totoo 'yung sinabi ko sa'yo." Narinig kong sabi niya, nung sinubukan niya akong hawakan ay tinabig ko ang kamay niya. Nakakainis siya kasi pinag-alala niya ako, saka hindi naman 'yung sinabi niya ang tinutukoy ko eh.
'Yung pagpapakamatay niya! Panggagago 'yon para sa akin at naiinis ako sa kanya kasi pinaiyak niya ako.
"Kung balak mong magpakamatay hindi mo na sana ako tinawag! Ano 'yon? Gusto mong makita kong mamatay ka ha? Eh tarantado ka pala eh!" Sinapak ko ulit siya ng paulit ulit sa balikat niya. Hinayaan niya lang na gawin ko 'yon hanggang sa mapagod ako at muli na namang umiyak.
This time nilapitan na niya ako't niyakap ng mahigpit. Napapikit ako sa init na nararamdaman ko, pakiramdam ko nagiging okay na ako.
They are right, nakakakalma talaga ang yakap ng isang taong sobrang halaga sa'yo and now I am feeling it right now. Sobrang sarap sa pakiramdam na si Vernon na mismo ang yumakap sa akin.
"Hindi naman ako magpapakamatay eh, as long as you're alive, I am not going to die. I will be with you forever." Pinahid ko ang luha sa pisnge ko't humiwalay sa yakap niya.
While looking at him I found myself smiling. Hindi ko maipaliwanag ang ngiting nakapaskil ngayon sa labi ko, yes ngumingiti ako noon dahil kay Vernon pero ibang ngiti ang nararamdaman ko. Ngiting kinalulugod ko, satisfying..
Siguro dahil siguradong sigurado na ako na may gusto din sa akin 'tong ilang taon ko ng hinahabol. Siguro dahil sa wakas ay nasuklian na rin 'yung sobra sobrang binibigay ko sa kanya. Siguro dahil mahal ko siya at mahal niya rin ako.
Siguro dahil masayang masaya ako.
"Ano na ba tayo ngayon Demi?" Tanong niya sa akin. Ano na kami ngayon?
"Gusto kong manligaw ka sa akin." Nakangising tugon ko, nawala naman ang ngiti sa labi niya't bumusangot.
"Kailangan pa ba 'yon? Mahal naman kita eh." Humalukipkip ako't pinagtaasan siya ng kilay. So porket mahal niya ako? Eh sa ayaw ko eh, gusto ko paghirapan niya akong makuha.
Saka gusto kong maranasan maligawan ng isang Chwe Hansol a.k.a Vernon. Ipagkakait niya pa ba ang gusto ko?
"Kung ayaw mo edi walang magiging tayo." Sabi ko, akma na sana akong tatayo para umalis doon kaso bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"Joke lang! Ito naman hindi mabiro. Sige na liligawan na kita." Sabi niya, ngumiti ako ng malawak sa kanya at hinila siya patayo.
Akala ko hanggang pangarap na lang na liligawan ako ng isang 'to, hindi ko inakala na magkakatotoo. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit at muli na naman siyang hinila.
Since nililigawan na niya ako, he'll do everything that I wanted him to do. Saka excited na akong patunayan at iparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya habang hinihintay namin ang pagtaas ng elevator dito sa top floor. Ngumisi lamang ako sa kanya.
Since gutom na ako, sa cafeteria kami pupunta and he's going to treat me. Tutal rich kid naman siya eh.
"Pakainin mo ako ng maraming maraming pagkain." Sabi ko na lamang na ikinanga-nga niya.
Well he can't reject me. I'm his master from now on.
++
6:57 PM || 05/28/17
Tapos naaaa yehet! Epilogue na lang hahaha
BINABASA MO ANG
★ [2] Chasing Chwe Hansol || Vernon [SEVENTEEN]
Fiksi Penggemar✔ C O M P L E T E D ✔ "I want to blame you for hurting me, but then I remember that I was the one who chose to love you." ⇨[SEVENTEEN SERIES #2] ⇨Written in Filipino ⇨[Chwe Vernon ×× Kim Dahyun] ⇨Date Started: April 29, 2017 ⇨Date Finished: May 28...