Chapter FourDemi
--
Marahas kong kinamot ang ulo ko sa inip. Nasaan na ba 'yung hilaw na iyon? Ano bang klase ng boyfriend siya? Mahigit isa't kalahating oras akong naghihintay sa kanya dito sa 7/11 ha? Sinasabi ko na nga ba! Sa susunod nga ako naman ang magpapa-late sa date namin.
Ako ang babae, ako dapat ang hinihintay, hindi 'yung naghihintay. Kapag talaga wala pa siya rito ng 10 minutes kakalbuhin ko talaga siya.
Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at sinubukang tawagan siya ulit kaso ngayon, cannot be reached na ngayon. Nanggigil kong sinilid sa aking bag ang cellphone, ngayon parang pinatayan pa ako.
Makikipagbreak na talaga ako sa kanya, nakakainis siya. Pumalumbaba ako't huminga ng malalim ng paulit ulit. Ewan ko naiiyak ako sa inis, naiiyak ako kasi pinaghihintay niya ako.
Akala ko ba gusto niya akong maging girlfriend? Kasi kung oo hindi niya ito gagawin sa akin. Wala siyang kuwentang tao!
Paalis na sana ako ng marinig kong bumukas ang pinto ng 7/11. Si Vernon papasok sa loob pawisan at gulong-gulo ang buhok. Napatingin ako sa suot niya, he's wearing his pajamas!
Napatingin naman ako sa suot kong dress. Aba't magaling, naghanda ako para sa kanya, tapos siya hindi.
"Demi sorry! Kagigising ko lang." Sabi niya nang makalapit siya sa akin. Hindi ako kumibo instead pinasadahan siya ng tingin mula paa hanggang ulo.
Infairness kahit ganito lang ang suot niya gwapings pa rin. Well...
PERO KAHIT NA! NAG-AYOS AKO PARA SA FIRST DATE NAMIN TAPOS GANITO?! GANYAN LANG ANG ISUSUOT NIYA?!
KALOKO! ANG SAKIT NIYA SA BANGS!
"Pinaghintay mo ako ng isa't kalahating oras tapos ganyan lang ang suot mo? Seriously? You're going on a date with me, wearing only a plain white shirt and pajama? Ewan ko sa'yo." Kinuha ko ang sling bag ko't sinakbit sa balikat at nagsimulang maglakad palabas ng 7/11.
"Okay, kung ayaw mo sa suot ko, huwag na lang natin ituloy 'tong date." And the way he speaks, parang ayaw talaga niya akong maka-date ah? Ginirlfriend pa niya ako. Ang galing.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Kung ganito lang naman pala ang mangyayari, it's better to break up with him. Parang mas okay pa yata sa akin 'yung hanggang crush ko lang siya.
"Magbreak na lang tayo, kung ganito din lang ang nangyayari." Sabi ko, hinintay ko siyang sumagot. Baliw na kung baliw pero umaasa ako na sana hindi siya sumang-ayon sa gusto ko. Na sana hindi siya pumayag na hiwalayan ko siya.
Ang gulo ko hindi ba? Makikipagbreak tapos umaasa ako na sana hindi siya sumang-ayon sa pakikipagbreak ko sa kanya.
Oh sige ganito na lang, kapag sumang-ayon siya edi gora! Break na kung break, pero kapag hindi siya sumang-ayon, edi continue kahit nakakainis siyang boyfriend.
"Edi sige." Sabi niya, kumunot ang noo ko, so gano'n na nga talaga. Pang isang araw lang ang itatagal ng relasyon namin. Magaling.
"Okay." Kibit balikat kong sabi. Aalis na sana ako nang may maalala ako. Kailangan niyang pagbayaran ang oras na pinaghintay niya ako!
"Teka lang pala." Nagtaka siya sa sinabi ko kaya huminto rin siya sa paglalakad palabas dito.
"Dahil pinaghintay mo ako ng matagal dito. Kailangan mo akong ihatid sa bahay namin, bilhan mo na rin ako ng ice cream at tubig, plus fries sa Mcdo." Taas-baba ang kilay ko habang sinasabi iyon. Mariin na napapikit si Vernon, tsk. Wala siyang choice.
"Haist ibang klase ka talaga! Sige na kumuha ka na ng tubig at ice cream d'yan." Tila naiinis pa niyang sabi.
Sinamaan ko siya ng tingin, bakit ako pa ang kukuha? Siya na, siya naman ang gagastos eh. Nang mapansin niyang hindi pa ako kumikilos ay pinanlakihan niya ako ng mata.
"Oh ano pang tinatayo-tayo mo d'yan? Kumuha ka na." Utos niya sa akin. Magaling talaga! Uutusan pa ako eh 'no?
"Kung ikaw kaya ang kumuha? Ikaw naman ang gagastos 'di ba?" Sabi ko sa kanya.
"Bakit ako ba ang makikinabang Demi? 'Di ba ikaw naman ang kakain?" Katwiran pa niya. Nasapo ko na lamang ang noo ko. Kahit na ano! Siya ang gagastos, siya dapat ang kumuha at pinaghintay niya ako ng matagal dito kung magbe-break rin lang pala kami.
Hay naku!
"Excuse me Vernon ha? Pagkatapos mo akong paasahin na magtatagal 'tong relasyon natin tapos paghintayin dito ng matagal uutusan mo akong kumuha ng gagastusin mo?" Oo na kahit wala ng konek 'yung pinagsasabi ko, basta maipagtanggol ko lang 'yung nasa isip ko ano! Kailangan niyang pagbayaran 'yung oras na pinaghintay niya ako sa pamamagitan ng pagsunod sa gusto ko.
"Ewan ko sa'yo." Untag niya saka siya padabog na pumunta sa dulo at kumuha ng ice cream at tubig habang ako nakacross-arms lang na pinapanood siya. Aba talaga siya pa may ganang magdabog ha?
Ako lang dapat kasi pinaasa at pinaghintay niya ako tapos mauuwi lang sa break up? Ewan ko d'yan sa lalaking 'yan.
Nang makapagbayad na siya sa counter ay padabog niya ulit inabot sa akin 'yung plastic. Kina-career talaga ng lalaking 'to ang pagkainis niya ha? Wala siyang karapatan!
Paglabas namin sa 7/11 bumungad sa amin ang motor niyang naka-park. Kinuha niya ang isang helmet at isinuot 'yon saka niya binigay sa akin 'yung isa.
Gusto ko sanang kiligin kasi pinaghandaan niya ang magiging first date sana namin kaso wala eh, epic ang relasyon namin.
One day relationship lang.
"Sakay na, pupunta pa tayong Mcdo." Sabi niya, agad naman akong sumakay sa likuran niya at walang ano-anong kumapit sa tagiliran niya. Kahit na break na kami hindi ko pa rin itatangging crush ko siya.
Habang nasa biyahe ay kinakain ko ang ice cream, kung itatanong niyo kung paano? Basta ang alam ko nakakapit ako sa tagiliran niya habang 'yung isa ko pang kamay ay hawak ang ice cream at malaya ko iyong kinakain.
'Di ko alam kung bakit nababalanse ko ang sarili ko, siguro dahil nand'yan si Vernon. Safe kasi ako kapag nand'yan siya.
Nakarating kami ka agad sa pinakamalapit na Mcdo, hindi agad ako bumitaw sa kanya kasi feel ko pang yumakap sa kanya eh. Ganito na lang kaya kami magdamag?
"Bitaw na. Nandito na tayo." Napakunot ang noo ko nang marinig ko ulit ang malamig na boses niya. Ano ba 'yan eh nag-e-enjoy pa ako sa kakayakap sa kanya eh.
Ako ang unang bumaba sa motor niya saka padabog kong inalis ang helmet sa ulo ko. Kainis eh, hindi ba niya ako pagbibigyan? Kahit ilang minutes na gano'n lang. Tutal break na kami, kumbaga last hug lang, ay este first and last hug lang.
Napansin ko na lang na papasok na pala si Vernon sa loob kaya agad kong binitbit sa gilid ko 'yung helmet at sinundan siya.
"Grabe hindi ka man lang maghintay." May himig na pagtatampong wika ko, binalingan niya lang ako ng tingin saka siya pumila.
"Dalawang large fries na kunin mo." Nakangiting sabi ko. Gulat na tiningnan niya ako. "Seryoso? Kaya ka tumataba eh." Pang-aasar niya, sinamaan ko siya ng tingin, magbiro na siya ng kahit ano, huwag lang 'yung tumataba ako!
"Excuse me? Ako mataba? Mabilis ang metabolism ng katawan ko. Hindi ako mabilis tumaba." Katwiran ko. Nagkibit balikat na lamang siya.
Nang mabili na niya 'yung fries na pinapabili ko sa kanya ay agad din kaming lumabas. Sinuot ko na 'yung helmet.
"Ano pa gusto mo?" Biglaang tanong niya. Actually wala na akong gustong kainin eh.
"Ikaw, hihi." Pero siya gusto ko.
++
3:14 PM || 05/01/17
BINABASA MO ANG
★ [2] Chasing Chwe Hansol || Vernon [SEVENTEEN]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ "I want to blame you for hurting me, but then I remember that I was the one who chose to love you." ⇨[SEVENTEEN SERIES #2] ⇨Written in Filipino ⇨[Chwe Vernon ×× Kim Dahyun] ⇨Date Started: April 29, 2017 ⇨Date Finished: May 28...