Chapter 13: Peace Offering

189 9 0
                                    


Chapter Thirteen

Demi

--

Nagtataka kong kinuha ang nakalagay na box sa upuan ko. What is this? Regalo ba 'to? Kung regalo 'to bakit hindi man lang nakabalot? It's just a plain box. Baka naman bomba 'to? Or may nakalagay na ahas, ipis o kung ano.

Kinuha ko iyon at nilagay sa armchair. I swear kapag inatake ako sa puso kapag binuksan ko 'to. Papatayin ko talaga ang naglagay nito sa upuan ko.

"Whoah.. Is that yours?" Lumingon ako, nandito na naman siya kaasar. Kailan ba ako tantanan ng taong 'to.

"Obviously, may pangalan ko pa nga eh." Sabay turo doon sa pangalan kong naka-doodle pa. Tumango-tango si Vernon saka niya kinuha 'yung box. Without my permission he opened it, sumilip ako at nawindang. Kinuha ko ang mga pictures na kinuha siguro nung highschool ako.

Puro candid ang mga pictures ko at sino naman ang may gawa nito? For sure isa sa mga schoolmate ko rin lang noon ang gumawa nito.

"Effort." Narinig kong bulong niya habang tinitingnan ang ibang pictures sa box. Napabuntong hininga na lamang ako, oo nga effort. Buti pa 'tong tao 'to nag-effort pa na kuhanan ako ng litrato tapos ibibigay sa akin. Habang siya ni mag-alala lang hindi pa niya magawa.

Binalik ko na sa box ang mga pictures at gano'n din ang ginawa niya nung dumating na 'yung professor namin. As usual nagturo lang siya at 10 minutes recitation before niya kami i-dismiss.

Tinanggap ko na rin pala na palagi ng uupo sa tabi ko itong si Vernon. Salamat naman at itong klase lang kami magkaklase. Oo na engot na kung engot pero wala na akong paki. Just go with the flow na lang, hindi na ako magmomove on kasi ang hirap eh.

Parang katumbas ng move on ang diet. Sobrang hirap i-achieve ng main goal kaya huwag na lang. Bahala na kung anong mangyari.

Pagkatapos ng klase ay sinakbit ko ka agad sa balikat ko ang shoulder bag ko at nagmartsa palabas ng classroom hawak hawak ang box na binigay sa akin ng hindi ko kilala. Hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko na ka agad ang presensiya niya.

Pasalamat sa pabango na gamit niya na sa pagkakaalam ko ay binigay ko sa kanya noon. Nakakapagtaka na ngayon niya lang ginamit, bumuntong hininga na lamang ako at hinayaan siya na sumabay sa akin sa paglalakad.

Bahala siya I won't talk to him.

"Nagustuhan mo ba 'yang hawak mo?" Napatingin ako sa hawak ko. Ito ba 'yung tinutukoy niya? Itong box? Bakit sa kanya galing 'to?

"I-ikaw?" Gulat na tanong ko, kasi kung sa kanya galing 'to. Ibig sabihin? Or baka trip niya lang? Ni minsan naman hindi ko siya nakitang may hawak na camera, paminsan minsan lang din naman niyang hinahawakan ang cellphone niya ah?

"Ah? A-ako? Uhm ano kasi.. Peace offering ko sa'yo." Pakiramdam ko biglang bumagsak ang balikat ko. Disappointed as fuck? I won't deny. Akala ko naman kaya niya ginawa 'to kasi gusto niya rin ako since kinuha niya ang mga pictures na 'to since highschool kami tapos peace offering lang pala niya ito sa akin.

Pero teka lang.. Napapaisip ako eh, bakit niya ako kinukuhanan ng pictures noon? Bakit? Alam na ba niya noon pa man na mangyayari ito? Nakikita niya ang future? Aba't hindi na tuloy ako naniniwala sa kanya.

Ito? Peace offering 'to? Nung isang araw ko pa siya pinatawad ah?

"Niloloko mo ako." Inis na sabi ko at mabilis na tumalikod sa kanya. Buti na lang at hindi na niya ako hinabol para kulitin kasi kung hindi isusupalpal ko 'tong box na 'to sa pagmumukha niya.

Anong akala niya sa akin? Slow? Siya yata 'yon eh, hindi marunong mag-isip ng irarason. Sapakin ko siya d'yan eh.

Haist! Ka-stress siya!

--

Wait? Ano kayang jacket ang susuotin ko ngayon? Gusto ko 'yung pang japorms. 'Yung magmumukha akong badgirl. Naghalungkat ako ng jacket nang mapansin ko sa dulo 'yung red checkerd. Hmm.. Ito maganda.

Kinuha ko iyon at agad na sinuot. Humarap ako sa salamin at inayos iyon, tumitig ako sa sa salamin, bahagya akong napakunot noo. Bakit reflection ni Vernon ang nakikita ko? Mariin akong pumikit at kinusot ang mata ko. Pagtingin ko sariling reflection ko na ang tinititigan ko sa salamin.

Bakit kaya nangyari 'yon? Weird. Napailing na lamang ako at akma na sana akong lalabas ng kwarto ko nang kusang nagbukas ang pinto. Bumungad sa akin si mama.

"Bilisan mo, may sundo ka sa baba."

Ha? Anong sundo? Si Chae ba? Kahit nalilito ay sumunod na ako kay mama sa baba. Kumunot ang noo ko nang makita ko si Vernon sa baba na naghihintay.

Seriously?

Nang mapansin na niya kami ay bumaling ang tingin niya sa akin. Lumawak ang ngiti sa labi niya nang makita ako at hindi ko siya maintindihan kung bakit. Kaasar ba't ako kinikilig sa mga ngiti niyang 'yon.

"Nice jacket eh?" Napatingin ako sa jacket na suot ko at doon ko lang na-realize na kay Vernon nga pala itong suot ko! Kaya ba siya ang nakita ko sa salamin kanina? Kaya ba malawak ang ngiti niya? Haist! Bakit nakalimutan ko?

"Teka magpapalit lang ako." Tatakbo na sana ako pabalik sa kwarto nang higitin niya ang kamay ko at hinila palabas ng bahay. Sa tapat ng bahay ay nakaparada ang kotse niya, pinagbuksan niya ako ng pinto at hindi na ako nagpakipot pa, pumasok na ako't hinintay siya.

Nang makasakay na siya ay agad niyang pinaandar ang kotse. Nanatili akong nakatingin sa kanya, iniisip ko bakit niya ginagawa 'to? Hindi ko siya ma-gets eh. Kung kailan gusto ko na siyang huwag mahalin saka siya nagpapapansin.

Katulad ba 'to ng mga story at movies na 'yung lalaki naman ang maghahabol sa babae kapag na-realize na nilang gusto na pala nila 'yung babaeng araw-araw silang ginugulo noon?

Ayokong mag-conclude ka agad na gano'n nga siguro ang nararamdaman niya kasi first of all, kaya na ako tumigil sa kagagahan ko sa kanya kasi ayoko na. Saka it's so impossible na magkagusto siya sa akin in an instant. Sobrang impossible.

"Alam mo? Hindi mo naman ako kailangang sunduin, wala naman akong sinabi sa'yo at bakit mo ba 'to ginagawa?" Sumulyap siya sa akin at sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya.

"Peace offering."

Peace offering. Sabi ko nga.

++

12:39 AM || 05/28/17

★ [2] Chasing Chwe Hansol || Vernon [SEVENTEEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon