Chapter One
Demi
--
Malalim na buntong hininga ang binuga ko nang mabalitaan ko na hindi makakasipot ngayong araw si Vernon sa laban nila sa basketball dito sa village namin.
Sayang naman nagpaganda na ako't lahat lahat. Gumawa pa ako ng poster para sa kanya, at naghanda pa ako ng cheer para i-cheer sana siya. Kaso wala eh, hindi raw siya dadating.
Bagsak ang balikat kong umupo sa bleachers dito sa open gym ng village. Pinaglaruan ko na lang 'yung illustration board at bumusangot lalo nang mabasa ko 'yung pangalan niya.
Nalulungkot na naman ako sa hindi niya pagdating. Paano nasayang 'yung effort ko plus hindi ko siya makikita ngayong araw. Nakakalungkot talaga.
"Demi!" Walang gana kong tiningnan ang bestfriend kong si Chae na kumakaway sa baba, tinatawag niya ako obviously para pumunta doon. Tumango na lamang ako't bumaba na roon.
Pagkababa ko inabot niya sa akin 'yung red checkerd na jacket na hawak niya. Agad kong nafamiliarize ang jacket na iyon.
"Oh ayan hawakan mo muna. Nagpapalit na 'yung labidabs mo ng jersey niya." Sumilay ang abot matang ngiti sa labi ko. Sabi na eh, hindi ako bibiguin ni Vernon, sabi na nga ba at hindi niya ako matitiis!
"Salamat Chae! Ako na ang magbibigay nito sa kanya!" Tuwang tuwa na sambit ko at niyakap ito ng mahigpit.
Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tama ko sa hilaw na 'yon eh ang sungit sungit naman sa akin tapos pagdating kay Chae ang bait bait.Basta ako na ang magbibigay nitong jacket niya mamaya sa kanya para magkaroon ako ng chance na makalapit sa kanya.
"Chae!" Napalingon kaming dalawa ni Chae nang marinig namin ang malamig na boses na tumawag sa kanya. No other than my Leonardo Di Caprio. Mas lumawak pa ang ngiti sa labi ko nang masilayan ang mukhang kanina ko pa hinahanap.
"Chae nasaan na 'yung jacket ko?" Tanong niya sa kaibigan ko, ngumuso sa akin si Chae saka ako nilingon ng future hubby ko. Joke ni Vernon kasi 'yon.
"Akin na." Walang ganang sabi niya at akma na sana niyang kukunin sa akin pero mabilis kong nailayo iyon sa kanya.
"Gagamitin mo na ba? 'Di ba maglalaro ka pa?" Tanong ko sa kanya.
"Akin na nga 'yan sabi." Muli niyang tinangkang kunin sa akin kaso muli ko ulit iyon nailayo sa kanya.
"Bakit nga kasi? Alangan naman na susuotin mo 'to habang naglalaro."
"Aish! Ang kulit! Ipapahawak ko na lang 'yan sa iba!" Iritang sambit nito sa akin.
"Eh bakit pa? Ako na may hawak oh? Ipapahawak mo pa sa iba. Ang choosy mo naman. Ibabalik ko din naman sa'yo 'to eh." Sabi ko.
Marahas na napakamot sa ulo si Vernon at inirapan ako.
"Bahala ka na nga!" Aniya at tumalikod sa akin. Binigyan ko ng ngiting tagumpay si Chae na tumatawa na pala sa likuran namin.
"Ang galing ko talaga 'no?" Puri ko sa sarili ko.
"Oo ikaw na talaga Demi!" Ginulo ni Chae ang buhok ko at nagsimula ng maglakad papunta sa bleachers para manuod ng laban nila.
--
"Gooooo Vernon labidabsss! Kaya mo 'yan!" Hinugot ko pa mula sa kasuluk-sulukan ng lungs ko ang boses ko maisigaw lang ang mga katagang iyan. Last minute na at si Vernon ang may hawak ng bola. Kapag naka-shoot siya automatic na ang village na namin ang panalo.
"Aish ang ingay!" Reklamo ng katabi ko, pinagtaasan ko siya ng kilay. Maingay? Ignorante yata ang babaeng 'to. Malamang mananalo na ang team namin at malamang sa alamang ay mag-iingay kami.
Imbes na patulan siya ay hindi ko na lang pinansin. Napatingin ako sa court at saktong na-shoot ang bola na kanina'y hawak ni Vernon. Bumalot sa buong open gym ang tilian ng mga kapit bahay namin nang manalo kami sa basketball ng dahil kay Vernon maylabs.
"PANALOOOOO KAMIIIIII!" tuwang tuwa na sigaw ko na sinamahan pa ng pagtalon.
"Demi kalma!" Pilit akong pinapaupo ni Chae pero hindi ko mapigilang matuwa ng sobra sa pagkapanalo namin. I'm so proud with my crush! Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya.
"PANAAALO TAYO CHAE! PANALO TAYO!" Muli kong sigaw.
"Alam ko kaya umupo ka na d'yan." Aniya, sinunod ko ang sinabi niya at inayos ang buhok kong nagulo. Uminom na din ako sa bottled water ko nang makaramdam ako ng pagkirot sa lalamunan ko ng dahil sa kakatili ko.
"Tara sa baba, salubungin natin sila kuya." Kinuha ko ang jacket ni Vernon at ang bottled water saka ako sumunod kay Chae na bumaba. Pagkababa namin, agad kaming lumapit sa kanila.
S'yempre kay Vernon ako unang lumapit. Nakaupo siya sa monoblock habang pinupunasan ang pawis sa mukha niya gamit ang face towel na nakalagay sa likod niya kanina.
Ang gwapo talaga niya, nakakainis naman oo. Ayan tuloy naging crush ko siya over and over.
"Congrats Vernon!" Sa wakas ay nasabi ko na rin ang kanina ko pang gustong sabihin.
Tumingin siya sa akin. "Salamat." At muli niyang pinagpatuloy ang pagpupunas sa pawis niya. Init na init na siguro siya, saka baka tuyo na lalamunan niya. Kailangan niya ng tubig.
"Gusto mo ng tubig?" Hindi pa siya um-oo ay inabot ko na sa kanya ang tubig. Napangiti ako nang tanggapin niya ang bottled water na pinag-inuman ko kanina.
Pinanood ko siyang buksan ang bottle at kung paano niya ubusin ang laman no'n. Sayang nilagyan ko sana ng gayuma para ma-inlove din siya sa akin, katulad ng pagka-inlove ko sa kanya.
Next time na nga lang.
Napatingin naman ako sa jacket na hawak ko. Ang ganda nitong jacket baka pwede kong hingiin sa kanya ito. Pang remembrance lang sa araw na ito, saka kahit papaano may gamit niya ako kahit isa lang na pinaghirapan kong kunin.
"Ah Vernon?"
"Oh?" Inangat niya ang tingin sa akin habang pinupunasan niya ang likod niya.
"Pa-arbor nitong jacket." Nakangiting sabi ko. Napahinto siya sa ginagawa niya at pinagtaasan ako ng kilay.
"Ayoko. Akin na nga 'yan." Bigo kong nailayo sa kanya 'yung jacket. Bumusangot ako sa sobrang pagkadismaya, 'yung jacket lang naman ang hinihingi ko eh.
"Sige na, 'yan lang naman eh. Remembrance lang." Nakangusong sambit ko.
Nasapo niya ang kanyang noo. "Demi hindi naman ako artista na pwede mong kabaliwan." Aniya sa mahinahon na boses.
Kabaliwan? Mukha na ba akong baliw sa kanya? Teka nga iyon ba ang nasa isip niya?
"Hindi ako ba--"
"Oh. Ingatan mo na lang 'yang jacket." Sabi niya sabay bato sa akin, pinagmasdan ko na lang siya habang papalayo sa akin.
Teka hindi ako baliw sa kanya ano! Baliw na lalaki. Crush ko lang siya, bawal ba 'yon? Haist! Ewan ko sa kanya, basta ang mahalaga binigay niya sa akin itong jacket.
++
2:57 PM || 04/29/17
BINABASA MO ANG
★ [2] Chasing Chwe Hansol || Vernon [SEVENTEEN]
Fanfic✔ C O M P L E T E D ✔ "I want to blame you for hurting me, but then I remember that I was the one who chose to love you." ⇨[SEVENTEEN SERIES #2] ⇨Written in Filipino ⇨[Chwe Vernon ×× Kim Dahyun] ⇨Date Started: April 29, 2017 ⇨Date Finished: May 28...