chapter 4

48 0 0
                                    

MARK: ahh.... ( tanging sabi nito )

TIN: naku, sorry...

MARK: next time you should look out your way...

TIN: sory na nga eh!!! di ko sinasad----

Di ko na natuloy pa yung sasabihin ko dahil sa sobrang gulat ng makita ko sya... Nabigla ako, hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o its true talaga... Im just wondering... Lgi na lang kaming pinagtatagpo ng tadhana... I dont know if this is true...

Parang sobrang tahimik ng lugar at feeling ko, kaming dalawa lang ang nandun... Sobrang titig na titig ako sa kanya... Pero nabasag ang katahimikan na yun ng biglang magsalita yung lalake...

MARK: miss, are you okay???

TIN: yeah!!! ( nakatulala pa rin ako sa kanya )

MARK: ah, miss.... pwede bang----?

Ibig nyang sabihin ay kung pwede daw ba akong lumayo sa kanya.... Nakadikit kasi yung mga katawan namin nun eh!!! AT sobrang dikit talaga....

KTIN: ( agad akong lumayo ng pagkakadikit sa kanya ) ah, sorry ulet....

Nagtataka naman yung lalake... Iniisip nya siguro na nababaliw na ako... Nakatulala kasi ako sa kanya at nakangiti pa ako kahit walang dahilan... Na turn off siguro sya kaya dalian syang umalis ng lumabas ng canteen...

Napansin naman ng kaibigan kong si angelika na nakatulala ako kahit lumabas na yung gwapong guy... Kaya tinapik nya ako sa balikat.

ANGEL: huy!!! ( tinapik nya ako. )

TIN: aray naman.

ANGEL: halika na nga.. Baka isipin pa ng mga tao dito na nababaliw ka na...

Di ko napansin na nakatingin na pala sa akin yung mga tao sa loob ng canteen. Napakagat ako ng labi sa sobrang hiya...

Nang mag-uwian na kami ( 6 pm. ).....Patago kung sinundan yung cute na guy pauwi sa kanila. Naglakad lang sya kaya naglakad na rin ako... Sa pagsunod ko sa kanya ay mukhang naghihinala na yata sya na parang may sumusunod sa kanya...

Lumingon sya sa likuran... Buti na lang at may puno malapit sa kinatatayuan ko.. Kaya dalian akong nagtago dun. Saka nagpatuloy sa paglalakad yung cute guy. Lumabas naman ako sa puno...

TIN: aray... ( kinakamot ko yung braso ko. ) grabe... ang dame palang langgam dun...

Di ko alam na pinagkakagat na pala ng mga langgam yung braso ko. Kaasar.... Puno ng mangga pala yung tinaguan ko, kaya pala ang dami ng langgam.

Saka pinagpatuloy ko din ang paglalakad ko at sinusundan sya....

Sa di kalayuan ay lumingon na naman sya sa likuran... Buti na lang at may poste malapit sa akin..

At nagtago ulit ako...

MARK: Wala naman...

Sa di kalayuan ay may tumawag kay anthony...

REX: Pare!!! ( sigaw nito. )

MARK: huy, rex... Ikaw pala.

REX: Sino ba sa tingin mo? Teka, anong ginagawa mo dito sa labas?

Habang sa kinatatayuan ko naman....

TIN: labas??? ( pagtataka sa isip ko. )

SA kinatatayuan naman nung lalake...

MARK: Para kasing kanina pa may sumusunod sa'kin...

REX: ( tumingin ito sa likuran ni anthony. ) wala naman, ha!!?

MARK: Para kasing-----

REX: Hay, naku pare... Gutom lang yan. Pumasok ka na nga sa loob ng bahay nyo....

Nasa harap lang pala yung bahay niya... Akala ko malayo layo pa... 

Sa kinatatayuan ko naman...

TIN: Dyan lang pala yung bahay nya... Grabe, mUla school hanggang dito. Ang layo naman ng bahay ng lalaking to! 

( Napatingin ako sa relo ko. ) Naku! alas otso na pala... Kailangan ko ng umuwi.

Nang makaalis yung kaibigan nya. Ay pumasok na sya sa loob ng gate nila kaya pagkakataon ko na para umuwi. Baka pagalitan na ako ng mommy ko...

Nung pagkapasok nung lalake ay kinapa nya yung kwentas nya. Laking gulat nya ng mapansin nya na wala na pala yung pendant nya. Hinanap nya ito at lumabas uli ng bahay para hanapin ang nawawalang pendant nya....

Kung saan- saan nya hinanap. Iniisa isa nya yung mga semento sa may gate nila.

Pauwi na ako nung oras na yun. Pero sa kasamaang palad ay nung pagkalingon ko ay meron palang isang malaking aso sa likuran ko... Nang mga oras na yun ay takot na takot ako. Baka bigla akong sakmalin ng asong yun...

TIN: eeh!!! Anu ba yan? Ang malas naman oh!!! ( takot na sbi ko. ) ( binalingan ko yung aso. ) Doggie, behave, 

just stay here... Wag ka munang gagalaw ha!!! 

Habang sinasabi ko yun ay nanginginig na yung mga tuhod ko... Grabe, lalo na nung tumahol bigla yung aso... Doon na ako natakot kaya mabilis akong tumakbo. Hinabol naman ako ng asong yun kaya tili ako ng tili...

Nahanap nung lalake yung pendant nya malapit sa may gate... Nang marinig nya akong sumisigaw at ang tahol ng isang aso...

MARK: oscar, stop!!! ( sabi nito sa aso. )

Agad namang tumalima yung aso... Ako ay takbo pa rin ng takbo hanggang sa magkabunggo uli kami nung lalake....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~''

UPDATE :d 

-SECRET ME 

Crush--to--Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon