Gabi na... At malapit na mag-umpisa ang awarding... Hintay ng hintay si angel pati si mrs. navarro sa mga representative ng school na sina christine at mark...
MRS. NAVARRO: Hindi pa ba dumadating yung dalawa...
hindi naman alam ni angel kung ano ang idadahilan nya...
ANGEL: Ahh... Hindi pa ma'am eh!! Pero tinxt ko na si christine... Hindi pa rin po sya nagrereply eh!!!
MRS. NAVARRO: Hayy... naku... Ano bang nangyari sa dalawang yan??
Sobrang init na ng ulo ni mrs. navarro dahil sa dalawang yun...
Maya-maya ay dumating na si mark... Nagulat naman si angel dahil ang buong akala nya ay di ito darating...
ANGEL: mark??!! ( Nagulat ito. )
MARK: O, bakit parang nagulat ka ata?
ANGEL: Ahh... W-wla... Akala ko kasi hindi ka aattend eh!!
MARK: Pwede ba naman yun?? E, napaka importanteng araw nito para sa'kin eh!! ( Ngumiti ito. ) Teka, nga pala... asan si christine?
ANGEL: Ha!!? Yun nga yung problema eh!! Hindi pa sya dumadating... Baka nga hindi pumunta yun eh!!
MARK: Ganun ba? ( bigla itong nalungkot. ) Siguro ayaw na nya talaga ako makita...
ANGEL: ( kinomfort nito si MARK. ) Wag ka mag-alala... Sigurado ako na balang araw mapapatawad ka din nya... Bka di nga lang ngayon...
MARK: Sana nga...
Maya maya ay nagsimula na din yung awarding... Hindi naman mapakali si mark at palinga linga ito at hinahanap si christine.. Nagbabakasakali sya na baka dumating si christine... Pero wala talaga at hindi ito dumating... Hanggang sa tawagin sya...
HOST: And the best painting is finalist number............ Finalist number 5, The sebastian high school...
Masaya ang lahat ng mga taga sebastian high sa nakamit na award... Umakyat si mark sa stage para tanggapin ang award... Atsaka nag speech ito...
MARK: First of all, Gusto ko po magpasalamat sa sebastian high for this oppurtunity... At sa isang tao na nagbigay inspirasyon sa'kin para gawin itong frame na to!!! At sya rin yung nagbigay kulay sa buhay ko...
Nangingilid ang luha ni mark habang sinasabi nya yun... Saka agad syang bumaba ng stage baka dun pa bumagsak yung mga luha nya......
ANGEL: Congrats ha!! Alam mo kung nandito lang si christine... I'm sure that she was so proud of you... Kaya wag ka ng malungkot dyan...
Ngumiti naman si mark... Pero sa loob loob nya ay gustong gusto na nyang makita ulit si christine...
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
abangan yung last chapter. :)
-abisrlv