chapter 15

18 0 0
                                    

TIN: Ano?!

MARK: Pwede ba kitang ligawan? Kung okay lang sa'yo?

TIN: Seryoso ka ba?

MARK: Mukha ba akong nagbibiro??? Kung ayaw mo, okay lang sa'kin...

Saka tumalikod ito... 

TIN: Teka, may sinabi ba akong ayaw ko??? Ang bilis mo naman sumuko...

MARK: ( agad itong lumingon. ) Talaga?? Ibig sabihin....

TIN: Oo na... Payag na ako na ligawan mo ko...

Sa sobrang saya ni mark ay akmang yayakapin nya si tin... Pero si tin ang umiwas...

TIN: Oopss... Di ba nanliligaw ka pa lang... Kaya wala mo ng hug...

MARK: Naku, sorry... Masaya lang ako... 

TIN: Sige na... Umuwi ka na ,oh... Gabi na...

MARK: Sige...

Akmang papasok na sana ako pero bigla na naman nya akong tinawag...

MARK: CHRISTINE...

TIN: ( Lumingon ulit ito. ) Bakit na naman?

MARK: Ammp... Wala bang goodbye kiss...

TIN: Aba, ha!! E, hindi pa nga tayo noh! Atsaka magkikita pa tayo bukas noh!!

MARK: Sige na... Parang lucky charm ko na rin...

TIN: Ganun ba?? Sige na nga...

Nag flying kiss ito kay marK... Nagtaka naman si mark kung bakit yun lang...

MARK: Teka, Ganun lang???

TIN: Aba, bakit nagrereklamo ka?

MARK: Ah, hindi naman pero hindi pa kasi sapat yun eh!!!!!

TIN: Ganun??

Nag flying kiss uli ito ng ten times... Sinalo naman ito ni mark at niyakap...

TIN: O, ayan na ha!!! Sige na... Ingat ka na lang...

MARK: SIge...

Akmang papasok na ulit ako pero tinawag na naman nya ako....

MARK: tin...

TIN: Ano na naman???

Nagulat na naman sya ng bigla na lang syang halikan sa pisngi ni mark...

MARK: Sige, bye...

Saka tumakbo ito...

Pumasok naman sa loob ng bahay si tin at napasandal nya yung ulo nya sa pintuan nila... Aminado sya na kinilig sya sa ginawa ni mark... Hinimas nya yung kabilang pisngi na hinalikan ni mark... Atsaka ngumiti sya...

Pareho din ng naramdaman ni tin at mark.. Kinilig din sya... Habang naglalakad sya ay nakatingin sya sa langit at iniisip si tin... At nakangiti pa sya na abot hanggang tenga...

CHRISTINE'S SIDES>>>

Habang nasa kwarto ako... Iniisip ko pa rin yung mga magandang nangyari ngayong araw na ito... Sa pagkakataong ito, hindi ko na kayang pigilan pa yung puso ko... Mahal ko talaga sya... Kahit nung una pa man... Hindi ko pa rin sya nakakalimutan... At may tiwala ako sa kanya, alam kong hindi nya ako sasaktan...

STORY SIDES>>>

Kinabukasan... Sabay pumunta ng canteen sina tin at angel... Napansin ni angel na parang masaya ata ngayon si tin kaya pinuna nya ito...

ANGEL: Masaya ka ata ngayon.... Bakit? Ano bang news ngayon ha!!! Share ka naman...

TIN: Ano ba sinasabi mo dyan??

ANGEL: Asus, kunwari ka pa... Para namang hindi ko alam na nagkakamabutihan na kayo ni marK noh!!! Sya ba yung 

dahilan ng mga ngiting yan???

TIN: Tama ka... Sya nga yung dahilan???

ANGEL: Bakit? Dahil inlove ka na sa kanya? O dahil nagbalik na naman yung feelings mo sa kanya...

TIN: Ewan ko ba... Kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko para bang ayaw pumayag ng puso ko...

ANGEL: Alam mo, hindi naman kayang pigilan ang puso eh!! Basta, payo ko lang sa'yo... Wag mo masyadong ibigay lahat... 

Magtira ka para sa sarili mo... Para hindi ka masyadong masaktan...

KRISTINE'S SIDES>>> 

May point si angel... Pero sa tingin ko din hindi nya ako sasaktan... Kaya binigay ko sa kanya lahat ng tiwala ko... Kasi mahal ko sya...

Crush--to--Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon