SA CANTEEN...
ANGEL: Congrats ha! Kasali ka sa painting contest... Galingan nyong dalawa ni mark...
TIN: Galingan ka dyan?? E ayoko nga sumali eh! Kainis naman kasi si maam eh! Kailangan pang mamilit...
ANGEL: Asus... I know na excited ka para bukas noh!!
TIN: D ha... Excited ka dyan... Im not excited... Lalo na at makakasama ko yung lalakeng yun...
ANGEL: Ano namang masama dun?
TIN: Ano ka ba? talagang masama noh!! Kasi pano ko sya maiiwasan kung bawat araw, bawat oras... Lagi ko syang makakasama...
ANGEL: Bakit mo naman siya iiwasan??
TIN: Di ba nga ikaw may sabi sa'kin na iwasan ko sya?
ANGEL: Aba, wala akong sinabi na ganyan sayo ha!!
TIN: Sinabi mo kaya yun...
ANGEL: Alam mo, wala namang reason para iwasan mo sya,eh! Pwera na nga lang kung talagang may feelings ka pa nga sa
kanya ??
TIN'S SIDE<<<
Sa palagay ko tama si angel... Bat ko naman sya lalayuan kong talagang wala na nga akong feelings sa kanya... Pero hindi... Wala na akong nararamdaman sa kanya... At hinding hindi na ako magkakaroon ng kahit na anong feelings para sa kanya... That's my promise...
TIN: Wala noh!!! Wala akong feelings para sa kanya! ( tanggi ko. )
ANGEL: Then, wag mo sya iwasan...
Hindi pa rin ako mapalagay nun... Ano ba talaga ang dapat kong gawin???
Kinabukasan... Orientation namin para sa painting contest... Maaga akon pumasok sa school... Pero yung kapartner ko wala pa rin... Nasan na kaya yun? Late na sya sa usapan ha!!!
TIN: Asan na kaya yun???
Halos kalahating oras na syang late... Tingin ako ng tingin sa relo ko nun eh!! Kainis ayaw ko pa naman sa lahat ay yung pinaghihintay ako....Pagkabilang ko ng lima at di pa sya dumating... Bahala na sya sa buhay nya...
TIN: One,... Two,... Three,... Four,...
Naka apat na ako pero wala pa rin sya...
TIN: Five.......
Tapos ko na ang pagbibilang kaya aalis na ako... Bahala na sya sa buhay nya...
Papaalis na sana ako pero may biglang tumawag sa'kin...
MARK: Sandali.....
Napalingon ako nun... Saka natukoy ko na sya na pala yun... At dumating pa talaga siya ha!!! Lumapit sya sa akin...
TIN: 30 minutes and 25 seconds ka ng late... At dumating ka pa talaga ha!!!
MARK: Sorry... Nakalimutan ko yung oras eh!!!
TIN: Siguro ka date nito yung girlfriend nya... Aba, ha!!! Mas inuna pa nya yung pakikipagdate... ( sa isip ko. ) Nakalimutan
ha!! Alam mo, lumang dahilan na yan... Kalahating oras muna akong pinaghihintay dito eh!!! ( Galit na sabi ko sa
kanya. )
MARK: Sorry na nga eh!!!
Napatitig ako sa mga magaganda nyang mga mata... Grabe, parang bang gusto ko na syang patawarin agad... Pero hindi... Hindi ako magpapadala sa kanya...
KRISTINE: Sorry mo mukha mo... ( akmang aalis. )
Tinalikuran ko sya at akmang aalis na sana ako ng biglang----
MARK: Teka, Bakit ba ang init ng dugo mo sakin? May nagawa ba akong kasalanan sa'yo?
Lumingon ako sa kanya...
TIN: Kasi masyado kang pa importante... Pinaghintay mo lang kaya ako dito. Tapos ang init init pa...
MARK: Kaya nga nagso sorry ako di ba? Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko??
Nakita ko naman na sincere talaga sya sa paghingi nya ng sorry...
TIN: Talaga lang ha!!! ( sa isip ko. ) Talaga?? Gagawin mo ang kahit na ano?
MARK: Oo... Just to forgive me...
TIN: Okay... Ilibre mo ko ng snack mamaya pagkatapos ng orientation...
MARK: O sige ba... O, ano? Bati na tayo ha!!
TIN: ummp... Sige na nga... ( ngumiti. )
Ngumiti din si mark... At ayun dumiretso na kami sa orientation.. Pagkatapos ay nagparegister na kami para sa contest... Matapos yun ay nilibre nya ako sa isang food court....
