chapter 6

30 0 0
                                        

Pag-uwi ko ay madilim ang bahay at nakapatay na yung ilaw at i'm sure na tulog na si mommy... Nasa subdivision kasi kami.. Pero pagpasok ko ay biglang may nagbukas ng ilaw... Nandun lang pala si mommy sa may sofa.. Yan tuloy, puro sermon ang inabot ko sa kanya...

ISAY: San ka nanggaling?? Bakit late ka na umuwi?

TIN: Gud evening mom... ( Humalik ako sa pisngi ni mommy. ) May practice kasi kami sa

school eh!! ( pagsisinungaling ko. )

ISAY: Para san naman yang practice na yan?

TIN: ahmm... Para sa...... Para sa school program namin...

Muntik na ako dun ha... Buti na lang nakaisip ako ng dahilan...

ISAY: Are you sure??

TIN: of course, ma...

ISAY: e, bakit ganyan yung itsura mo...? Ang dungis dungis mo. Para kang bata.

TIN: ha?! Syempre nga po.. Nagpa practice kami.. 

Lumapit ako kay mommy at naglambing ako para hindi na sya magtanong pa.. Niyakap ko sya ng mahigpit.

TIN: Kayo talaga, ma. Masyado kayong mabusisi...

ISAY: Aba dapat lang.. Baka ako pa malagot sa daddy mo noh! ( pagbibiro nito. )

TIN: ( ngumiti ako. ) Ang importante po nakauwi na ako... At walang nangyari sa akin..

Kung hindi baka nawalan na kayo ng isang magandang anak... ( pagyayabang ko. )

Sa bahay naman nila anthony. Sabay sila ng lola nya na kumain ng hapunan.

MARK: Ang sarap ng luto nyo, la.

LOLA: Naku, nambola ka pa.. Teka nga pala, apo. Sino yung babaeng kausap mo kanina sa

labas? Girlfriend mo ba yun, apo. Bakit hindi mo muna ipatuloy dito para makakain sya.?

MARK: ho? Hindi ko ho girlfriend yun. ni hindi ko nga po sya kilala eh! Nakita ko lang po sya

na hinahabol ni oscar.

LOLA: Dapat talaga laging nakatali yan si oscar eh! Baka mamaya bigla pa yang mangagat...

MARK: La, mabait po si oscar... Hindi po yun nangangagat. At lalong hindi po yun

nanghahabol ng walang dahilan. Pwera na lang po kung magnanakaw. Syempre

hahabulin nun.

LOLA: Pero dapat lagi pa rin syang nakatali. Hindi yung gumagala sya dyan..

MARK: Atsaka, la. Nagdududa ako dun sa babaeng yun e. At sabi pa nya pinagtitripan daw

sya ni oscar. ( sabay tawa nito. )

LOLA: Atsaka nga pala, apo. May tumawag pala kanina dito. Patricia daw?

MARK: Talaga ho? Kailan po sya tumawag.?

LOLA: Kani- kanina lang. Yung may kausap ka sa labas...

MARK: Sayang naman... Hindi ko man lan sya nakausap. ( Lumungkot ang mukha nito. )

At ako ang dahilan kung bakit di nya nakausap kanina si patricia...

Kinabukasan... Recess time namin ni angelika. Ikinuwento ko kay angelika lahat ng mga nangyari kagabi...

ANGEL: HAHAHAHA.... ( tawa ito ng tawa. ) Talaga? Hinabol ka ng aso nila!! ( Tumawa ito

ulit. )

TIN: OO... Teka, Bat ba tawa ka ng tawa..Ano bang nakakatawa??

ANGEL: ha?! Wala... Walang nakakatawa.

Ngumisi pa ito. Kainis talaga. Ang lakas nito mang asar. Napa fountain lips na lang ako.

ANGEL: Alam mo ang lakas talaga ng tama mo noh!

TIN: Ano naman ngayon? Sulit naman yung ginawa ko noh!!!

ANGEL: Ang magpahabol sa aso. At magtago sa puno na maraming langgam... Haha... Baliw ka na

talaga.. Alam mo, may kilala akong psychiatrist. ( pang-aasar nito. )

TIN: he!!! Tumigil ka nga..... Ang saya ko nga kagabi eh! Magkalapit na magkalapit yung mukha

namin. At take note, ang bango bango nya... Konti na lang talaga yung pagitan ng mga labi 

namin eh! ( Ngumiti ito. ) At kung hindi ako nag effort na gawin yun.. E di hindi ko nalaman

yung name nya.

ANGEL: Bakit? Ano ba name nya? ( excited na tanong nito. )

TIN: Umm... Anthony,.. Ang ganda ng name noh!!

Kwento sya ng kwento kaya di nya namalayan na papalapit na sa kinauupuan nila si anthony...

MARK: Bagay na bagay sa kanya yung name nya. Gwapo na, matangkad at matipuno pa ang

katawan...

ANGEL: Uy...

Pinipigalan nya si kristine dahil nakita nya si anthony na nasa likod ni kristine. Pero wala pa ring tigil ito sa pagsasalita.

TIN: Wala na talagang mkakapantay sa kanya. Halos kasi lahat ng mga schoolmate natin puro

bansot saka payatot o kaya mga matataba. Sya lang talaga yung naiiba... hAy... Anthony...

ANGEL: Hi!!! ( bati nito kay anthony. )

MARK: Talaga bang gwapo sya.? ( tanong nito kay kristine. )

Asusual, Wala pa ring malay si kristine na nasa likod na nya ang taong kanina pa nya ikinikwento.

TIN: Hindi lang gwapo. Napaka gwapo. Kaya nga crush ko sya eh!

MARK: Talaga??

Lumingo ito sa likuran...

TIN: oo nga...

Saka tumingin uli kay angelika pero pagkatingin nya kay angelika ay biglang nanlaki yung mga mata nya sa nakita nya sa kanyang likuran si anthony... Humarap sya uli dito...

Crush--to--Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon