chapter 7

29 0 0
                                    

Napanganga uli si tin ng makita si mark...

MARL: Crush mo pala ako ha!!

Nahiya si kristine sa mga sinabi ni anthony... Nakakahiya naman talaga yun eh! Kung ikaw marinig ng crush mo na pinaguusapan sya. Siguradong mas nakakahiya yun....

TIN: s-sino naman nagsabi sayo? ( tanggi nito. )

MARK: ( ngumiti ito. ) Ikaw... Di ba ako yung pinaguusapan nyo??

TIN: Hindi noh!!! ( tanggi nito. )

MARK: Narinig ko kaya yung pangalan ko habang nagsasalita ka...

TIN: Hindi nga ikaw yung pinaguusapan namin noh!! Teka, Ikaw lang ba yung anthony sa

mundo? ( muling tanggi nito. )

MARK: ( ngumisi ito. ) e, bakit alam mo pangalan ko?

TIN: e, di ba sabi mo narinig mo pangalan mo sa pinag uusapan namin.? E, mark lang

naman yun pangalan na binanggit ko noh! Atsaka hindi ikaw yun... YUng pinsan yun

ni angel. ( pagsisinungaling nito. )

Nagulat naman si angel ng madamay sya sa usapan...

TIN: di ba, angel?

ANGEL: ha? ( nagulat ito ng masali ang pangalan sa usapan. ) ahh... oo...

MARK: Ganun ba? A-akala ko kasi-------

TIN: Na ikaw yung pinaguusapan namin.? ( dugtong nito. ) Alam mo, hindi ka naman namin

kilala noh! bakit ka naman namin pag-uusapan?

Sabay hila nito kay angel para lumabas ng canteen... Naiwan namang napahiya si mark.

Sa room naman nila tin....

ANGEL: Kawawa naman yung tao. Pinahiya mo sya kanina... Ikaw kasi, nagsinungaling ka pa eh!

TIN: Alangan namang sabihin ko sa kanya na " Oo mark... Ikaw yung pinag-uusapan namin" . Tiyak na mang aasar na naman yun.

ANGEL: Bakit? Di ba totoo?

Hindi na lang ito umimik... sa palagay nya ay tama si angel. Mali yung ginawa nya.

ANGEL: hay, naku tin... Ewan ko talaga sayo....

Maya maya ay pumasok na sa room si mark... Agad na itong sinulyapan ni tin. Nang maramdaman naman ni mark na parang may nakatingin sa kanya ay napalingon sya sa room nila kristine. Nakita nya si tin na nakatingin sa kanya.

Agad naman na umiwas ng nakatingin si kristine. Nang hindi na nakatingin si mark ay sinulyapan uli sya ni tin... Na konsensya tuloy bigla ito dahil sa ginawa nyang pagpapahiya kay mark.

Uwian na... Nauna na yung ibang section umuwi. Isa isa na ring nag uwian yung mga kaklase ni tin...

ANGEL: uy, halika na. Uwi na tayo...

TIN: Sige na. Umuwi ka na. Kailangang ko pang tapusin to! Baka pagalitan pa ako ni maam.

Nung oras kasi na yun ay pinag lilinis si kristine ng room...

ANGEL: Sigurado ka??

TIN: ( Tumango ito. ) Sige na, umuwi ka na...

ANGEL: Sige, basta ingat ka ha!!!

Ngumiti lang ito.....

====================================================

sorry late upload =))

Crush--to--Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon