Tricia’s POV
After 2 Days nakabalik na din kame ng Pampanga from Baguio, naging maayos naman yung stay namin dun, nagkaroon kame ng family time at bonding together.
Masaya din ako dun sa nangyare na after a long time nakausap ko ulet si DJ. Oo tama ang basa mo ULET.
Hindi ko kagad nasabe sainyo na kilala ko na si DJ matagal na, Ayoko ko kase ipagmalake sa lahat na kababata ko si DJ, Isipin pa nila nagsisinungaling ako ngayo’t pang walang naalala si DJ sa nakaraan niya.
Kababata ko siya oo. Kase magkaibigan yung mga magulang namen.
Magkababata pero nung simula ng maaksidente sina DJ hindi na namen ulit sila nakita dahil nagpunta na sila ng America para mka recover ng maayos si DJ,
At yun after ilang years bumalik na sila dito at yun nga pinasok na ni DJ yung pag aartista,
Ipinaliwanag na din saken nina mommy yung sitwasyon ng family nila at ni DJ.Na wala nga naalala si DJ, Madalas ko naman nakikita yung family ni DJ kapag may formal dinner sila kasama sina mama pero hindi naman siya lage sumama kaya hanggat ngayon hindi ko pa siya nakikita, Kayo ganun nalang ako kadesperado na Makita siya ulet
Paano pa niya ako maalala diba lalo na ngayong sikat na siya.. Kaya kahit papano sinusubaybayan ko padin siya bilang fan niya. Ayoko na magpakilala sa kanya baka maguluhan pa siya.
Basta ang alam ko ibinigay niya saken itong kwintas na to kase nung mga bata pa kame sabe niya eto daw poprotekta saken, Ang baduy nga niya nun at corny kase mga bata pa kame pero iningatan at inalagan ko itong bagay na ibinigay niya saaken,
Hindi na ako makapag hintay, sana Saturday na. Eto kase yung araw na pinaka importante saken
Birthday ng Mama ni king at invited kame ng family ko at yung family ni DJ, Sana nalang talaga makasama siya para makita ko na din siya.
Magpapakilala lang naman ako as a fan eh, Hindi ko naman sasabihin na magkakababata kame at may pinagsamahan kame kahit papano, kahit gusto ko man sabihin yun mga yon. Siguradong mahihirapan lang niya akong intindihin..
Friday 11AM
SM PAMPANGA.
Tricia’s POV.
Andito kame ngayon ni King at Erica nagpasama ako sakanila para bumili ng susuotin ko bukas sa Birthday ng mom ni DJ. Normal na at sanay na sila na nagpapasama ako saknila sa tuwing may bibilhin kase kanino ba naman ako magpapasama? Mom and Dad lage nasa work lage out of town dahil sa mga business trips ang dalang ko nalang nga sila makita eh, Only child naman ako wala ako kapatid na pwede tumulong saken,
Mga tita ko naman sympre busy din naman sa kanila kanyang buhay, Mga pinsan ko naman ayos lang kaya medyo ayaw ko sila kasama lalo na si ellaine na bruhilda na kontrabida sa buhay ko, Kaya nakasanayan ko ng nagpapasama sa mga kaibigan ko na si Erica and King.
Ayun at sawakas nakabili nadin ako ng dress na isusuot, O medyo pinaghandaan ko talaga yung mga magagnap bukas dahil magkikita na kame ni Daniel at gusto ko naman na presentable ako kapaga nakita niya ako, Kahit na hindi niya ako makilala as Pat na patpatin as a kababata niya.
Atleast makikilala niya ako bilang tricia na # 1 fan niya.
Nasa MCDO kami ngayon kumakain ng merienda kase napagod tong mga kasama ko sa kakasunod saken at kakahanap ng damit na maisusuot..
“Ano best? Excited ka ba?” Tanong ni king habang kumakain ng fries.
“Hay nako babe, Sino ba naman ang hindi maeexcite eh makikita na niya yung #1 idol niya” Sagot naman netong ni Erica.
Oo nga pala mag on na sila. Hindi na nagpakipot masyado tong si Erica eh, Masaya naman ako para sa BFF ko no.
“Excited sympre! Pero kinakabahan din” Sagot ko naman sakanila
“Bat ka naman kakabahan best? Ayos lang yan. Matutupad na din yung mga wish mo na makita siya!”
Hay nako kung alam niyo lang kung gaano ko hinintay yung araw ng pahkikita namen ulet, Oo nga pala hindi alam nina king at Erica na kilala ko na si DJ matagal na at magkakababata kame, Satingin ko kse hindi na nila dapat malaman kse wala rin naman patutunguhan yun dba? Pag ba nalaman nila maalala ba ako ni DJ? Hindi diba? Kaya ang alam nila ngayon tlgang # 1 fan lang ako ni DJ. Okay na ako dun.
Manila 06PM
Padilla’s residence.
Daniel’s POV
Sed talaga kahit kalian hindi marunong gamitin ang utak! Nakakainis sarap ibalibag, Matawagan ko nga!
“HOY BOBO!” Sabe ko sakanya
“Tangina pre, Baket?!”
Tanga talaga neto oo,
“Ano naman alam mong papost post sa twitter na CAN’T WAIT TO GO BACK ON PAMPANGA TOMORROW?!”
Binawalan ko kase na wag ipopost sa twitter yung mga lakad namen dahil nga sa ex na si zharm na ayaw akong tantanan!
“Bakit pre? Oo nga pala! Teka idedelete ko”
“Tangina pre, Wag na! Huli na ang lahat! Kasama na naten si zharm bukas! Kasalanan mo to eh!”
Badtrip na badtrip talaga ako.
“Sasama pre?! Baket? Pwede ba sya dun!? Ungguy yun eh! Sabit ng sabit sayo!”
“Tangina naman kse pre eh, Bobo mo lang. Ayun tinawagan ng mama niya ang mama ko ayun nga isasama nga daw naten sa Pampanga kase nga daw aalis yung mga magulang ni zharm bukas at saten nalang sasama si zharm para makapag enjoy naman daw kahet papano eto naman nanay ko pumayag agad!”
Sa mga may hindi po alam, Ex po si zharm mga 15 years old palang kame nung naging kame, ewan ko ba anong nangayre at niligawan ko siya. Mga 6months nga lang ata kame dahil nung pumasok na ako sa showbiz nawala na, At ngayon 3 years na ang nakalipas magkaibigan kame kase magkaibigan families namen kaya no choice, eto naman si zharm hindi pa ata nakapg move on kaya yun! Hindi padin ako tinatantanan.
Guys, wag po kayo magisip ng kung ano, Characters lang po yan. Hindi po ako hater ni Zharm okay? Sa story lang po yan. Please no bashing. Hehehe. Salamat guys!
- Ms. Author ♥
BINABASA MO ANG
DJ fell in love with a Fangirl.
Teen FictionSino ba ang hindi magkaka gusto sa isang Daniel Padilla? Nasa kanya na ata ang hinahanap ng lahat ng babae. Pero paano kung alam ng lahat ay si Kathryn Bernardo ang gusto nito eh meron pa la siyang non showbiz girlfriend? Magiging matatag ba ang kan...