Dedicated to sakanya kase, wala lang feel ko lang... JOKE! Ang haba ng comment niya! At dahil sakanya nagupdate na ako! Odiba? Nakakatouch kase yung comment niya, Super. Lalo ako ginanahan magupdate. Huhu. I love you! >:D<
Pati ung iba ko na readers, Love you guys! Pati na din yung mga multo ko na readers na napakatahimik at hindi nagpaparamdam, mahal ko din kayo. Hehehe
___________________________________________________________________
Tricia's POV
Alam niyo ba kung ano nararamdaman ko ngayon? Sobrang saya. Mas maganda talaga kung alam ni DJ yung mga nangyayare para hindi siya nalilito at naguguluhan. Lahat ng sinabe niya saaken ngayong araw na to ay ang nakapagpasaya saaken.
Parang hindi siya si Daniel Padilla na sikat, artista madaming nagkakadarapa na babae sakanya, na madaming nahuhumaling sa kanya. Hindi yun and nakita at naramdaman ko ngayon. Ang naramdaman ko ay yung DJ na kilala ko at minahal ko noon, Hanggang ngayon..
Kanina, hindi ko na napigilan. Kailangan ko siyang yakapin. Sasabog na puso sa sobrang tuwa at kung ano pa man itong nararamdaman ko. Hiniling ko na yakapin ko siya as a fan. Bakit? Kase hindi pa niya ako lubusan naalala. Ayoko naman nung mag take advantage porket hindi niya ako maalala.
Nung nakayakap ako sakanya, wala ng mas sasarap at sasaya sa pakiramdam ko ng mga oras na yun. Yakap yakap ko si Daniel, yakap ko ang mundo ko.
Hindi ko alam kung anong estado ng relasyon namin ngayon? Assuming ko. Wala naman nga palang relasyon. Tutulungan ko muna pala siya na maalala ako.
Mas mabuti na yun. Kesa wala, hindi ba? Ang mahalaga alam ko. Na importante pa din pala ako sakanya, Hanggang ngayon..
10pm na. Andito ako ngayon sa kwarto ko. Tapos na kame magdinner at lahat lahat. Sigurado nagpapahinga na sila lalo na si DJ. 6AM alis niya bukas... Pupunta ng palawan... 2nights siya dun.
Kung kailan maganda na yung sitwasyon namin saka pa siya aalis. At take note. Kasama niya pa yung Lexi Fernandez na yun. Pasensya na ah. Nagseselos lang talaga kase ako. Wala naman siguro namamagitan sa kanilang dalawa diba? Please say yes! Ughh.
Trabaho lang yun. Sabe ni Tito Mark kaninang dinner, music video lang daw gagawin nila, eh papano kung magustuhan siya ni DJ?! Kase ang ganda ganda niya, tas ang puti tas malay mo mabait. Paano kung nagustuhan niya si lexi?! Ano na gagawin ko? Paano na ako?
Eto problema saaken eh, pinangungunahan ko ang mga mangyayare, kaya okay relax lang dapat ako. Relaaaaax!
Matutulog na ako, maaga din ako gigising bukas. Para makita ko pa si DJ bago siya umalis.
Daniel's POV
"Oo ma, naka ready na po...Opo....Ako lang po at tska si Tito mark...Opo.. Sige po... Bye ma. Loveyou too.." Ako yan, kausap ko si mama. Usual, chinecheck kung nakaready na ba lahat, ganyan naman lagi si mama eh, kahit nasa singapore, she always finds time para makatawag.
Andito kame ngayon sa living room, si tito mark medyo nagreready pa ng konti, hinihintay nalang namin kase yung company car na maghahatid samin sa airport. Kami palang gising ngayon. 6AM palang eh, sina manang ayun nagluluto na. Pipikit muna sana ako para medyo makaiglip habang naghihintay...
"Uy pare!!!!!!!"
Ang aga aga, anong ginagawa ng mga to dito!? Si lester, sed at katsumi.
"Huy! Ang iingay niyo. Bat nandito kayo?" Tanong ko sakanila.
"Goodmorning Tito." Bati pa nila kay Tito Mark..
BINABASA MO ANG
DJ fell in love with a Fangirl.
Teen FictionSino ba ang hindi magkaka gusto sa isang Daniel Padilla? Nasa kanya na ata ang hinahanap ng lahat ng babae. Pero paano kung alam ng lahat ay si Kathryn Bernardo ang gusto nito eh meron pa la siyang non showbiz girlfriend? Magiging matatag ba ang kan...