Chapter 25: A song we used to share.

1.4K 19 5
                                    

“AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!”

Napatigil yung pagsigaw ko ng meron tumakip ng bibig ko,

“Shhhhh! Wag ka nga maingay!”

“Opo opo, wag niyo po ako papatayin!” Sabe ko habang nakapikit. Grabe umiiyak na ako sa takot feeling ko nasa TV Patrol na ako bukas,

Isang babae nagising ng 3am bumaba sa kusina para magtimpla ng gatas, at unfortunately namurder siya ng isang hindi kilalang tao..

Huhuhu lord wag naman po. Save meeee.

Binitawan ako nung murderer.. Nakapikit padin ako, natatakot ako sobra. Umiiyak na ako, pinipigilan ko….

“Ang OA mo talaga kahit kelan…”

………………

Nagbukas yung ilaw….

Binuksan ko yung mga mata ko ng dahan dahan…..

“D-DJ!?”

“OA!” Inasar pa ako, eh mamatay na ako sa takot eh!

“Anong OA!? Bat ka ba kase naka pure black!? Hindi tuloy kita nakita! Grabe akala ko mamatay na ako!”  Paano ba naman naka black board shorts siya tska black na Tshirt! Pinunasan ko mga luha ko habang umupo sa upuan siyempre, jusko! Yung puso ko akala ko sasabog na. natakot talaga ako.

“Sus. Chansing ka lang, nahawakan mo kamay ko” Hobby na niya yung pang-aasar, medyo nasanay na ako.

“Kamay? Chansing? Grabe! Yun nga ikamamatay ko eh! Akala ko bangkay! Ang lamig ng kamay mo!”

“Bat gising ka pa?” Change topic? Ganun?

“Kukuha lang ng gatas, hindi ako makatulog eh.” Sabe ko habang pumunta na sa ref para pumasok sa loob ng ref at doon nalang matulog. Joke lang. heheheh

“Ikaw? Bat gising ka pa?” Tanong ko sakanya.

“Wala, nagising ako. Ewan” Sagot lang niya. Ang gulo.

Umupo ako sa katapat niya, habang iniinom ko yung gatas ko.

“Madaling araw, Ruffles kinakain mo?” Tanong ko sakanya

“Baket? Bawal?”

“Hindi naman..”

“Naniniwala ka sa devil’s hour?” Bigla niyang tanong with matching scary eyes na titig saken.

Okay, ayoko to pagusapan. Natatakot ako, promise!!

“Uhh, ayoko pagusapan. Please” Pakiusap ko sakanya. Kase swear. Im scared to death.

“Baket?? Tatakot ka?” Asar pa niya.

AWOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO

Narinig ko pa yung mga aso ng kapit bahay naming, lintek natatakot na tlga ako.

Ginaya niya naman yung aso.

“Awooooooooooooo!” Ulol talaga tong si DJ!!

“Wag ka nga manakot DJ!!!”

“Hindi naman ako nanakot ah! Alam mo  sabe nila sa mga ganitong oras daw……”

“Please! Wag mo ituloy nagmamakawa ako! Please!! Natatkot talaga ako” Sabe ko sakanya habang hawak yung kamay niya, abot ko kase eh katapat ko lang….

DJ fell in love with a Fangirl.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon