Aly P.O.V
Alyssa Valdez. Volleyball player ng ADMU, Spiker.
Mahal ko si Dennise Lazaro, libero ng team namin, actually nag confess na ako ng feelings ko sakanya. High School palang nagkakalaban na kami. Middle siya dati ng CSA ako naman spiker ng UST H.S. so ibig sabihin, high school palang gusting gusto ko na siya. High school palang, nagpaparamdam na ako.
<<FLASHBACK>>
ALY: Kim, kilala mo yung Lazaro ng CSA? Ang ganda grabe! Crush ko na ata.hahaha!
Kim: agad agad Ly? HAHA! Tara lapit tayo. Pakilala tayo.
Lumapit sa bench kung saan nakaupo si DenDen, nag aayos ng bag.
Kim: Hi! Ako si Kim Fajardo, eto si Alyssa Valdez, players kami ng UST, pwede makipagkaibigan? J
DenDen: OO naman, ako nga pala Si Dennise Lazaro. J
Aly: nakipagkamay siya samin ako naman kilig na kilig. Ehhhhh. J
Den: alis na muna ako ha? Inaantay na ako ng kasama ko. Bye! Nice meeting you Kim, Alyssa.
Makalipas ng ilang araw, nanood ako ng mga game nila Den. Ako lang mag isa. Lagi ako dun sa gen ad. Pagkatapos ng game, pumunta ako ng dug out. Nakapasok naman ako kasi namukhaan ako ng bouncer na nagbabantay alam niyang player ako ng UST. Sakto nakita ko si Den, palabas ng cr. Nilapitan ko siya.
Aly: Den! Sandali!
Tumigil naman si Den, tapos lumingon, nakita niya ako tapos biglang ngumiti! Shet! Ayan nanaman ang pamatay ng ngiti ni Lazaro! Nakakahumaling!
Den: oh aly! May game ba kayo? Bat ka andito? Tanong niya sakin, ngumiti lang ako tapos binigyan ko ng 1 litrong Gatorade.
Aly: eto oh binilhan kita ng Gatorade para makabawi ka ng lakas. Congrats sa panalo niyo! Ang galing!
Den: hala nagabala kapa, pero salamat dito ha? Sus nambola kapa ikaw kaya dyan ang magaling. J
Aly: di naman. Hahaha! Sige na Den, baka inaantay kana ng teammates mo. J
Den: sige alis na ako ha? Salamat ulit aly! Tapos bineso beso niya ako sa cheeks.
Wala, tulala nalang ako pag alis. Grabe! Kinilig kaya ako ng sobra dun! Kaya naman paglabas ko ng arena yung ngiti ko abot tenga talaga. Ngiting tagumpay. Inaantay ko makaalis yung bus nila. Pero biglang bagsak ang balikat ko nung nakita kong naka convoy ang isang pulang kotse sa bus nila, lulan nun si Den, may kasamang lalaki, yung nagdadrive, halatang may something kasi ganda ng ngiti nilang dalawa. Umalis na ako, at nagpunta ng mall. Tambay sa coffee bean. Nagkape ako. Wala eh, bitter pa ako. Nang biglang tumunog ang phone ko.
Jovee calling….
Aly: Hello?
Jovee: lalim ng iniisip natin ah. Tsaka bakit ka mag isa? Anong problema?
Nagpalinga linga ako. Loko tong si Jovee ah. May patawag tawag pang nalalaman, di na lang lumapit.
Aly: loko ka ah. Wala, may problema lang. asan ka?
Jovee: 3’oclock.
Tumingin ako sa right side, ayun ang loko. Nakaupo sa katapat na resto. Umiinom ng milkshake. Ngumiti ako tapos tinawag ko siya.
Aly: ba’t ka andito?
Jovee: ikaw lang ba may karapatan sa mall na to?
Aly: pilosopo.
Jovee: namasyal lang, broken hearted eh, ikaw kasi.
Aly: hala!
Bestfriend ko tong si Jovee, nagtapat sakin pero sinabi ko na hanggang kaibigan lang talaga turing ko sakanya kasi nga Mahal ko si Den. Di naman siya nagalit. Close pa rin kami. No hard feelings daw.
Jovee: anong problema Ly? Ba’t ka malungkot?
Ayun nagkwento naman ako kay Jovee tungkol sa nakita ko at sinabi kong nasasaktan ako. Nakinig lang siya. Tapos ngumiti. Sinabing pakatatag lang daw ako. Tumango nalang ako. Nagkwentuhan pa kami sandal, napapatawa naman niya ako sa mga banat niya. Kaya kahit sandali nakalimutan ko si Den.
Lumipas ang mga araw. Patuloy parin ako sa pagdala ng pagkain o kaya Gatorade kay Den after ng game nila. Sinantabi ko na lang ang sakit, kasi para sakin, gusto kong Makita yung mga ngiti niya. Gusto ko siyang Makita. Yun lang, kumpleto na araw ko.
Hanggang isang araw…
Kim: Aly, hanggang kalian yang kahibangan mo kay DenDen?
Tinignan ko ng masama…
Kim: highblood agad? Diba nga may boyfriend na yun, si Myco diba? Relax! Chill!
Aly: ano naman di pa naman sila kasal ah? Tsaka kahit may boyfriend na yun, wala eh, di naman natuturuan ang puso. Martyr na kung martyr. Basta napapangiti ko siya solve na ako.
Kim: pero wala kang balak umamin?!
Aly: …...
Kim: ano?!
Aly: takot ako eh. Baka magalit. Tsaka baka di na ako kaibiganin nun. Diba nga hindi pa tanggap sa society natin ang same sex relationship? Tsaka baka ayaw din ni Den.
Kim: wala naming mawawala kung susubukan mo eh. Try mo lang. 10 seconds of courage. Yun lang. wag torpe Ly. Wala kang mapapala sa ganyan. Para ka lang rocking chair nyan. Bibigyan ka ng gagawin pero walang mapupuntahan.
Aly: lalim nun ah. Sige. Susubukan ko. Salamat Kim ah? Kaya naman swerte ako sa mga kaibigan ko eh. :D
Kinabukasan…..
sa arena, kinausap na ni Aly si Den. Nagconfess na siya ng feelings niya for Den. Naguusap sila sa isang sulok. Mga 20 minutes din. Pagkatapos nun, nagyakap sila. Umalis na si Aly.
<<END OF FLASHBACK>>
==Author's POV==
sabaw po ba? yan palang nakakayanan ng utak ko eh. haha! feedback nalang po. para tignan kung itutuloy pa. :) salamat! happy reading! go easy on me people. :D