Quit being hard on yourself, we are what we are; we love what we love. We don’t need to justify it to anyone… not even to ourselves
– Scott Lynch
ALY P.O.V
Nandito ako sa sala ngayon. Hinihintay si Denden. She went out with L.A. tssssss. Nakakabadtrip 9pm na wala pa din siya. may kumatok sa pinto. Dali dali akong tumayo at binuksan ito. Sinarado ko din agad. Badtrip. Sila Greta at Fille lang pala. Bumukas ulit ang pinto. Pumasok silang nakangisi. Hindi ko na lang pinansin.
Umupo naman si Ate Gretch sa tabi tapos umakbay sakin. “Relax Ly, uuwi yun ng buo”. Tapos tumayo na umakyat sa kwarto.
Maya maya. May kumatok. Dali dali nanaman akong tumayo at binuksan ito. Bumungad sakin ang mukha ni Dzi at A. tsk. Hindi ko naman sila pinagsarhan ng pinto kasi si Captain na yan. Takot ko na lang din kay Ate Dzi. So pinapasok ko na sila at sinara na din ang pinto.
“Den isn’t home yet Aly?” tanong ni Ate Dzi pagkaupo ko sa sofa.
“yes, she’s still out with L.A” walang ganang sagot ko.
“Trust her Ly” sabi naman ni A sakin.
Tumango naman ako kay A. hindi ko alam. Hindi ako komportable na kasama ni Denden si LA ngayon. Hindi ko maiwasang hindi magselos. Lalong lalo na yung takot na baka mamaya mas gusto na niya si LA kesa sakin.
Biglang may kumatok. This has to be Denden. So ayun, takbo ako papuntang pintuan, at binuksan ito.
FCUK!!!
it’s Marge and Jirah. nakakabadtrip. Hindi ko maitago ang pagkainis ko kaya hindi ko sila pinansin at tuloy tuloy na ding lumabas. I don’t care kung pagalitan ako nila Dzi. Kailangan ko ng hangin. Baka mabaliw ako sa kakaisip kung ano na ginagawa ni Denden at LA.
Narinig kong tinawag ako ni Marge, pero hindi ko nalang pinansin. Pumasok ako sa sasakyan at nagdrive.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tinatahak ang daan papuntang antipolo. My favourite place. My secret hideout.
Nakaupo lang ako sa hood ng car ko. Nag iisip. Ano nga ba pinagmumukmok ko? Bakit nga ba ang drama drama ko ngayon?? Wala naman akong dalaw? Aiiiishhhh!
Ang mahalaga maparamdam ko kay Denden kung gaano ko siya kamahal. Ang mapasaya siya. ayan na nga eh, binigyan na ako ng chance para mapakita at mapatunayan. May bonus pa kasi sabi niya gusto niya ako. paulit ulit nalang ako. naaasar na din ako sa sarili ko kasi dapat handa ako sa lahat. nakakahiya.
Tinampal ko ang sarili kong noo. What the fck Valdez?! Minsan talaga umiiral ang pagkatanga ng isang tao pag nagmamahal. Dali dali na akong pumasok ng sasakyan at umalis pabalik ng dorm.
Habang nasa sasakyan. Naisip ko na bakit ba emo ko, kesa naman sa nagpapatalo agad ako, sana pala nag isip na lang ng surprise o kaya pakulo para mapakita ko na mahal ko si Den. napangiti naman ako sa naisip ko bigla. Bukas na bukas. Kailangan kong isurprise si Den. :D
Nakarating akong dorm na nakangiti. Naglalakad palang ako papuntang dorm, bumukas na yung pinto. Lagot. Si Ate Dzi. Nawala yung ngiti sa labi ko. Natakot ako bigla. Huhuhu. 11:30pm na din kasi.
Paglapit ko sakanya….
“where have you been? Tinatawagan ka namin di ka sumasagot. Hindi ka din nagpaalam na aalis ka. Alyssa, hindi tama yung ginawa mo. Pinag alala mo kami.” – Dzi
“Sorry Ate Dzi, nagpalamig lang ako ng ulo. Di na mauulit promise. sorry talaga.” – sincere akong nagpaumanhin.
Tumango naman si Ate Dzi, “Next time Aly ha?” pahabol na sabi niya nung paakyat na kami papuntang mga kwarto.
