"The only thing we never get enough of is love; and the only thing we never give enough of is love."
- Henry Miller
ALY P.O.V
"Hey Marge, sa tingin mo, ano kayang ibibigay ko sa parents ni Den this weekend? Hindi naman pwedeng wala akong dala. Nakakahiya" tanong ko kay Marge habang nag iikot ikot kami sa mall. Hindi namin kasama si Denden kasi may pasok pa siya. nagkataon lang na wala kaming prof. ni Marge sa last subject namin.
"kahit naman wala kang dala okay lang sakanila diba?" tinaas baba pa ni Marge ang kilay niya na parang nang aasar.
"Ha Ha! Sarkatikong tawa kay Marge. "dali na kasi Marge, mag suggest ka naman." Kulit ko sakanya.
"magdala ka na lang ng pasta. Tara grocery tayo, mas okay pag ikaw mismo gumawa. Dagdag points kahit home run kana sa parents ni Den" natatawang sabi ni Marge
"oh and Ly, kelan mo sasabihin kay Den? tsaka ba't di mo pa sinasabi sa kanya?" pahabol na tanong nito
"ayoko naman kasi na sakin manggaling. Gusto ko din naman na siya mag initiate. Alam mo yun? Na kahit naman sa parents niya, kaya niya akong ipaglaban." Sagot ko
"ang drama mo Baldo. nakakainis" casual na sagot niya sakin.
"bwisit ka Marge!" sabay hampas sa balikat niya.
Nakarating na kaming ng supermarket at nagsimula ng mamili.
"Aly? Marge?"
Sabay pa kaming napalingon ni Marge sa tumawag sa pangalan namin.
"wow. Kayo nga! Long time! Kumusta na kayo?" tanong niya.
"Wensh!" gulat na sabi ko. uh oh.
Siniko naman ako ni Marge.
"Hi ate Wensh! Kumusta?" sabi ni Marge at nagbeso ito sa kanya.
"im okay. Ikaw kumusta?" balik tanong nito.
"okay lang din" sabi ni Marge na todo ngiti.
"Wensh, kumusta? Napadpad ka dito?" tanong ko tas nagbeso din sa kanya.
"same as you Ly, naggrogrocery din." Sabi niya habang nakangiti.
Simpleng ganda talaga meron dito kay Wensh. Hindi ko namalayan na titig na titig ako sakanya.
"ehem. May kasama ka ba ate Wensh?" sabi ni Marge at siniko ako, natauhan naman dun.
gods, nakakahiya.
Binigyan ako ng makahulugang ngiti ni Wensh. Tumingin siya kay Marge. "wala, ako lang" sagot niya sa tanong nito.
"ganun, sabay kana samin maggrocery ni Ly" aya ni Marge sakanya.
Tumingin ako kay Marge. This is soooo not a good idea.
"hoy Marge, nakakahiya kay Wensh, baka makaabala tayo." sabat ko sakanya at simpleng siniko ito.
Malalagot ako kay Den pag nalaman niya to. Mainit pa naman dugo niya kay Wensh kasi alam nitong may crush ako dito.