“Darkness cannot drive out darkness: only light can do that. Hate cannot drive out hate: only love can do that.”
- Martin Luther King Jr.
“will you be okay? susunod ka naman diba? Hmmm, wag na lang kaya akong sumama Den? hindi ko rin naman maeenjoy ng sobra kasi wala ka dun.” Sabi ko pagkalabas ko ng bathroom at naabutan si Denden na inaayos ang gamit ko papuntang Palawan.
Ang sweet naman talaga ng girlfriend ko. kulang na lang talaga kasal. Hahaha. napangiti ako sa naisip ko.
“ano ka ba Ly, kailangan mo din mag relax, ilang buwan yang PSL at alam kong kailangan mo din to. pagod ka lagi sa trainings, stressed ka pa. kaya you deserve this. Ill be okay. susunod ako. promise. okay?” Sabi ni Den habang sinasara na ang bag ko at tumingala siya sakin.
“oh, nag-iinarte ka tapos ngumingiti ka ng ganyan, Ly ang creepy ng ngiti mo. Promise.” dagdag ni Den ng mahuli niya akong ngumingiti mag isa.
“hahaha, may naisip lang ako. ikaw talaga. Tsaka mamimiss kasi kita. Sumunod ka agad bukas ha? Lumapit ako sakanya at yayakapin sana ng bigla itong tumayo.
“hep hep. Dyan ka lang.”
Sabi nito at napatigil ako sa paglapit sa kanya. bakit nanaman? Ano nanaman nagawa ko? litong tanong ko sa sarili ko.
“ano iniisip mo at nakangiti ka magisa? Ayusin mo sagot mo Valdez at siguraduhin mong hindi ibang babae yan!”
Taray mode activated nanaman tong girlfriend ko. ngumiti ako ng pagkalaki laki sakanya.
“ikaw lang naman ang nag iisang babae na iniisip ko aside sa Nanay ko. at wala na akong balak pang dagdagan-
Aba Alyssa. Dapat lang! sabat niya sakin
Natawa ako sa kanya. “Den, sumagi sa isip ko ang pagpapakasal. Magsasalita nanaman sana ulit siya pero inunahan ko na.
..i know I know. Tatapusin mo muna ang pag aaral mo. Ngumiti ako sakanya at hinawakan ang kanyang kamay. I cant wait for you to be my wife Den. but I’ll wait,no matter how long. I gave her a soft kiss. Because You. Are. Worth. The. Wait. Dagdag ko in between our kisses.
“I love you. and I’ve always wanted to be your wife. Sabi niya habang nakayakap sa aking leeg. Hintayin lang natin na ready na tayo, financially, emotionally, at sa right time. hmm?” sabi niya habang nakasubsob pa din sakin mula sa pagkakayakap. Then naramdaman kong nababasa yung t-shirt ko.
Humiwalay ako kay Den at hinawakan ang mukha nito at nakita ko ang luha sa kanyang pisngi.
“uy Den, bat ka umiiyak? Tarantang tanong ko habang pinupunasan ang pisngi niya. nakapikit pa din siya. may nagawa ba akong ayaw mo? Im sorry. Tahan na. ayokong nakikita kang umiiyak.”
Pagpapatahan ko sakanya. bigla nanaman niya akong niyakap ng mahigpit.
“wala. Wala Ly. im just so happy. Happy tears to Ly. I just love you. alam mo yun? mahal na mahal kita, sobra.” Sabi niya.
“at mahal na mahal na mahal kita. Wag mong kakalimutan yun. ikaw ang nag-iisang nakapasok sa puso ko. my 1st love. My true love. My last love.” At niyakap ko siya ng mahigpit.