ALY P.O.V
2nd day sa Baler. Pinapanood ko ang mga teammates/kaibigan ko na naglalaro habang nagswiswimming.. nakaupo lang ako dito sa buhanginan. Ngayon ang water acitivity nila is yung banana boat. Ang sasaya nila. ang gaganda ng ngiti. Lalong lalo na si Denden. Kanina ko pa siya actually pinagmamasdan. Hindi naman sa KJ ako, wala kasi magbabantay sa mga gamit namin kaya nagpresinta muna ako na ako ng maiwan, kumukuha din ako ng mga stolen shots nila. :D nakatingin pa din ako sa tuwang tuwa na si Denden, hindi ko namamalayan na pati ako nakangiti na din. Hahahaha.
Parang nag slow mo bigla ung tumingin ako kay Den, yung paghawi niya ng buhok niya na tumatakip sa mukha niya, yung pagtawa niya, yung pagbuka ng bibig niya para magsalita. Holy shit. Im falling even more inlove with her. Ng biglang may tumabi sakin.
Ganda ng view? Hahaha! Si Marge!!
Masyado ka kasing tutok na pagmasdan si Den kaya hindi mo ako namalayan na lumapit. Hahaha. Ano Ly, maganda ang view? Ang hot ng libero natin noh? Hahahaha! – aba mind reader ba to at manyak? Hahaha. Binatukan ko si Marge. Tawa lang naman siya ng tawa.
Manyak ka Margarita ha?! Alalahanin mo may Jirah kana at sakin si Den. hahahaha. sabi ko sakanya.
Luh? Addict lang, kayo na ba ni Den? umamin kana? paasar na tanong niya kaya naman hinampas ko siya sa braso. Hahaha. Panira eh. tapos nagsalita ulit si Marge. tsaka kuntento na ko kay Baby Ji noh. Mahal na mahal ko yun. Sayong sayo na si Denden mo! Hahahaha.
Tara Sali ka muna sa swimming, tago nalang yung mga pwedeng mawala, para hindi ka kawawa dyan. Hahahaha. - marge
Anong trip mo at ang lakas mo mang asar sakin ngayon Marge? Hahaha. – tumayo na din ako sa sumali sa kanila sa swimming.
==
Pagkatapos ng swimming, naglibot libot kami at bumili ng mga pwedeng pasalubong. Bumili din ako ng pwedeng ibigay kay Kim. :D tumawag kasi sakin kanina, pasalubong daw. Hahaha. Pagkabili, lumapit ako kay Den, andami naman atang binibili nito?
Aly: uy Den, bibilhin mo ba lahat? Andito naman tayong lahat sino pa pagbibigyan mo? Hahaha.
Den: oh Ly, haha. Family, tsaka bigyan ko din kasi L.A.. namimili pa din siya habang sinabi yun. Badtrip. Sana pala hindi na ako nagtanong. Nakakaasar. Paalis na ako nung nagsalita ulit siya
“Ly, bili tayo anklet. Dali! Parehas tayo ah?”
“Ahh. Anklet?” tanong ko sakanya.
“oo Anklet. Para maiba naman. Bestfriends diba?” :D
“ay oo nalang” bwisit na word na bestfriend yan. Sino ba nagimbento nakakabadtrip.
“ayaw mo? Sige wag nalang. Tsssss.” Sabay alis ni Den.
Aaaiiisshhh! Nagtampo agad? Kasi naman eh. bestfriend nanaman. bumili nalang ako ng 2 anklet na pair. Bigay ko sakanya mamaya sa room namin. Di ko din naman siya matiis. Di ko kaya na nagtatampo sakin.
Tinext ko si Ate Gretch na may pupuntahan nalang muna ako…
Pumunta ako sa may dulo ng beach. Pinanood yung sunset. Naluha na lang ako nung naisip ko na, baka nga mahal na ni Den si L.A, wala nanaman. Ayaw ba talaga ng tadhana na maging kami? Tsk. Ang saklap. Move on na ba? Let go na?
Pinunasan ni Aly yung luha niya at pumunta na sa hotel. … Nasa may lobby siya nung nakita niya si Marge.
Marge!! Marge! Saan ka galing? – sigaw ko sakanya.