“You can see the whole entire world in the eyes of a person who knows how to simply stand there and take all of it into him but then you can look into the eyes of someone else and the whole entire world goes away and all that’s left is you”
- C. JoyBell C.
ALY P.O.V
Napalunok ako sa sinabi niya at tumingin ako kay Den, at nakita ko siyang naka cross arms at nakataas ang isang kilay habang nakatingin sakin.
Huhuhu. Lord ano nanaman nagawa ko? diba dapat matuwa pa siya? ba’t kabaligtaran. Aaaiiiisshhhh!
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. magkaharap kami ni Den. huhuhu. Seryoso ba to?
“Dennise” ako.
“bakit hindi mo sinabi sakin?” may halong tampo yung boses niya. lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya at hinila paupo sa inuupuan namin kanina.
“im sorry. Gusto ko lang naman na ikaw mag initiate na ipaalam sa parents mo. And Dennise, I love you so much” hinaplos ko ang mukha niya “and you deserve the best life has to offer. Kaya naman nagpaalam ako sa kanila kung pwedeng ligawan ka, out of respect na din sayo at sa parents mo. At yun ang tama. Ang ipaalam ka sakanila. Im sorry, wala akong ibang intension Den” paliwanag ko sakanya
“I appreciate your efforts Ly, and thank you for doing that. But. Im still mad at you for not telling me” walang emosyong sabi ni Den
Napabuntong hininga naman ako dun. At tumayo. Tumingin ako kay Den at nakita kong kumunot ang noo niya.
“okay Den, I understand.” Sabi ko at tumalikod sa kanya.
Naramdaman ko yung kamay niyang humawak sa kamay ko “saan ka pupunta?” tanong niya.
Wala, gagala lang sandali, galit ka sakin eh, hindi mo rin naman ako papansinin dito, hayaan muna kitang mag cool down” sabi ko habang nakatalikod pa din sa kanya.
“no. walang aalis” sabi niya at humigpit ang kapit niya sa kamay ko. humarap na ako sa kanya. Nagulat naman ako kasi pagharap ko, niyakap niya agad ako.
“im mad at you for not telling me but my love for you is stronger, thank you for asking my parents Ly, that means a lot to me. I love you so much” sabi niya at kumalas siya sa yakap namin. Parehas na kaming nakangiti.
“what time is it?” tanong ko kay Den.
She looked at her watch and answered “2 more minutes” so nag countdown kami. And then nag alarm yung phone niya meaning. 2:13pm na sooo
“I love you Dennise” sabi ko and gave her a soft kiss on the lips.
“I love you Alyssa” and she too gave me a kiss.
---
“hey Den, where are we going? Ayaw mong sa bahay niyo muna tayo? spend time with your family?” tanong ko. nasa sasakyan kami ngayon and siya yung nagdadrive, kanina ko pa tinatanong, ngiti lang ang sinasagot sakin.
“punta tayong Taft, sa La Salle, nagtext si L.A eh” Den
“are you fucking serious? You traded OUR day with your family para sa L.A na yan?!” pasigaw kong sabi. Pero nginitian lang ako.